Chapter 16

81 6 0
                                    


"Charles Mariano .. pwede ba kitang ligawan?" Hindi pa rin maalis ang boses ng binata sa isip ni Charles. Mas namumula ang kanyang pisngi sa tuwing rumerehistro ang matamis na pagtatanong ni Franco sa kanya. Kahit halos limang oras na ang nakalipas mula nung binigkas ito ng kaklase niyang di niya akalain aamin sa totoong nararamdaman niya sa kanya.

"Hays! Ano ba kasing nakain ni Franco at biglang siyang nagka-interes sa kagaya kong baliko?" Tinakluban ni Charles ang ulo gamit ang malaking unan. Nagsisilibi itong dantayan niya kapag natutulog pero sa pagkakataong ito, sapat na para maging talukbong niya sa magulong nadarama niya.

Tanda niya na hindi niya nasagot ang tanong ni Franco dahil na rin sa pag-eksena ng dalawang love birds sa Bus Stop. Nagpaalam na lang kanina ang binatang naghatid kay Charles nang dumating ang Bus na sasakyan nila. Tanging isang text nalang ang naging pagtatapos ng usapang ligawan nilang dalawa.

"Lucky Charm! Salamat sa pagpayag mo ihatid kita. Salamat din sa pakikinig sa biglaang pag-amin ko sa'yo. Hahaha! BTW, sana pumayag ka na ligawan kita. Hintayin ko sagot mo until Card Giving Day natin ha."

Medyo mahaba ang naging mensahe ni Franco sa text di gaya ng norma nilang usapan. Dahil na nga rin ayaw niyang makaramdam ng pressure ang kanyang nagugustuhan.

Ang isa pang nagpagabag sa loob ni Charles nung hapong rin yun ay nung nabigla siya na sumakay si Gabriella sa Bus nila. "Saan sila pupunta?"

Hindi niya nagawang itanong sa dalawa kung bakit at saan ang tungo nila. Nauna kasi silang sumakay paakyat ng sasakyan, at naupo sa pwesto ni Jarmcel. Si Charles naman ay bandang huli na ng humakbang at nagtuloy sa dulong parte ng bus. Wala ng bakanteng upuan sa tabi ng bintana kaya sa bandang gitnang halera ng upuan nalang siya pumwesto.

"Sila na kaya?" Pagtatanong ng mahina ng binata sa sarili niya. "Ipapakilala na ba ni Jarmcel si Gabriella sa pamilya niya as girlfriend niya?"

Base sa kung paano kumapit yung babae sa braso ng kaibigan niya ay nagpapakita lang na gusto niya rin talaga si Jarmcel. Hindi rin mawala ang mata nila sa isa't isa lalo na kapag nag-uusap silang dalawa. Para bang kung nasa loob lang sila ng drama, mayroon laging mga puso at mga bulaklak na nalipad-lipad sa paligid nila. '#Jarmiella' ?

"Tss. Jarmiella, Jarmiella. Baduy!" Ipinasak nalang niya sa magkabilaang tenga ang earphones niya at nagpatugtog habang nililibang ang sarili sa kahating-oras na byahe.

Kahit may inis siya sa tono, hindi makakailang medyo nasasaktan pa rin si Charles sa tuwing mababaling ang kanyang mga mata kina Jarmcel at Gabriella. "I really hope I made a wise and right decision."

Sa mga oras na yun, kahit pilitan niyang ngumiti para sa kaligayahan ng ex-Crush niya, hindi niya namalayan ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Hindi maitatago nito ang sakit lalo na sa muling pagkadurog ng puso. "Sana ako nalang siya."

Kung sobrang nahihirapan ang puso ni Charles sa mga nasilayan niya; kung paano ang kaibigan niya at ang babaeng nililigawan nito kapag magkasama sila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung sobrang nahihirapan ang puso ni Charles sa mga nasilayan niya; kung paano ang kaibigan niya at ang babaeng nililigawan nito kapag magkasama sila. Hindi rin naman buong kasiyahan ang nararamdaman ni Jarmcel.

Sa totoo lamang, isang kakaibang pakiramdam ang nagpapabagabag din sa kanyang kalooban. Lalo itong naging malinaw nung marinig niya mismo kay Franco na may balak itong ligawan ang kaibigan niya, si Charles. Hindi lang siguro inis, hindi lang din siguro pagkayamot -- nabuo yung kakaibang galit sa puso nito dahil sa .. selos.

"Selos?" Halatang nabigla si Jarmcel sa tinuran ng kaibigang kausap nito sa kabilang linya ng telepono. "No way, dude! Ano bang sinasabi mo?"

"Eto, tignan mo 'to! Manghihingi ka ng opinyon ko tapos di mo naman tatanggapin o papakinggan man lang." Pagtaas ng boses ng lalaki na halos ilayo ni Jarmcel ang kanang tenga sa pagsasalita nito. "Ikaw naman na nagsabi kaibigan mo siya, bestfriend mo. Tapos naiinis ka pag may kasama siyang ibang lalaki; Gusto mo ikaw lang pinaka-close niyang guy friend. Ano pa nga sabi mo?"

"Um. Gusto ko siya laging kasabay pumasok at umuwi," Mahinahong sagot ni Jarmcel sa kaibigan. "Katulad lang ng dati. Ganun."

"Oh! Kaya nga, namimiss mo siya!"

"Sige, sabihin na ngang namimiss ko siya. Eh bakit naman mapupunta sa selos?" Nais niya talagang klaruhin ang bagay-bagay sa kung bakit nabanggit ng lalaki sa dulo ng linya ang ganung bagay. "Parang ewan ka naman, Rolly eh!"

"Maka-ewan naman to. Tingnan mo, balang araw sasabihin mo mismo sa kaibigan mo na .. 'Oo! Nagseselos ako!'. Hahaha!" Malakas na pagtawa ang dulong narinig ni Jarmcel bago ito nagsalita ulit ng may pagkainis.

"Hays! Bakit pa ba ako sayo nagtanong. Tss!" Pagrereklamo nito habang nakakunot ang noo habang nakatayo sa terrace ng second floor ng bahay nila. "Hoy! Umayos ka, wag mo ipagsasabi sa iba ha!"

"Hahaha! Oo naman, kaibigan! Basta balitaan mo na ako kapag girlfriend mo na kaibigan mo ha!"

"Ulol ka! Bestfriend ko yun. Atsaka, anong girlfriend pinagsasabi mo?" Hindi kasi nabanggit ni Jarmcel kay Rolly na ang tinutukoy niyang bestfriend ay hindi babae, kundi si Charles -- isang binabae.

"Para naman timang 'to eh. Syempre, pagkasinabi mong nagseselos ka -- ligawan na sunod dun!" Batid sa boses ni Rolly na excited siya sa kakahinatnan ng pagkakaibigan ni Jarmcel at ng bestfriend nito. "Ikaw na rin naman ang nagsabi na umamin na siya sayo na crush ka niya dati pa. Hahaha! Paalalahan lang kita, tandaan mo na kapag naging kayo nga ng bestfriend mo, wag mong asahan na maibabalik mo ang pagkakaibigan ninyo pag nagbreak kayo. Ingat-ingat! Hahaha!"

"Tangek talaga 'to!"

"Makatangek-tangek naman 'tong lalaking to! Hays! Ikaw naman manhid! Pati sarili mong feelings para sa bestfriend mo, di mo maramdaman kahit gustong-gusto mo rin naman talaga siya." Pang-aasar pa ni Rolly sa kaibigan niya.

"Luko-luko! Kung ano-ano sinasabi mo, tulog lang yan! I-kamusta mo nalang ako sa Mommy at Daddy mo dyan." Ani ni Jarmcel na nilalamig na sa malamig na ihip ng hangin. "Sige na, mag-i-eleven pm na rin eh."

"Magla-lunch palang dito eh. Hehe! Ang laki talaga ng time difference from Philipines to Canada." Nasa dose oras ang pagitan ng lugar na kung saan matatagpuan ang magkabilaang dulo ng linya ng magkaibigan. "Sige, goodluck sa inyong dalawa! Hahaha!"

Matapos ang usapan nina Jarmcel at ng kaibigan niya, agad na rin itong pumasok pabalik sa kwarto. "Masabi nalang ni Rolly eh." Bigkas nito nang binitawan ang phone sa kamang hinigaan na niya.

"At bakit ko naman sasabihin na nagseselos ako?" Bulong nito sa sarili habang tinagilid ang katawan niya. "Pero, magpapaligaw ba talaga siya sa mokong na 'yun? Tss."

Nagvibrate ang phone ni Jarmcel sa tabi niya. Agad na rin niyang binasa ang text na natanggap nito.

"Salamat sa pagdala kanina dun sa Park! I like it. Sayang umulan din agad kaya hindi tayo nakapagtagal. Thanks ulit, Jarmcel! Good night na!"

May tatlong pulang puso a sa dulo ng text ni Gabriella na nireply-an din naman agad ng binata. "Welcome, Gab. Good night din."

Hindi tulad ng ideyang pumasok sa isip ni Charles kanina, sa park nagtungo ang dalawa. Hindi sa bahay nina Jarmcel. Mali rin ang naisip nito na siguro'y magBF-GF na ang Ex-Crush niya at ang babaeng katabi nito sa bus kanina.

Samantala, si Jarmcel naman ang di mapanatag ang loob dahil naman sa kaba na nararamdaman niya na baka gusto na rin talaga ng kaibigan niya si Franco.

"Tsk! Nakakainis naman! Hindi na niya ba talaga ako Crush?"


*** End of Chapter 16 ***

I hope you enjoy this chapter 😊

If you do, please remember to comment and vote -- it really means a lot for me! 😚🤗


Crush LifeWhere stories live. Discover now