Chapter 6

83 6 2
                                    


Naging abala sila Jarmcel at Charles sa kani-kanilang mga araw na walang pasok sa University.

Tumunog ang phone sa ibabaw ng lamesita, sa harap TV sa may salas kung saan nanonood si Jarmcel kasama ang dalawang babae.

"Cham, sino ba yan katext mo at ring ng ring yang cellphone mo?" Kumakain ng salad ang Mama ni Jarmcel nung sinabi niya yun sa anak niya.

"Ah. Wala po, classmate ko po." Hawak na niya ang phone habang nagbabasa ng text.

"I-vibrate mo nalang kasi." Sumabat na rin ang nakababata nitong kapatid na babae.

"Oo na. Oo na. Manood nalang kayo." Tumayo siya sa sofa pero hindi pa rin nawawaglit ang paningin nito sa screen ng hawak niyang phone. Si Gabriella ang kausap niya.


*** Text Conversation ***

Gabby: Oo. Nakakain na rin ng Lunch.

Jarmcel: Good. Wag ka magppgutom ha!

Gabby: Okay po. Sabi mo eh.

Jarmcel: Btw, may Basketball game ang section nmin sa Fri. Pde ka nun?

Gabby: Oo. Pero pwede ba isama ko sina Kylie and Trish?

Jarmcel: Oo nman. Support mo aq ha.

Gabby: Sige. Dapat manalo kayo.

Jarmcel: Xempre. Aq kya ang Team Captain.

Gabby: Wow naman po.

Jarmcel: Merienda tau. Gsto mo macaroni salad?

*** Conversation Continues ***


Nagpatuloy ang mahabang usapan ng isang babae at lalaki sa pamamagitan ng text. Salamat sa bente at naka-unli sila.

Halos napag-usapan nila ang iba't ibang bagay. Mapatungkol kay Jarmcel, kay Gabriella, sa ibang tao at maski ang paborito nilang number sa electric fan ay naging topic nila.

Masasabi ng binata na talagang naging magandang ideya ang naging plano ni Michael nung nakaraang linggo. Dapat niyang sabayan si Gabriella sa pag-uwi at dun na rin hingin ang number nito. Para kahit Sabado at Linggo, maipagpatuloy niya ang pakikipagkaibigan dito.

Araw ng Lunes, abalang nagpipipindot si Jarmcel sa phone niya para makareply ng mabilis sa text ng dalaga sa kabilang linya. Nang biglang may isang text na pumasok, hindi galing kay Gabriella.

Galing kay Charles.

"Hahahaha. Laftrip sa'yo Franco. Sige, kitakits!"

May sumunod agad na text, galing pa rin sa kanya.

"Sorry, wrongsent."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Crush LifeWhere stories live. Discover now