Chapter 11

81 7 0
                                    


Nagsimula na nga ang Biyernes na matagal na hinintay ng lahat. Nagtipon-tipon na ang section nila Charles sa loob ng gym kung saan gaganapin ang Basketball event na inorganisa para maging Final Exam nila.

Bawat isa ay nakasuot ng jersey shorts para na rin sa kumportableng pagkilos ng mga manlalaro sa loob ng court. Nagsilabasan din ang mga di pangkaraniwang rubber shoes ng mga kalalakihan na sinasabi nilang hasang-hasa na sa takbuhan. Mapa-lalaki man o babae ay excited na sa pag-uumpisa ng paligsahan.

Nauna ng naglaro ang dalawang Team ng babae para sa Women's Division. Inaasahan naman na natural na takbuhan at simpleng agawan at batuhan lang naman ng bola ang mangyayari sa loob ng court. May pailan-ilan din namang babae ang marunong sa basketball kaya naging masaya rin naman ang laro.

Mas naging kaaya-aya ang laro nila lalo na kapag nanakbo na ang mga kakabaihang pinagpala ang hinaharap. Naghihiyawan ang mga kaklase nilang lalaki na abalang pinapanood ang pagtalbog ng bola sa harapan nila.

Sa kalagitnaan ng laro, lumapit si Franco sa tabi ng sinasabi nitong Lucky Charm niya. "Charles, ready ka na?"

"Hahaha. Oo, handa na akong sumigaw sa pagchi-Cheer sa inyo."

"Good!" Bahagya niyang pinatong ang kanang kamay sa ulo ng binata at ginulo ng kaunti ang buhok nito. Hindi alintana ni Charles kung may iba man taong magbigay ng ibang ibig sabihin ang nabubuong closeness nila. Masaya lang din siya na nakatagpo siya ng panibagong kaibigan sa isang katulad ni Franco.

Napansin na rin ni Franco ang anklet na binigay niya sa kaklase niya. Suot ito ni Charles sa kanang binti. Kulay puti at itim na tali na masusing itinirintas para maging bitik. Ganun din ang suot-suot ni Franco sa kaliwang binti naman nito.

"Oh! Meron ka rin pala." Nakita ni Charles ang parehas na anklet sa binti ng Team Captain nila.

"Hahaha. Oo, dalawa ang binili ko eh."

"Salamat nga pala ha."

"Maliit na bagay." Umupo na ito sa tabi ng binata para makapanood na rin sa mga babaeng kanina pang parang mga batang nag-aagawan ng kendi habang naghahabulan.

Sa kabilang banda, lumapit din ang isa pang binatang kanina pa silang pinagmamasdan dalawa.

"Isod ka nga, Brad." Wikang pautos ni Jarmcel sa kaibigan niya. Gusto niyang umupo sa pagitan ni Charles at Franco na halos wala pang isang minuto magkatabi.

Dahil din naman sa may espasyo sa pagitan nilang dalawa, umisod pakaliwa si Charles sa utos na rin ng kaibigan niya. Tuluyan ngang napaghiwalay ng binata ang dalawa.

Pansin ni Charles ang pag-aasta ng kaibigan niya sa harap ni Franco dahil na rin sa hinala nitong may iba itong motibo. Isa pa sa mga malabong rason ni Jarmcel ang nasabi niyang, hindi naman sila bagay nito.

Sa kanan naman ni Jarmcel, halatang nadismaya ang binata sa pag-eksena ng Crush ni Charles sa gitna nila. Hindi nag-imikan ang tatlo na naging abala na rin sa pagpapatuloy ng Women's Division.

 Hindi nag-imikan ang tatlo na naging abala na rin sa pagpapatuloy ng Women's Division

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Crush LifeWhere stories live. Discover now