KABANATA 4

97 5 0
                                    


Kabanata 4 | Ilaves

Tho I'm not really that familiar with Victor, hindi ko alam kung bakit hinayaan ko lang siya na makipag-usap sa akin. Doon ko rin nalaman na bukod sa prom last year ay ilang ulit na kaming nagkita. His Dad and my Dad used to be business partners, our paths somehow crossed during some events.

"You look stunning that night," ayan na naman ang pagbanggit niya sa prom night.

"I know," makapal ang mukha na pagbibiro ko. Hindi naman ito ang unang beses na nakarinig ako ng ganitong papuri, specially from boys.

"I mean, you always look stunning," natatawang pag-uulit niya. Masayang kausap si Victor, marami siyang kwento at hindi ka maiilang na kausapin siya. Though at first glance, he looked intimidating.

Dahil mag-uumpisa na ang first class ko ay nag-paalam na ako sa kaniya na mauuna na. Paalis na sana ako nang pigilan niya ako.

"What?" tanong ko dito.

Napakamot siya sa ulo at alanganing ngumiti sa akin. "Can I get your number?"

Pabiro akong nagtaas ng kilay. "Why?"

"We barely see each other here, maybe communicating is enough. Since we're both busy and it looks like this school is big enough for us to not crossed paths. Kung hindi mo pa nga naiwan ang phone mo ay baka hindi na talaga tayo magkita."

Walang pagdadalawang isip kong ibinigay ang phone number ko matapos iyon. Wala namang mawawala and it's not as if he's a bad guy.

And true to what he said, talagang hindi na kami nagkita matapos ang araw na iyon. He sometimes message me, asking me a lots of random questions. He's a breathe of fresh air, I must say.

Hindi ko alam kung paanong natagalan ko ang mahigit isang linggo na hindi ko nakita si Samuel. Hindi ako nag-effort pa na gumawa ng paraan para makita siya. Mukha namang ayaw niya sa akin.

May nakuha nang tutor si Dad para sa akin. Noong nakaraang araw lang ay nag-umpisa na kami, and I must say, ang sakit sa ulo! Kung ang mismong pagtuturo ng prof ay naguguluhan na ako, mas lalo naman kung mag-isa lamang ako na tinuturuan.

Walang oras yata na hindi ako humikab habang tinuturuan. At ang babaeng nagtuturo pa sa akin ay may edad na at talagang masungit!

Napailing ako. Parang ayoko na tuloy na umuwi sa bahay mamaya! Pagkatapos kong mag-aral dito ay mag-aaral na naman mamaya pag-uwi.

"Ba't parang iiyak ka na diyan?" salubong na tanong ni Mia nang makita ako.

Mas lalo akong sumimangot. "Ayoko na ng tutor," yumukyok ako sa mesa matapos sabihin ito.

"Gaga."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Seryoso nga. Gawa ka ng paraan mamaya para hindi matuloy lessons namin mamaya. Ipaalam mo 'ko kay Dad, sabihin mo may group project." Desperada na talaga ako. Kung maari nga lang ay didiretsuhin ko na si Dad na ayoko na ng tutor!

Kung pumayag lang kasi sana si Samuel ay baka kahit habang buhay ay magpaturo ako!

"May pupuntahan ako mamaya after class, sama ka?"

Agad akong pumayag kahit na hindi ko pa naman alam kung saan ako dadalhin nito. Nag-send ako ng message kay Dad, saying na may group project kami at baka gabihin ako ng pag-uwi.

Buti nalang talaga at gala si Mia!

Hindi na kami masiyadong nakapag-usap ni Mia nang mag-umpisa na ang klase. Tuloy ay nag-dismissed na sa last class ko lahat lahat ay hindi ko parin alam kung saan ang punta namin.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now