WAKAS 2

55 3 0
                                    

Wakas 2

“Ry,” pagtawag ni Samuel sa kasama niyang kaibigan. Si Avery.

“What?” sagot nito na hindi man lang siya nililingon dahil abala ito sa kaharap na phone. Kasalukuyan silang nasa sasakyan papunta sa birthday party ni Victor, ang pinsan ni Avery.

“Ayos lang ba yung suot ko?” hindi mapakaling tanong ni Samuel. Kanina pa talaga siya nababalisa sa katotohanang baka baduy ang suot niya. Mahirap nang magmukhang tanga dahil siguradong naroon si Celestine sa party na pupuntahan nila!

“Yeah. I mean, why are you so conscious? Maganda naman ang suot mo, hindi halatang galing sa ukay-ukay.”

Napangiwi siya sa naging sagot nito. “Hindi naman talaga ‘to galing sa ukay, tsk. Binili ko ‘to.”

“Oh. Bagong bili mo?”

He proudly nodded.

“How? I mean, why? I thought nagtitipid ka? At tsaka akala ko ba hindi ka gagastos ng pera para sa mga walang kwentang damit?” tanong ni Avery at awtomatikong hinila ang shirt niya sa bandang batok para tingnan ang tatak ng shirt niya. “Penshoppe pa nga,” ngiwi ni Avery at binitawan siya.

Ngising-aso siyang tumawa, bahagyang napapakamot pa sa ulo. “So, ano nga? ‘Di ba baduy?”

“Hindi nga. Bakit ba sobrang nag-aalala ka sa hitsura mo. Do you like Victor?” akusa nito.

Nanlaki ang mata niya. “No!”

Bahagya itong natawa dahil sa mariing pagtanggi niya. “Okay. Okay. But really, why?”

Mariing umiling si Samuel. He won't ever tell na may gusto siya kay Celestine! Kung siya ngang nanliliit na sa sarili niya sa tuwing naaalala niyang may gusto siya dito, paano pa kaya ang ibang tao?

Though hindi naman talaga ibang tao si Avery. She's his friends for years. Hindi nga lang purong friends. Samuel used to like her not just a friend. Ngunit masiyadong mababaw ang pagkagusto niyang iyon para ipagpalit niya sa pagkakaibigan nila. Samuel treasure Avery. Sobrang mahalaga si Avery sa kaniya. Not romantically, but she's really special.

Ang kaninang excitement na nararamdaman ni Samuel ay tila parang bula na naglaho matapos nilang marating ang party. Doon ay nakita niyang magkasama si Celestine at Victor.

At hindi lang magkasama. Nalaman rin niyang may gusto si Victor kay Celestine! Gusto niyang mainis. Gusto niyang suntukin si Victor at tanunging bakit si Celestine pa? Marami namang babae!

Ngunit iyon din ang tanong niya sa sarili. Marami namang babae, bakit kay Celestine siya nagkagusto? Sana ay nagkagusto nalang siya sa babaeng hindi mahirap abutin. Yung kasing pantay niya lang. Pero kahit anong sana pa ang hilingin niya, nangyari na. Wala na siyang magagawa. Yung nararamdaman niya, malabo nang mawala ng basta basta.

Buong gabi ay lihim lamang ang pagsulyap niya kay Celestine. She's really beautiful... And she's exposing her back that looks so fucking soft. Gusto niyang mainis! Gusto niyang takpan ang likod nito dahil baka lamigin siya!

Lihim na nangiti si Samuel matapos mapanood kung gaano karami ito kung kumain. Hindi niya inaasahan iyon, katamtaman lamang kasi ang katawan nito.

Inaya ni Avery si Samuel na lumabas kaya natigil ang lihim na panonood ni Samuel kay Celestine. Samuel smiled, maybe next time.

Maya maya ay nagyayang umuwi na si Avery, ngunit dahil nasa party pa si Celestine ay napagpasiyahan niyang huwag muna umuwi. Kailangan niyang sulitin ang oras. Bihira lang siya makapag-enjoy lalo na at nasa paligid lang niya si Celestine.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now