KABANATA 25

60 3 0
                                    


Kabanata 25 | Sostener

Nagkatinginan kaming tatlo matapos mawala sa paningin namin si Samuel. “Should... I follow him?” tanong ko at muling tinanaw ang pinto na pinaglabasan ni Samuel na tila ba natatanaw ko pa siya doon.

Brent sighed. “Definitely yes,” nagkasabay sila ni Mia sa pagsagot.

Nagkunot ako ng noo. “Wala naman akong kasalanan, right?” paniniguro ko pa. Iba kasi ang ekspresyon na ipinakita ni Samuel kanina bago siya tuluyang lumabas. I want to assume he's mad but I know he ain't. He's maybe... Sad?

“You made him upset,” ani Brent.

“What? Bakit ako? Anong ginawa ko?” hindi makapaniwalang tanong ko. Grabe. Ano namang nagawa ko para ikasama ng loob niya? Arte niya. Ako dapat ang galit dito, bakit nakikisali siya?

“Galit ka ba sa kaniya?” bigla ay tanong ni Mia.

Natigilan ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. “What made you think?” kinakabahang tanong ko. Halata ba na masama ang loob ko? Alam kong medyo iniiwasan ko si Samuel pero hindi ko inakala na mahahalata nila Mia iyon.

Naiinis ako sa kaniya dahil hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko.

That sucks. I know that's a stupid childish act, but what can I do? Pakiramdam ko ay pinaasa niya ako. Akala ko ay may meaning na ang lahat ng ginawa at sinabi niya noon. He confessed already so I thought we'd somehow work. But in the end, it all turned out na ibang babae ang nililigawan niya.

Hindi ako anghel para hindi magalit sa ginawa niya.

“Halata kaya na naiinis ka sa kaniya.”

“Talaga?” paniniguro ko. Mukhang hindi nga talaga ako ganoon kagaling magtago ng nararamdaman. Gaya nga ng sabi ng iba, madali nilang malaman ang mga taong ayaw ko dahil nahahalata raw nila ito dahil sa paraan ng pagtingin ko.

And they often says that I always have this “Resting bitch face”. What does that face even looked like?

“Kanina pa kaya masama ang tingin mo sa kaniya,” natatawang ani Mia pa at sinabi kung gaano kasama ang paraan ng pagtingin ko habang naglalakad daw kami.

I just shrugged. I'm seriously pissed at him kaya hindi ko itatanggi na masama nga ang tingin ko sa kaniya.

“Sundan mo na iyon. Baka magpakalunod na iyon sa malalim na tubig,” ani Brent. Kanina pa niya talaga pinipilit na sundan ko si Samuel ngunit ipinag-kikibit balikat ko lamang iyon.

Kung susundan ko man siya ay anong sasabihin ko naman? Like Brent said, I made him upset. And I'm upset too. We're both upset, mas lalong dapat ay hindi kami magkalapit na dalawa.

“Aren't you seriously gonna follow him?” maya maya ay gulat ba ani Brent nang ilang minuto ang makalipas ngunit hindi ko pa rin ginagawa ang sinasabi niya. “Samuel is dramatic as fuck. Alam kong umaarte lang iyon para sundan mo siya,” he added.

Umiling ako at napatuloy lang sa pagkain.

“At this time, imposible na tumunganga lang sa labas iyon. Ikaw rin, baka mamaya ay kung sinong sexy na babae na ang kausap no‘n. Knowing Samuel, he's easy to please. Hindi natin alam baka hindi lang pag-uusap ang ginagawa niya ngayon—”

“Fuck. You.” mariing saad ko at pinag-ikutan siya ng mata.

I swear, sobrang nakakainit ng ulo si Brent. He's annoying as fuck. Bakit ba nagustuhan ni Mia ‘to?

Tumango ako kay Mia bilang pagpapaalam habang natatawa siya. Si Brent naman ay hindi ko na pinansin at basta na lang tinalikuran matapos kong maisuot ang hoodie na dala ko.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now