KABANATA 26

60 3 0
                                    


Kabanata 26 | Depende

"Sino bang may sabi na makikita mo akong hawak ng iba? Kung may taong hahawak sa akin, isang tao lang ang hahayaan ko. At nasisiguro kong sa oras na ito ay kilala mo na kung sino ito. Unless... You don't know yourself," he said as he looked at me too intently that I almost felt chills in my spine.

Kumuyom ang kamao kong nakapatong sa hita at hindi mapakali.

Ano bang sinasabi niya? Talaga bang nababaliw na siya?

One day he'd tell me he wants me and then one day he'd be with someone else he actually likes.

Nakakabaliw.

"Can you stop giving me false hope?" sagot ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya, masyado itong malalim at natatakot ako sa kadahilang baka maniwala na naman ako sa mga sinasabi niya.

"When did I do that?" sumeryoso ang tinig niya. "I've always been vocal with my feelings with you."

"Bullshit," I said as I sarcastically laughed. "Ganiyan rin ba ang sinasabi mo kay Avery? Sa ilang babae ka ba vocal sa feelings mo?"

"Bakit nasama si Avery sa usapan natin?" he asked, looking so confused but I'm not buying it.

Nagtatanong ka pa?

"You obviously like her." To the point na niligawan mo pa. Anong laban ko?

"Pa'no mo nalaman?" he asked again, still confused.

"So you're not denying?" tumatangong pahayag ko. Mahina akong natawa. Kahit na ilang beses kong itinatak sa utak ko na si Avery ang babaeng gusto niya ay bakit nagawa ko pa ring umasa na sana ay mali ang hinala ko?

Bakit ba ako patuloy na umaasa sa kaniya?

He caught my hands when I'm about to leave. Walang lakas na nilingon ko siya, "It's fine. I'm fine. Tanggap ko na. Hindi mo kasalanan na ibang tao ang gusto mo. I obviously understand that. But please, be sensitive enough. Sinabi ko ang nararamdaman ko sa'yo sa kabila ng pag-aalinlangan ko, you are completely aware kaya sana naman ay umasta ka ng naaayon at nararapat," mahabang pahayag ko at hinawi ang kamay niya. "Stop being concerned. Stop being nice. Stop making bullshits that could trigger me. Just give me time, makaka-move on rin ako," mahabang sinabi ko.

He just looked at me.

"Are you done?" he asked.

Hindi ako sumagot.

I am not done. Gusto kong isatinig ngunit nanatili lamang akong tahimik.

Marami akong gustong sabihin, but I cannot find the right words for it. Gusto kong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko nang hindi naaapakan ang nararamdaman niya. Like what I have said, wala siyang kasalanan.

Dahil kahit gaano ko pa itanggi sa sarili ko, in the end, his feelings still matters the most.

Hindi lahat ng gusto natin ay mauutusan nating gustuhin tayo. Inilagay ko sa posisyon niya ang sarili ko kung saan may taong nagkakagusto sa akin ngunit kahit anong gawin nito ay hindi ko maipipilit sa sarili na gustuhin rin ito.

"I don't know where are your words coming from, but just to be clear. I like Avery... I like her as a friend. As a sister. I never liked her romantically and she's completely aware about that."

Natigilan ako ngunit agad ring nakabawi. "I'm not buying it."

"Hindi ko naman binibenta."

I eyed him.

Nagj-joke na naman ba siya? Mukha bang tamang oras ito para sa mga jokes niya?

"You're so dramatic," he suddenly said.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now