KABANATA 6

98 4 0
                                    


Kabanata 6 | Novia

Sadyang malakas nga yata talaga ang kapit ko kila manang dahil ilang araw na ang lumipas ngunit talagang hindi nalaman nila Mom at Dad ang tungkol sa pagdadala ko kay Samuel dito.

Mabuti nalang talaga at kasundo ko ang mga guards at katulong dito sa bahay, kung hindi ay baka grounded na naman ako!

"Ma'am, may pinapabigay ho ang Daddy niyo," iyon ang bungad ni manang Lilia nang isang araw ay puntahan ako nito sa kwarto para gisingin.

"Wala po ba diyan si Daddy?" antok pang tanong ko dito.

"Maaga hong umalis," sagot nito at nagpaalam nang aalis na dahil hindi pa daw tapos sa paghahanda ng pagkain.

Itinabi ko muna ang binigay na white envelope ni manang bago nagtungo sa banyo para maghilamos. Naghilamos ako at nag-toothbrush bago muling bumalik sa pagkakaupo at binuksan na ang ibinigay nitong envelope.

Imbitasyon ito para sa kaarawan ni Victor. Mukhang inimbitahan kaming buong pamilya na dumalo ngunit parehong abala ang magulang ko kaya't ako lang ang makakadalo.

Mamaya na gaganapin ang celebrasyon ngunit bakit ngayon lang ako sinabihan ni Dad?

Napangiwi ako nang maisip na wala akong maisusuot. Maging regalo ay wala rin ako. Mukhang kakailanganin kong magtungo sa mall ngayon.

Walang pasok ngayon kaya wala namang problema kung magtutungo muna ako sa mall at mamimili. Nag send ako ng message kay Mia, asking if she is free today para naman masamahan niya ako.

Ang sad kaya magshopping mag-isa!

Mas magandang magsayang ng pera kung may kasama kang magsasayang!

Tanghali na nang magreply sa akin si Mia na papunta na daw siya. Kaninang 7AM pa ako ng nagsend ng message pero mukhang ngayon lang niya nabasa. Paniguradong kagigising lang ng isang iyon, palibhasa ay halos umaga na rin natutulog dahil maraming ka-late night talks!

"Invited rin kami, girl," pagkukwento niya nang makarating siya. "Sakto, wala rin akong maisusuot kaya bibili na rin ako."

Napangiwi ako. Halos isang buong kwarto ang mga dress niya tapos sasabihin niyang wala siyang maisuot? Mas napangiwi ako nang maalala na ganoon nga rin pala ako. Siguro nga ay mas marami pang damit kaysa sa kaniya, paano ba naman ay ginawang hobby ni Mom na mag-uwi ng bagong dress sa'kin araw araw. Ang problema nga lang ay hindi ko type ang mga binibili niya.

"Hindi pa mga ako nakaka-move on sa birthday ni Brent ay panibagong birthday na naman," reklamo pa niya habang nasa sasakyan na kami.

"Kakilala mo ba si Victor?"

"Hindi. Pero kakilala nila Mom yung family nila. Pero madalas nakikita ko rin sa school si Victor. Varsity player, girl. Ang yummy," saad niya kaya napailing nalang ako. Lahat nga pala ng gwapo ay kilala ni Mia.

"Daan muna tayo Starbucks, inaantok pa 'ko," ani Mia nang makarating na kami sa mall. Humikab pa talaga siya para patunayang inaantok siya.

"Tara," pagpayag ko at nauna nang pumasok sa loob. Agad rin akong napatigil nang may mapansing pamilyar na likuran.

"Si Samuel ba 'yan?" kinakabahang tinuro ko ang lalaking nakatalikod sa banda namin. Ilang beses ko nang nakita ang likuran niya kaya hindi ako pwedeng magkamali na siya nga ito.

"Parang siya nga... Wait. Samuel!" malakas niyang isinigaw ang pangalang iyon kaya halos lahat ng tao sa loob ay napatingin sa amin.

My god... Just the typical of Mia, proving how shameless she could be.

Different Space, Same SkyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora