KABANATA 19

59 5 0
                                    


Kabanata 19 | Etiqueta

“Gustong gusto kong suklian ang nararamdaman mo... Pero sa ngayon, kailangan muna ako ng pamilya ko.”

I am wheezing as I was listening to him, directly telling me that he likes me too. Kung paanong kaswal lamang niyang sinasabi iyon sa mismong harap ko.

Oh fuck.

Kung nananaginip man ako ngayon, sana ay kahit kailan ay hindi na ako magising. This is already a dream come true, parang sasabog na ang puso ko...

Dahil sa sobrang pagkagitla dahil sa ipinahayag niya ay hindi ko na nagawa pang imulat ang mga mata ko. Nanatili lamang iyon na mariin ang pagkakapikit habang ang dalawang kamay ko ay naglalaban na mula sa isa't isa at tila hindi mapakali.

Later seconds, I heard him chuckled. “I can't believe I'm telling you this, at sa ganitong sitwasyon pa,” bumuntong hininga siya.

Ilang saglit pa ay namataan ko na lamang na naidilat ko na ang parehong mata para salubungin ang malalim na pagtitig niya. Gusto kong mailang dahil sa intensidad ng pagtitig niya ngunit lamang ang pagkatuwa sa puso ko.

“I'm fucked,” saad niya at paulit ulit na umiling.

Binasa ko ang nanunuyong mga labi bago humugot ng malalim na hininga para sagutin siya. “Tama naman ako ng pag-intindi, ‘di ba?” I suddenly asked. Ayoko lang na mag-assume. I want an assurance.

“Ano ba ang pagkaka-intindi mo?” pagbabalik tanong rin niya.

“You like me,” walang pagdadalawang isip na isinagot ko.

“Uh-huh.”

Bahagyang nanlaki ang mata ko.

Fuck!

“W-wait... Totoo?” muling paninigurado ko. Hindi ko alam kung paanong mailalarawan ang nararamdaman ko! Ang tanging alam ko lang ngayon ay parang anumang oras ay ready na ‘ko magpakuha kay Lord!

“Sa tingin ko naman ay hindi ako nagbibiro,” pagkibit balikat pa niya. “Pero I'm not sure, ha?” parang tangang dagdag niya pa habang bakas ang pag-aasar sa pagmumukha.

“Umayos ka naman!”

“Bakit ka sumisigaw?” bigla ay gulat niyang tanong nang bahagyang tumaas ang boses ko.

Pinagkunutan niya ako ng noo kaya napasimangot ako. “Diretsohin mo naman ako. Ang dami mo pang sinasabi diyan eh pwede mo namang direktang sabihin na may gusto ka sa‘kin—”

“Gusto kita, Celestine Vera,” sambit niya bago ko pa man matapos ang gusto kong sabihin sa kaniya.

Nanigas ang buong katawan ko. Paulit-ulit akong kumurap na halos sumakit na ang paningin ko.

What the actual fuck.

“But let us simply end that topic with that,” he said after a couple minutes of silence. “I felt relieved knowing that I have told you about my real feelings, parang may tinik na natanggal sa pagkatao ko. Pero hanggang doon na lang siguro iyon, kontento na ako na kahit na papaano ay nasabi ko man lang sa‘yo itong nararamdaman ko.”

Nagsimulang magtubig ang magkabilang sulok ng mata ko. Wala pa man ay parang alam ko na ang patutunguhan ng usapan namin.

“Anong... Gusto mong sabihin?” lakas loob na tanong ko. I was bracing myself for the coming possibility of heartbreak. And yet, natatakot pa rin ako sa magiging sagot niya. Hindi ko na alam. Kung gaano kabilis na napuno ng pag-asa ang puso ko ay ganoon rin kabilis kung paanong mababasag ang pag-asa na iyon.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now