KABANATA 27

61 3 0
                                    


Kabanata 27 | Mala

I tried to sleep. Alright. But after all the things he just said, how could he expect me to sleep peacefully tonight? Halos hindi ko na nga ma-kontrol ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako. Or I am excited? I don't know. I'm in confusion. Ang tanging alam ko lang ngayon ay gusto kong hatakin ang mga kamay ng orasan para mapabilis ang pagtakbo nito.

I cannot wait anymore longer. Kailangan ko na siyang maka-usap dahil pakiramdam ko ay ‘pag lumipas pa ang isang saglit ay baka masiraan na ako ng ulo.

God, ano bang ginawa sa akin ng lalaking ito at bakit gustong gusto ko siya?

Tahimik akong napabuntong hininga at marahang nag-iba ng posisyon para harapan siya. We're both side lying, kung kanina ay magkatalikuran kami, ngayon ay halos mahugot ko ang hininga nang makitang magkaharap kami at gaya ko ay bukas ang mga mata niya.

“H-hindi ka pa tulog...” that wasn't a question. Sa sobrang gulat ko ay ‘yon na lamang ang lumabas mula sa bibig ko. All this time, gising pa pala siya. Hindi niya ba alam na kaninang kanina ko pa pinipigilan ang bibig ko na magsalita dahil ayokong maistorbo ang pagtulog niya.

“Hindi ako makatulog... How about you? Bakit gising ka pa?”

“The same reason as you. And also... I want us to talk.”

“I told you, bukas tayo mag-uusap.”

I made a face, “Bakit bukas pa kung pwede naman ngayon?”

I heard him chuckled. Bahagya siyang bumangon at isinandal ang sarili sa headboard ng kama. “What did you eat to become so hard headed?”

Bago ako sumagot ay ginaya ko ang ginawa niya at hinarap siya. “Ibabalik ko ang tanong sa‘yo. Anong pinakain mo sa akin para magustuhan kita?” nag-taas ako ng kilay, nakangising aso.

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa akin bago napailing. Before he could even utter a word, bumaba ang tingin niya sa bandang paanan ko. He pulled up the comforter just enough to cover my legs. “Woah. Wala pa akong pinapakain sa‘yo ay gusto mo na ‘ko... What more kung may ipakain ako sa‘yo? Baka pakasalan mo na ‘ko.”

Hinamon ko siya ng tingin, “What would you feed me?” naka-arko ang kilay na itinanong ko.

Nakipag-paligsahan siya ng tingin ngunit sa huli ay natawa rin. “It's a thing that must not be named.”

“Hmm. Let me guess... Bastos iyang tinutukoy mo ‘no?”

Napahagalpak siya at agad na mariing tumanggi. “What? No! My God,” he said, still laughing so hard.

Napatitig ako sa mukha niya. The side of his eyes are forming a wrinkles as he laughed. And God knows how attractive he is while laughing his ass out.

“Bro, you're whipped.” He snapped his fingers.

“Ha?” gulat na saad ko, napa-kurap kurap.

“You're staring too much,” he said, pointing at my confused face.

Napatango ako at muling bumalik sa pagtitig sa kaniya. “Ang gwapo mo kase,” walang pagdadalawang isip kong pahayag at itinaas ang kamay para abutin ang mukha niya ngunit hinuli niya ito.

He rested our hands in his lap. Gaya ko ay tumitig rin siya sa akin kagaya ng paraan ng pagtitig ko sa kaniya.

Nakaramdam ako ng pagka-ilang sa paraan ng pagtitig niya. It's as if he's scanning me thoroughly. Kahit yata kaluluwa ko ay nababasa na niya.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now