KABANATA 23

58 3 0
                                    

Kabanata 23 | Salto de acantilado

“Samuel said yes already. Okay lang na isama namin kayong dalawa?”

Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone at natahimik. I don't know what to say. I don't know what to feel.

Alam kong hindi naman kasalanan ni Samuel na mas nauna na siyang um-oo. And he's probably expecting that I wouldn't come. Fuck, everything's complicated.

Gusto ko lang naman na magbakasyon. Bakit naman ganito ang nangyayari?

“Ano? Okay lang? Hindi ko naman kasi pwedeng biglang bawiin yung pag-aya ko sa tao,” Mia added.

Napasapo ako sa noo at bumuntong hininga, “What do you think? Sasama pa ba ako?”

“Ewan ko sa‘yo! Pero kung ako ang magde-dedisyon ay talagang dapat kang sumama. Ano ba talagang issue niyo ni Samuel? Bakit biglang umiiwas ka?”

“Nakaka-stress naman ‘to,” reklamo ko, iniiwasan ang tanong niya. Ano nga bang issue namin ni Samuel at umiiwas ako? Right, dahil hindi ko matanggap na may iba siyang gusto. Dahil pakiramdam ko ay pinaasa niya lang ako kahit na ang katotohanan ay ako lang talaga ang kusang umasa.

Binigyan ko ng meaning ang lahat ng ginawa. That's my fault out there.

“Sumama ka na. Bahala na kung ayaw mong makasama si Samuel at iniiwasan mo siya. Ako naman ang dahilan kung bakit ka sasama kaya huwag ka nang mag-isip pa diyan at ipagb-book na kita ng flight,” diretsong saad ni Mia at tsaka ako binabaan ng linya, talagang hindi ako binigyan ng panahon para maka-tanggi.

Naksubsob ko nalang ang sarili sa hinihigaang kama at nagdasal na sana naman ay maging maayos ang mangyayari bukas.

I'll just probably act at least civil with him. Ang Boracay ay ipupunta ko doon dahil gusto ko ang Boracay at hindi siya.

Bago pa man matulog ay inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko bukas. Isang malaking bag lang ang dala ko na naglalaman ng mga damit na susuotin ko para sa isang linggong lagi namin doon.

Hindi na rin ako nag-abala pa para sa tutuluyan namin dahil sinabi na ni Mia na nakapag-booked na siya ng isang private penthouse na para sa amin.

Kinabukasan ay tawag ni Mia ang gumising sa akin. Maaga kaming babyahe papunta doon. Kumakain palang ako ng breakfast ay hindi na ako tinitigilan ni Mia sa kakatawag dahil alam niyang mabagal ako kumilos kaya panay ang pagmamadali niya sa akin.

Nagpahatid ako kay Manong Tino papuntang airport dahil doon na daw kami magkikita. While we're on our way, naka-recieved ako ng message galing kay Mia.

Tongue-Inah:
Complete na kaming tatlo dito na nag-aantay sa‘yo. Huwag mo sabihing naliligo ka palang, ah, kutusan kita you want? Bilisan mo.

Natawa ako matapos mabasa ang message niya kaya nag-selfie at isinend iyon sa kaniya para malaman niyang nasa sasakyan na ako dahil hindi naniwala ang gaga nang sabihin ko on the way na ako.

Ilang minuto ang lumipas bago siya nag-reply.

Tongue-Inah:
Pinakita ko kay Samuel yung pic na sinend mo. Tinawanan ka niya.

“The fuck,” naisatinig ko at halos mabitawan ang hawak na phone dahil sa sinabi ni Mia.

Seryoso ba siya sa sinabi niya? Talagang ipinakita niya kay Samuel? Mukha kaya akong tanga sa pic! Ni hindi ako humanap ng magandang angle para naman mas maging maayos ang pagkuha ko ng pic.

Pero bakit ba ako biglang na-conscious sa hitsura ko? Ano naman kung mukha akong tanga? Mas mukha siyang tanga dahil si Avery ang nililigawan niya at hindi ako!

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now