KABANATA 21

65 4 0
                                    


Kabanata 21 | Perro

While waiting for Manong Tino to drive me straight in our company, I keep myself busy by fiddling with my phone. Mostly dialing Samuel's number, ngunit hindi naman siya sumasagot.

Sus. If I know, baka sinasadya niyang hindi sagutin ang tawag ko. He's maybe still pissed at me because of what happened yesterday night. Kasalanan ko bang isa lang ang kama sa kwarto niya kaya walang ibang choice kundi magtabi kami?

Napaka-arte niya para sa isang lalaki.

Siya na nga ang tinabihan ng babaeng patay na patay sa kaniya at babaeng crush rin niya tapos siya pa itong magagalit.

Whatever. I know deep inside of him liked it. Arte arte pa hindi naman artista.

“Tara na, Manong,” saad ko nang makasakay na sa loob ng sasakyan si Manong at nagsimula nang mag-maneho.

Habang tinatahak ang daan papuntang company namin, ramdam ko ang pabalik balik na tingin sa akin ni Manong. Looks like he wanna say something but he's hesitating.

“Saan ho kayo natulog kagabi, Ma'am?”

Kunot ang noo na nag-angat ako ng tingin. “Why?”

“Sinabi ho kasi ng Daddy niyo na sa bahay nila Ma'am Mia kayo natulog samantalang ang alam ko ay nasa bahay nila Sir Brent si Ma'am Mia kahapon.”

Mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit ang dami namang alam nito ni Manong Tino? Akala ko mga kasambahay lang namin dito sa bahay ang mahihilig sa chismis, pati pala mga driver.

“Wait, bakit mo kilala si Brent, Manong?” He finally asked.

Napakamot ito sa ulo at nginisihan ako mula sa rear view mirror, “Eh kasi ho, Ma'am, kapitbahay ho namin sila Sir Brent,” mukhang nahihiya pang anito.

“Kapitbahay?”

“Oho, doon rin kami sa village nila nakatira. Kapitbahay.”

Village? Si Manong Tino, sa village nakatira? Hindi ko siya minamaliit but seriously? At first glance ay mukhang normal lang na mamamayan si Manong, didn't expect na ka-village pala siya nila Brent.

The fact that he's living in an exclusive village...Wow. Sure bang driver lang ‘to si Manong Tino? Baka naman CEO ‘to... Or baka naman Mafia Boss pala ‘to si Manong?

Oh God... Anong ba ‘tong mga naiisip ko?

Manong Tino explained more. Sinabi niyang ang anak niyang babae ang bumili ng bahay na iyon para sa kanilang pamilya. I thought he was done explaining until he mentioned Brent again.

“Ex po ng anak niyo si Brent?” Literal na napanganga ako sa mga balitang nasasagap ko mula kay Manong. Damn, I could imagine myself right now looking like one of those gossipers in town.

“Tama ho, Ma'am. Nagulat ho ba kayo?”

I hissed.

My God, hindi lang ako nagulat. Gulat na gulat pa!

“Sure kayo, Manong?” paninigurado ko pa bagaman wala namang bakas ng pagbibiro sa mukha niya. “I mean... Paano po naging si Brent at ang anak niyo?” dagdag ko pang tanong.

Muli itong napakamot sa ulo, “Ay Ma'am, medyo confidential ho.”

Napangiwi ako, “Whatever,” huli kong sinabi bago bumaba na nang mapansing kanina pa kami nakahinto sa tapat ng company.

Mabilis kong tinungo ang opisina ni Daddy at naabutan ang secretary niya doon. Kumatok ako para makuha ang atensyon nito, “Ito na po yung pinapabigay ni Dad,” saad ko dito at agad ring umalis dahil mukhang abala ito sa pagta-trabaho.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now