KABANATA 24

63 3 0
                                    

Kabanata 24 | Última

“Isn't Cliff Diving dangerous?” I asked Mia habang pinapanood namin ang dalawa na naghahanda na sa gagawing pagtalon. They are both stretching their muscles. Whatever. May abs sila pero mukha silang tanga.

“It is, but let's just trust them. At isa pa, hindi naman rin gaanong kataasan ang pagtatalunan nila,” sagot ni Mia nang hindi man lang tumitingin sa akin dahil abala siya sa pag-set ng camera niya para kuhanan raw ng video ang dalawa. Hindi niya ako maloloko, alam kong si Brent lang ang kukuhanan niya ng vids.

Brent jumped first. At si Mia naman ay daig pa ang nanalo sa lotto kung makasigaw. Ngiting ngiti siyang lumusong sa tubig para lapitan si Brent.

I was quick to avoid looking at them when they are about to kiss.

Seriously? Minsan talaga ay naiisip kong kapag magkasama silang dalawa ay nakakalimutan nilang may tao sa paligid nila.

“Get a room,” pahayag ko at lumangoy palayo sa kanila. Nang mag-angat ako ng tingin ay kay Samuel tumama ang paningin ko. He's getting ready to jump, and when he is about to jump, nag-iwas ako ng tingin at lumangoy palayo mula sa parte ng tubig na pagbabagsakan niya.

Narinig ko ang impact nang pagbagsak niya sa tubig ngunit mas lalo lamang akong lumangoy palayo mula sa kaniya. Dahil sa masyadong natuon ko ang atensyon ko sa paglangoy ay hindi ko namalayan na napalayo na pala ako.

Magkahalong gulat at kaba ang naramdaman ko nang hindi na sila makita. May iilang turista na lumalangoy rin ngunit nang tingnan ko ang kaninang parte kung nasaan sila Mia ay hindi ko na sila nakita doon.

What the fuck?

Iniwan ba nila ako?

The audacity!

I bit my lips so hard while trying to walk until shore. Nawalan ako ng ganang lumangoy!

Hindi pa man nagtatagal ang pag-usad ko ay agad na akong napasigaw nang may maramdamang kakaiba sa binti ko. Gulat na napa-padyak ako at mariing sinipa ang anumang bagay na dumikit sa binti ko.

The hell?

May halimaw ba sa ilalim ng tubig?!

“Wow. You kicked so hard. May galit ka ba sa‘kin?” ang kaa-ahon na pa lamang na mukha ni Samuel ang bumungad sa akin. Sinuklay niya ang basa at magulo niyang buhok gamit ang kamay niya bago ngumiti sa akin. “Sorry... Nagulat ka ba? Pinapahanap ka kasi nila Mia,” he said.

“Ikaw ba yung humawak sa binti ko?”

He nodded. “I'm sorry.”

“Huwag mo nang uulitin. Akala ko ay kung anong halimaw na ang naramdaman ko sa binti ko. Pasalamat ka at wala akong sakit sa puso, kung hindi ay baka kanina pa ako inatake dahil sa gulat,” saad ko at tinalikuran na siya.

We were both silent while making our way to the penthouse. Nang makarating kami ay naabutan namin si Mia na nakaharap sa salamin habang nasa likod niya si Brent at tinutuyo ang buhok niya gamit ang blower.

Pinalobo ko ang pisngi at palihim na napangiwi.

Bakit ba ang sweet nila? Nakaka-bitter masyado. Dapat ay galit ako kay Brent dahil sa ginawa niya kay Mia ilang linggo lang ang nakalipas, ngunit kung ganitong nakikita ko kung paano niya tratuhin si Mia ay baka ako pa ang maging number supporter sa relationship nilang dalawa. Lalandi.

Wala man lang respeto sa kasama nilang single.

“Napagod na kami kakalangoy. Ilang oras rin tayong lumangoy, ah. Tsaka nga pala, bakit nawala ka kanina, girl? Kaloka, akala ko tinangay ka na ng mga pating,” walang kwentang pahayag ni Mia nang mapansin akong pinanonood sila.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now