KABANATA 40

70 3 0
                                    


Kabanata 40 | Finalmente

Napatingin ako sa pinto na pinaglabasan ni Pete. Gusto kong mainis. Bakit niya ako dinala dito sa condo ni Samuel?! And he lied! Walangyang bata iyon, sabihin ba namang condo niya ‘to?

And Samuel casually telling me that he owns those condoms. Bwisit! Bakit ba ang kapal ng mukha ng lalaking ito?

“Nasaan ba si Pete—”

“He leave us to talk. Bakit ba lagi mong hinahanap si Pete? Ako nga ang nasa harapan mo.” He looked annoyed. Halos magsalubong ang magkabilang kilay niya.

Nagtaas ako ng kilay, tinatapatan ang pagka-inis niya. “Tapos na tayo mag-usap.”

“You walked out,” he said. Yung tingin niya ay para bang isang napaka-laking kasalanan ng ginawa ko.

“Pagod kasi ako,” I reasoned out.

“Yeah? Nakakapagod palang kumain kasama ang lalaki mo.”

Ngumiwi ako. “Anong lalaki?”

“That friend of Pete.” Nilingon niya ako. “Ang bata pa non. Papatulan mo iyon?”

Sarkastiko akong natawa. Bwisit na ‘to, mukha ba akong pumapatol sa bata? “4 years older lang naman ako.”

Bahagyang namilog ang bibig niya. “Tss. Talaga bang papatulan mo iyon?”

“Ano naman? Pakielamero ka.” Nag-ikot ako ng mata.

“Wow. Are you serious? Talagang papatulan mo ang batang iyon? Tuli na ba ‘yon? Ha?”

His choice of words! Ngumiwi ako. Ano bang problema niya kay Rafael? Hindi naman siya pinapakealaman ng tao tapos siya itong inis na inis na para bang may malaking kasalanan sa kaniya ang tao.

“Alam mo, hindi pag-uusap itong ginagawa natin. It's better kung uuwi nalang ako—”

“No. Tss. Tangina naman,” bulong niya sa kawalan. Nag-angat siya ng tingin sa‘kin. Ang kaninang matalim niyang tingin ay biglang lumambot nang magtama ang mata namin.

Ako ang naunang mag-iwas ng tingin. Naiiling akong lumakad patungo sa sofa at umupo doon nang hindi hinihingi ang permiso niya.

“Anong gusto mong pag-usapan? Nag-usap na tayo kanina, uulitin ba natin ang pinag-usapan natin?” I asked as I looked up on him dahil matayog siyang nakatayo sa harapan ko.

Hanggang bewang niya lamang ang kapantay ng mukha ko dahil nga naka-upo ako. Kung ibang tao siguro ang makakakita, they'd think that our position is weird. It's as if I'm kneeling in front of him! Hindi naman, e!

“Mag-uusap tayo ng ganito?” he asked. Tinuro niya ang posisyon namin.

“Ano naman? Umupo ka sa tabi ko kung gusto mo.”

“Sa‘kin iyang sofa na inuupuan mo.”

Sumimangot ako. “Hindi ko naman inaangkin.”

He pursed his lips. “Yung naka-upo sa sofa... Sa‘kin rin iyan.”

Lumaglag ang panga ko at hindi nakapag-salita.

“Tss,” he's fighting a smile! Gusto kong mainsulto. Pinagtatawanan niya ako!

“Enough with your stupid words. Diretsuhin mo na ako— Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Narinig ko na ang mga sinabi mo kanina. Narinig ko na. Do you want to what? I told you, I need time. Hindi pwede yung isang paglapit mo lang sa‘kin ay biglang ayos na tayo. Marami akong kailangang gawin, isa na doon ang kausapin si Dad. Ipapaliwanag ko sa kaniya yung nangyari sa‘tin—”

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now