14

2.3K 134 6
                                    

Mew's pov

Sobrang sarap ng tulog ko thanks to this baby beside me. I really love this guy. Sobra. Natatakot ako sa magiging reaction ni daddy. I just wish na same sila ng daddy ni Gulf ng magiging reaction.

Tinapik ko si Gulf para magpaalam. Maaga pa lang pero kailangan ko na umuwi. I texted our driver para makaligo pa ko sa bahay bago pumasok.

"Baby uwi na muna ko. Dalhin phone pagpasok okay?"

Dahan dahan binuksan ni Gulf yung mata niya tas biglang ngiti.

"Wait babe hatid kita sa baba"

"Baby daanan pa ba kita dito bago pumasok?"

"No need babe. Baka malate ka.promise dadalhin ko phone ko" habang pababa kami biglang umubo yung daddy niya. So narinig ata usapan namin.

"Good morning po"

"Good morning. Mukang maayos naman lakad ng anak natin"

"Daddy shut up,nakakahiya talaga" nahihiyang tugon ng boyfriend ko.

"Kailangan ko na po umuwi. Naghihintay na yung driver sa labas."

"Baby yung motor mo, iwan mo?"

"Yes and sayo yan baby. I saw the same pic in your IG. Hope you like it. Happy birthday baby"

"Wow,anak pahiram ha. Mukang ang pogi ko nito pag ako gumamit" hinahawakan pa ng daddy niya yung motor na nakapark dito sa labas.

Nilagay ko sa palad ni gulf ang susi. Sana magustuhan niya. Iniisip ko kasi kung car ba or bike. I chose the latter kasi I saw he likes bikes on his posts.

"Birthday ko ba? Gee oo nga. You don't have to give me this. Enough na ikaw yung kasama ko sa first hours ng birthday ko"

"Magtatampo ako if di mo tatanggapin. So please"

"Okay. But never buy this pricey gifts again okay?"

"I can't promise baby". Hindi ko talaga masasabi because I am really happy showering him with gifts.

Nagpaalam na ko sa kanila.

Nang nasa loob na ko ng car, I texted him "sobrang mahal na mahal kita"

Gulf's pov

Kaya pala ang aga nila mommy nagising. Nagluluto pala sila kasi birthday ko.

Binasa ko yung last text ni Mew. Sobrang sweet niya talaga.

Feeling pogi ako ng pinark ko yung motor sa parking lot sa loob ng school. Ano na naman kaya problema ng mga babaeng to. Di ba sila napapagod.

Mew's pov

Andito na ko sa school. Alam na ni cooheart na boyfriend ko si Gulf.

"Paano naman di ko malalaman kamay mo pa lang kilala ko na. Try mo kaya check IG post ng boyfriend mo"

Nilabas ko yung phone ko. Nakita ko agad yung post ni Gulf. 252 likes out of 300 followers.

Makikita mo na mga close lang talaga ni Gulf yung nagcocomment.

Picture to ng kamay namin na magkahawak kagabi with caption "Please hold my hand like this forever, never ever let go"

**Double tap,❤️

Binasa ko yung mga comments.

Coo: di mo kami maloloko. Kilala ko tong kamay na to.

Fluke: familiar thumb ring.

Yourgirlshie: No way hon!!!

Sino naman kaya to. Gusto ko magreply kapal ng muka para tawaging hon.

Godt: ang ugat ng kamay niyan pre ah.

Notyourgirl: yung poging transferee to Gulf no? Yung patay na patay sayo?

Luke: siya ba to pre? Yung nagbabalik from the past? Ayieeee.

Napatigil ako. What's wrong with their comments. Bakit parang sumikip dibdib ko at bigla akong kinabahan.

Bigla namang dumating pinsan ko. Nag-iba na aura niya, medyo jolly na siya sumobra pa daldal. Si Coo mukang nag-eenjoy sa mga kwento niya.

Tinext ko na lang si Gulf baka magalit yun pag nalaman na vacant ko tas di ako nagtext.

"Baby cafeteria lang kami. Vacant ako till 10"

Ininform ko lang siya. Mukang may klase pa kasi siya.

Gulf's pov

Naramdaman ko nagvibrate phone ko kaya nagising ako. Okay di pa rin tapos yung prof sa boring lecture niya. I want black coffee.

Binasa ko yung text ni Mew. So nasa cafeteria pala kayo ha.

Nang malapit na ko rinig na rinig ko yung tawa ni Mew at Coo. Parang umakyat ang dugo sa ulo ko ng nakita kong may nakaakbay kay Mew. P*tangina.. sino tong makapal ang muka para kalabanin ako. Magkalapit pa muka nila.Di ko mapigilan ang sarili ko para sumugod. Wala na kong pakialam kung madaming tao, ang ayaw ko sa lahat yung ginagago ako.

Ang bilis ng lakad ko. Pagdating ko dun. bigla kong hinila yung damit ng lalaking nakatalikod muntik na siya mahulog sa kinakaupuan niya Aakbay ka pa kay Mew ha.

Pero nagulat ako pagharap niya. This guy is Joss.

Binatukan ko na lang siya para di mahalata. Shit.

"Goodmorning too baby. Ang sweet naman ng pagbati mo sakin" ngiting ngiti siya.

"Nakita lang kita kaya uminit ulo ko. Iba talaga presence mo" bored na sagot ko sa kanya.

"Anyway this is Mew my cousin and his bestfriend Coo I think kilala mo na sila" humarap naman siya kay mew "This guy is who I am talking about". Nakita ko kung paano matrigger si Mew. Mukang sasabog siya sa pula. Di ko naman alam sasabihin ko baka magalit si Mew pag sinabi ko kay Joss na boyfriend ko tong pinsan niya.

"Mabuti andito ka, you look sleepy. Black coffee?" Dagdag pa ni Joss.

"No sugar" biglang tumayo si Joss para bumili ng black coffee ko.

Humarap naman sakin si Mew. "Ano yun ha".
Halatang pigil na pigil galit niya.

"What?" Tanong ko sa kanya. Di ko alam sasabihin sa kanya kasi andito si Coo sa harap namin.

"Ex mo si Joss Gulf?" Tanong ni Coo sakin.

"The hell no" bigla naman dumating yung matangkad na lalaki.

"Be careful its hot, ganito lang ba celebration natin sa first day natin?hang out later? Just you and me?" Seryosong sabi nito plus matching pa cute pa.

"First day?" Mukang triggered na talaga boyfriend ko ah.

"Yes, officially" nakangiting tingin sakin ni Joss habang inaayos yung coffee sa harap ko at busy na nilalagyan ng maple syrup ang pancake na binili niya for me.

Ganito ba talaga mag-asikaso ang magpinsan.

"Loser" bored na sagot ko.

Tumawa naman si Joss "first day of reconciliation and you know first day of me trying to court you. Single ka rin naman diba sabi so we don't have anything to worry"

And shoot padabog na binagsak ni Mew yung kutsara niya and nagwalk out.

I texted him "just tell him I am yours babe.". Sent.

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now