34

2.2K 117 5
                                    

Mew's POV

"Baby wake up,grocery time"

Tumayo naman siya agad. Gustong gusto niya mag-grocery shopping palagi kasama ko.

"Babe can we hoard more cereals?! Palagi na lang kulang."

"Anything you want baby"

Paanong hindi mauubos kasi ginagawa niya atang popcorn.

Nagbibihis na siya ng nagvibrate yung phone ko sa side table. Awtomatiko namang lumingon sa akin si Gulf. Pakiramdam ko talaga hindi pa rin solid yung tiwala sa akin ni Gulf. Nakasanayan ko naman na pero may pakiramdam ako na mayroong sumusulsol sa kanya para hindi ibigay yung buong tiwala sa akin.

Nakita ko naman lumabas siya ng kwarto tapos dumiretso sa ref para magtingin tingin kung anong kulang.

Sumunod din ako sa kanya.Yinakap ko siya mula sa likod.
"Baby si mommy yung nagtext"

Tumawa lang siya "Di ko naman tinatanong babe."

Nararamdaman ko kapag may iniisip siyang iba. Gusto ko lang malaman niya na wala akong sikreto sa kanya.

"Sinabi ko lang baby baka kasi basagin mo na naman phone ko"

"Hindi ako ganun babe. Hindi na" Pero ayaw ko magbago siya para sa akin. Kasi minahal ko siya ng ganun.

"Hindi na ba talaga? Hindi na nagseselos ang baby ko?" Yinakap ko siya,nakakaadik talaga amoy niya.

"Pagselosin mo ko. Para malaman natin" Hamon niya sa akin.

"Yun ang hinding hindi ko gagawin sayo baby."

~~~~~
Nasa kotse na kami ng inabot ko sa kanya yung phone ko. Nakasanayan ko na kasi palagi niyang hawak phone ko tapos magbabasa basa siya ng mga comments at mga chat. Tapos maghahanap siya ng pagseselosan niya tapos mag-uumpisa siya ng away. Pero alam ko naman na hindi siya makikipag break-up dahil sa mga ganun.

"No keep it, I'll just take a nap"

"Baby malapit na tayo wag ka na matulog"

Nakita ko naman na gising siya,nakasilip sa bintana parang may malalim na iniisip.

Sana lang sabihin mo sa akin lahat ng nasa isip mo,wag mo kikimkimin dahil handang handa ako ibigay lahat sayo.

~~~~~
Gulf's POV

Napansin ko nagiging maingat si Mew sa mga gagawin niya parang palaging guilty sa akin. Nagpapaliwanag kahit hindi naman tinatanong.

I know I made him act that way. Sabi ko dati gusto ko ng mature na relationship,yung stable,yung hindi pag-aawayan yung mga petty things like that. Kaya I'm doing my best na wag palakihin yung mga ganyang bagay. Yung hindi naman dapat pagselosan pero hindi ko mapigilan. Ang dami kong insecurities sa relasyon na to and I know its not healthy na. Sabi nga ni Luke nakakatoxic daw yung ginagawa ko minsan. Minsan niya lang ako kausapin about sa relasyon namin ni Mew pero may mga sense din talaga siya palagi unlike Godt na palaging suporta lang sa akin.

Hindi ko naman alam na ganito pala kakumplikado, akala ko kasi sapat na yung mahal niya ko at mahal ko siya.

I promise I'll make this love that we have lasts.
~~~

Andito na kami naggrocery ni Mew,kilalang kilala siya dito ng mga empleyado.

Lagay lang ako ng lagay ng kahit anong magustuhan ko.

"Enough with the junk foods baby"

Padabog ko na binalik sa shelf yung mga kinuha ko.

Maya-maya binalik niya din sa cart namin ulit yung mga pinagbabalik ko. Ganun ang epekto ko kay Mew, hindi ko na kailangan magsalita.

Ayaw niyang nagagalit ako at nagtatampo. Nakakaguilty diba? Pero kay Mew lang talaga ako ganito.

Napuno namin yung isang cart, konting meat and veggies at halos lahat ng mga pagkain ko kapag nagnenetflix ako. Mew spoiled me so much with everything.

"Baby do you want to buy anything else, I think andito yung shoes na gusto niyo ni Godt"

"Wag na umorder na siya babe, tsaka malapit na magsara yung mall"

"They can wait for us. Nakalimutan mo ata kung sino boyfriend mo."

"Thanks babe but I'm really tired. And no need to flex, I know who you are,you are mine 🥰"

~~~
Ang aga namin pumasok ni Mew kasi sabi niya may tatapusin pa siya. Wala na akong pasok ng hapon kaya naisip ko na lang tawagan  yung dalawa kong kaibigan para maglaro.

Andito kami sa Gym tatlo, nakatambay lang. Kasama ko si Luke at Godt pero tamad kami bumili ng pagkain. Walang may gustong tumayo.

"Pustahan na lang tayo" sabi ko sa kanila.

"Ano na naman yang kalokohan na yan, yung gutom ko grabe na para makipagpustahan pa" Halatang gutom na si Luke.

"Magpopost ako ng status tapos pag may dumating na libreng foods in 15 minutes,ililibre niyo ko sa seafoods place sa dinner"

"Hindi naman kami lugi niyan no? Lahat pabor sayo ah" Bored lang ako na tiningnan ni Godt.

"Bayaan mo na siya Godt" tumingin naman sa Akin si Luke "I doubt na makarating dito ng 15 mins yan, ikaw manlilibre samin pag talo ka"

"Atleast makakain kayo ngayon ng hindi umaalis dito"

I posted status on my fb: starving 😣
#gym #withbros

And magic! Andito agad si ate with foods within 10 minutes. Nakita ko na may hinahanap siya madami kasing mga naglalaro dito sa gym. Nang nakita niya ko agad niya na nilapag sa harap namin ang mga pagkain.

👩‍🍳: Ayan ha,mainit pa yan as requested by Mew

"Thanks ate"

Tumakbo siya ulit pabalik sa cafeteria. Mukang inistorbo na naman ni Mew si ate sa trabaho niya.

"Someone is really whipped." Napapailing Luke na parang hindi makapaniwala. 

"Kumain na lang kayo"

"Iba talaga magmahal ang isang Mew"

"Iba rin naman ako magmahal ah" natatawang sabi ko sa kanila.

"So seafood later bro?" Habang tumutusok si Godt ng favorite naming extra spicy buffalo wings.

"Your treat remember"

"Bro,can Joss join us? Nakalimutan ko may usapan pala kami"

"Sure, no problem with me"

"Sayo wala,sa boyfriend mo meron" si Luke palaging kontrabida.

"Ako bahala" Alam ko naman na wala ng gusto sa akin si Joss kung meron man hindi na siguro katulad ng dati.

Sobrang nabusog kami sa mga pagkaing pinadala.

I texted him : "thanks babe you're the best husband ever."

Someone's POV

Here we are having dinner at the same place where they celebrated their first monthsary together.

I love it when he's being messy with his food.

I love his grumpiness

I love his smile.

I love everything about him.

I always love looking at him without Mew on his side.

I love him.

I will make everything to make you mine.

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now