16

2.2K 127 10
                                    

Gulf's pov

Nakakairita. Ang slow niya talaga. Di niya ba alam na kaya ko siya tinext para puntahan niya ko sa classroom. Di naman talaga ako gutom. For sure magkasama na naman sila mag lunch ng heart niya. Nalaman ko na ex niya si coo from coo mismo. Nagbigay siya sakin ng mga advice to long lasting relationship with mew. Eh sila nga di nagtagal. Sus. So walang balak tong Mew na to sabihin sakin ha. Heart pa ul*l.

Lumabas ako ng classroom. Kasi ang init na talaga ng ulo ko. Kawawa tong katabi ko sakin pag nabwisit ako.

Pupunta na lang ako sa gym.

Nang papasok na ko sa locker nauntog ako sa poste. Sa gitna mismo ng locker?

Putek. Ang sakit ng noo ko ah.

"Gulf,you okay? Let me see." Concerned na tanong sakin ni Joss

"Bakit ka kasi nasa gitna?" Kakairita tong lalaking to.

"Sorry kasi iniisip ko kung saan na lang ako tatambay, may volleyball net kasi sa gitna ng court. I can't play basketball."

So paano din pala ako magpapapawis.

"How about let's play volleyball instead? Pustahan 2v2 lang."

"Gulf tayo lang andito dalawa"

"Text ko si Luke and Godt" alam ko wala na sila class ngayon naghihintay na lang sila ng 5 para sa basketball practice.

Nakita ko namang may tinitext si Joss. Ngiting ngiti parang tanga.

Nang dumating yung dalawa, napagkasunduan namin na yung manalo is ililibre ng dalawang talo sa international buffet.

"Luke and Joss partner kayo" gusto ko talaga si Godt ang kakampi ko kasi kabisado ko galaw nito.

Habang tumatagal dumadami ang nanonood. Akala mo naman sa mga to may championship game na pinapanood. Kami lang to,pustahan lang ng mga patay gutom to.

Nagulat ako ng may babaeng sumigaw ng "I love you Gulf". Nilingon ko yung babaeng sumigaw pero mas nagulat ako sa lalaking nasa likod niya. Si Mew, seryosong seryoso. Hindi siya ngumiti ng tumingin ako sa kanya.
At talagang ikaw pa galit ha.

Lalapitan ko sana siya ng biglang tumalikod siya.

Lumabas ako to find him pero nawala na lang siya.

Bumalik ako sa loob at tinanong nila ako kung ano problema. Sabi ko wala lang yun kaya tinapos namin laro.

Talo kami ni Godt. Kasi tawa lang kami ng tawa. Gago to sasali sali, napakayabang pumayag sa pustahan di naman pala marunong ng basic rules ng volleyball.

"Gulf so when? This weekend?" Tinanatanong ako nito sa libre namin sa buffet.

Bwisit na Godt. Sayang pera ko. Dapat siya magbayad ng lahat kasi siya patalo.

"G ba kayo Luke?" Tumango sila sakin.

"Game sa weekend. Text kita" nakatingin ako kay Joss. Lately napapansin ko nagttransform siya sa asong ul*l. Palaging nakatingin sakin na nakangisi.

Papunta na ko sa parking lot dahil andun nakapark yung bagong motor ko.

Biglang may humatak sa kamay ko. Shit sobrang lakas naman ng kamay na to para maitulak ako sa pader.

Galit na galit yung titig ni Mew sakin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit sakin. Di niya pa rin binibitawan kamay ko. Di ko inexpect na ganito pala kalakas si Mew.

Tumingin ako sa paligid. Wala pang ibang tao.

"Problema mo?" Ang sakit talaga ng likod at kamay ko. Nararamdaman ko na yung pamumula ng kamay ko.

"Di mo magugustuhan gagawin ko pag nakita ko pang kasama mo si Joss"

Bakit kasi di mo sabihin kay Joss diba. Ako ba may gusto na isikreto to.

"Sa birthday ko talaga Mew".

Imbis na sumakay ako sa motor,naalala ko na bigay niya nga pala to.

Sinipa ko yung motor tas hinagis ko sa dibdib niya susi.

T*ngina niya. Baka nakalimutan niya, I'm Gulf. No one can bully me.

I texted Luke. Sabi ko wag na rin siya magpractice para makasabay ako umuwi.

Nakareceive ako ng text.

Mewbabe: got jealous. Sorry please.

Gulf: pag di mo pa sinabi, break na tayo.

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now