Four. Gino

94 10 0
                                    

"Pwedi ba kitang ligawan?"

Parang tumigil mundo ko sa mga katagang lumabas sa bibig ni Nathan. Tela isang panaginip, panaginip na hindi ko pangangaraping magising.
Pakiramdam ko'y hihimatayin ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Nakakatakot, nakakakaba at higit sa lahat, nakakakilig.

Oo, kinikilig itong hinayupak kong puso.

Walang tigil itong nagsusumigaw ng ARIBA! ARIBA!

"Nathan?" ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Pinagpapawisan ako ng sobrang lapot, mula noo pababa sa pinakadulo ng aking talampakan.

"Ano'ng masasabi mo Alliana?" hinalikan niya ang aking mga kamay nang hindi inaalis ang kanyang mapang-akit na mga tingin.

"Nathan," huminga ako ng malalim bago sagutin ang kanyang tanong, "Oo, Pumapa---"

"Pfffft. Wahahaha. Hahahahahaha!"

Bigla akong napatigil nang bigla siyang tumawa ng malakas. Kumunot ang makinis kong noo sa kanyang inakto. Hindi ko siya maintindihan.

Ngunit parang kinurot ang puso ko.

"Hahaha! Pasensiya na ha? Natawa lang ako sa reaksyon mo, pffft. Pulang-pula ka kasi eh. Ang epic!" pilit niyang pinipigilan ang kanyang pagtawa ngunit kusa itong lumalabas.

Nakaturo pa ang kanyang isang daliri na para bang sinasabi niya na ako na ang pinakanakakatawang tanga sa buong mundo.

"Hindi totoo 'yun?" halos ibulong ko na ang tanong na'yun, nahihiya ako...at nasasaktan.

"Sorry, binibiro lang kita ano ka ba? Ang seryuso mo kasi eh," turan niya habang nagpupunas ng luha.

Luha na siyang nagpapatunay kung gaano siya kasayang paglaruan ako...

at paasahin.

Alam ko namang imposibli, pero bakit naniwala ako bigla?

NAPAKATANGA KO!

Talaga bang  taba lang ang laman nitong utak ko?

"Sayo na yang ice cream mo!" sigaw ko at biglang inginudngud ang hawak na ice cream sa kanyang dibdib.

"Shoot!" napaatras siya sa sobrang gulat.  Nabura ang bawat bahid ng kanyang saya.

'Buti nga sayo!' naisip ko.

Pero pesting luha to, bigla nalang nag-unahang pumatak. Mga traydor!

Agad ko siyang tinalikdan at tumakbo palayo, hindi ko kakayaning makita niya akong nasasaktan o lumuluha. Baka mas lalo niya lang akong pagtawanan.

"Alliana!" narinig ko pa siyang tinatawag ako, pero hindi ko siya nilingon. Hindi ko kayang makita ang paasa niyang mukha.

Takbo lang ako ng takbo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ngunit wala na akong pakialam, ang mahalaga ay makalayo ako sa kanya. Nang biglang...

*Screeeeeeechhh!

Kitang-kita ko kung paano tumigil sa harap ko ang isang pulang sasakyan.

Muntik na, muntik na akong mabundol ng kotsing iyon. Nang mga oras na 'yun, inakala kong katapusan ko na. Mabuti nalang at nailigtas ako ng sarili kong mga paa, ngunit ayaw tumigil ng nakabibinging kabog ng puso ko. Ang kaninang inis ay napalitan ng matinding takot.

"Damn it! Magpapakamatay ka ba?!"

Iniluwa ng pulang sasakyan ang isang pamilyar na pigura. Malaanghel ang gwapo at makinis nitong mukha, ngunit isa itong demonyo sa kasungitan at kasamaan ng ugali.

"G-Gi-Gino," nauutal kong turan.

"Ikaw nanaman?! You know what? I don't care how fat you are," nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay,

"just get out of my way! Ang taba mo na nga, ang tanga-tanga mo pa!" sigaw niya na halatang naaalibadbaran sa presinsiya ko.

Mas lalo namang nadagdagan ang bigat sa puso ko, hanggang sa tuloyan na akong bumitaw.

"Uwahhhh! Huhuhu! Uwahhhh! Huhuhu!"

Bigla nalang akong ngumuwa. Sa dami ng nangyaring kamalasan ngayong araw, kusa nang sumuko ang timba ng pasensiya ko.

"He-Hey! What the F*ck! Why the hell are you crying?!"

Pero hindi ko siya pinansin, gusto ko nang ilabas ang lahat ng 'to. Ang sakit-sakit na eh!

"Uwahhhh! Huhuhu! Uwahhh! Huhu!"

" He-Hey! I said stop it!Para kang bata! Baka isipin nilang pinaiiyak kita!" suway niya sa'ken pero hindi naman ako nagpaawat, kahit pagtingin pa kami ng maraming tao.

Sinabunutan niya bigla ang sarili sa sobrang inis. Pero wala akong pakialam, bahala siyang mamatay sa inis! Dahil sa ngayon, ito lang ang solusyon ko sa lahat ng kamalasang naganap sa araw na ito.


"Shhhh... I'm sorry okay? Tahan na."

Bigla akong nabato sa sunod niyang ginawa. Tila ito'y isang milagro. Milagrong bigla nalang nagkatotoo.

Ano ba talaga ang nangyayari sa mundo?

Bakit kakaiba ang kinikilos ng lahat?

Isa nanaman ba itong biro?

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Unti-unting kumalma ang sakit sa aking dibdib nang maramdaman ko ang init ng kanyang bisig. Tila pinagaan ng mabango niyang amoy ang bigat sa aking puso.

Oo, tama ang iniisip niyo.

Yakap ako ng masungit at supladong si Gino.
Anong druga ba ang hinithit nito at tila sinaniban ng kunting bait?

Mabuti nalang at hanggang dibdib niya lang ako kaya't madaling nasakop ng kanyang matitigas na braso ang aking ulo. Dahil kung hindi, siguradong magmumukha siyang nakayakap sa isang giant teddy bear.

*Click!

Nasa ganuon kaming posisyon nang isang flash ng Camera ang gumulat sa'men.

"F*ck!" agad siyang napabitaw.

Gulat at tila nagising sa isang masamang panaginip.

Sa isang iglap ay bumalik ang masungit niyang mukha.

Tumingin siya sa malayo at iniabot sa'ken ang isang panyo. Pero tiningnan ko lang ito.

"Sa susunod, huwag mo nang ibalandra yang malaki mong katawan sa kalsada!" inilagay niya ang panyo sa ulo ko saka tumalikod.

Naglakad siya pabalik sa sasakyan at binuksan ang pinto nito. Ngunit bago siya pumasok ay muli nanaman siyang tumingin sa kinaruruonan ko.

"Pasalamat ka, hindi nagalusan itong sasakyan ko. Dahil kung nagkataon,"

 tuloyan na siyang nilamon ng kotse at pabagsak itong isinara. Pinaandar niya ito at huminto sa harap ko,

 "pagsisisihan mong ipinanganak ka pang baboy!"

Yun lang at agad niya nang pinaharurot ang sasakyan. Palayo, pabalik sa impyernong kanyang pinanggalingan.

Bwesit siya! Akala ko panaman, bumait na siya! Yun pala, pakitang tao lang ang lahat! Napakahinayupak ng Ginong yun. Ang sarap niyang tirisin ng buhay! Hahabolin ko na sana siya nang biglang malaglag ang puting panyo mula sa ulo ko. Agad ko itong pinulot at naalala nanaman ang nakakabwesit niyang pagmumukha.

Parehu lang sila ni Nathan, mga baliw!

Magsama sila sa mental!

Lalakad na sana ako paalis, pero napansin ko ang isang lalaking kumuha ng litrato samin kanina.

Wala sana akong balak pansinin siya, pero kinabahan ako sa sinabi niya...


"Ayos! Magtitrending nanaman ito bukas!"

...itutuloy.

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now