Twenty. Betrayed

63 5 6
                                    

Pagud na ang aking katawan sa lahat ng pambubugbog sa'ken ni Claire, ngunit higit pa ron ay doble ang pagod at sakit na nararamdaman ng puso ko.

Hindi ko na mapigilan ang walang tigil na pagpatak ng aking mga luha.

Kitang-kita ko sa video ang lahat. Kung paano niya iparamdam ang pagmamahal kay Claire sa pamamagitan ng kanilang pagtatalik. Kung gaano siya kasaya sa bawat pag-ayudang ginagawa sa tuwing nasa kailaliman siya ng babae. Parang unti-unting dinudurog ng kanyang mga ungol ang puso ko.

Hindi ako makapaniwalang lahat ng sinabi niya sa'ken ay purong kasinungalingan lang.

Napakasama niya, napakasama nila. Saang impyerno ba sila nagmula ay ginagawa nila ito sa'ken? Ano ba'ng kasalanan ko sa kanila?!

"Tama na, alisin mo na 'yan please," pagmamakaawa ko.

Hindi ko na kayang panuorin ang video. Hindi ko na kayang makita siyang sarap na sarap sa piling ng iba...

"Nakita mo na miss piggy? Ipinaramdam niya na ba sayo kung gaano siya kasarap?! Hindi diba? Ni minsan hindi ka niya kinant*t! Alam mo kung bakit?"

Inilapit niya ang mukha niya sa'ken upang lalo kong marinig ang masasakit niyang mga salita.

"Dahil hindi niya kayang masikmura yang katabaan mo! At alam mo kung ano ang sinabi niya sa'ken?!"

Tumawa siya nang malakas bago muling magsalita.

"Na sa tuwing hahalikan ka niya... sukang-suka siya sayo! Nandidiri siya sayo miss piggy. Dahil kahit minsan, hindi ka niya minahal! Ginamit ka lang niya para pagselosin ako."

Ramdam ko ang bawat puntong nais niyang iparating, ngunit nahihirapan akong tanggapin ito sa utak ko.

"Hindi totoo yan, hindi totoo yan," pagtanggi ko sa katutuhanan.

"Totoo yun miss piggy! Tanggapin mo na, na ginamit ka lang ni Nathan! At kahit sa pesting panaginip mo, hinding-hindi siya mapapasayo!"

Duon niya ako marahas na sinabunutan, sinampal at tinadyakan. Wala naman akong magawa kundi ang sumigaw, umiyak at magmakaawa.

Parehong nakatali ang mga kamay at paa ko, kaya't wala kong magawa.

Tumama ang huli niyang sipa sa mukha ko, pumutok ang aking ibabang labi at duon ko nalasahan ang malakalawang na likido sa aking bibig. Parang umikot ang aking mundo... nahihilo ako.

"Claire stop it! Papatayin mo ba siya?!" suway ng babaing nakamaskara.

"Oo! Papatayin ko siya! Dahil yun lang ang paraan para tuloyan siyang mawala sa buhay ko!" nanggagalaiting sigaw ni Claire.

"Kumalma ka nga! Alam mo bang pwedi kang makulong diyan sa ginagawa mo?!"

Sandali siyang napatigil ngunit bigla nanaman siyang natawa na parang isang baliw.

"Tandaan mo beshy, damay ka rito at kapag nilaglag mo ako. Isasama kita sa presentong kahahantungan ko!"banta niya sa babae.

"Are you out of your mind?!" hindi makapaniwala nitong tanong.

"No but, ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!" ibinalik niya ang tanong ng babae.

"Nababaliw ka na talaga," duon ito tumalikod at lalabas na sana sa impyernong silid na 'to, ngunit bigla ring napatigil nang magsalita si Claire.

"Hindi ka lalabas. Patutunayan mo sa'king kaibigan kita BESHY!" seryusong turan ng bruhilda.

Muli itong humarap.

Subalit bindi ko mabasa ang emosyon nito dahil sa maskarang nagkukubli sa kanyang mukha.

"Anong sabi mo?!"

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now