Nineteen. Tortured

59 7 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatali at nakakulong sa lugar na pinagdalhan sa'ken ng mga tauhan ni Claire.

Ngunit hinihiling kong sana'y magpaulan ng milagro ang langit, upang kahit papaano'y mabahiran ng kaunting kabutihan at konsensya ang puso ng bruhilda.

Nanatiling madilim ang aking paningin dahil sa telang tumatakip sa'king mga mata.

"Ma, pa, tulongan niyo po ako,"  ang tanging naibulong ng aking bibig.

"Alisin niyo ang piring ng babaitang yan!" utos ni Claire sa kung sino.

Narinig ko pa ang ilang mga yapak bago ko maramdaman ang biglang pagkawala ng harang sa'king mga mata.

Sandaling nanlabo ang aking paningin ngunit unti-unti rin itong lumiwanag.

Mas maliwanag pa sa sikat ng araw, na sa mga oras na ito'y nasa kalagitnaan ako ng matinding pagsubok. Isang pagsubok na magdidikta kung hanggang kailan ako hihinga.

"Kumusta Miss Piggy?" isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Claire.

Suot niya ang isang itim na above the knee dress na mas lalong nagpatingkad sa makinis at maputi niyang balat.

"C-Claire, hayop ka talaga! Anong balak niyong gawin sa'ken ha?!" bungad ko sa kanya nang bumalik na sa normal ang aking paningin.

Napatingin pa ako sa paligid. Bukod sa dalawang lalaking hindi pamilyar sa'ken ang mukha ay napansin ko rin ang isang karakter na nakatayo malapit sa pintuan. Nakasuot ito ng puting maskara, ngunit base sa wangis ng kanyang katawan ay masasabi kong isa siyang babae.

Sandali pa kaming nagkatinginan, pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Duon ko napansin ang itim na itim at mahaba niyang buhok. Napakapamilyar ng buhok niya, hindi ko lang matandaan kung kanino ko nakita ang napakagandang buhok na iyon.

"Matagal ko nang alam yan miss piggy! Pero ikaw, hindi mo mahuhulaan ang mga gagawin ko sayo," banta niya.

"Ano pa bang kailangan mo sa'ken!? Hindi ka pa ba nakuntinto?! Sinira mo na ang buhay ko Claire! Hanggang kailan mo 'ko gugulohin?!"

Bigla nalang siyang tumawa na parang baliw.

Tch.

Saan ba nagsususuot itong babaing 'to at para siyang nakahithit ng katol!?

"Hangga't hindi ka tuloyang nawawala sa landas ko Alliana! Hangga't hindi mo pinagsisisihan ang lahat ng pamamahiya mo sa'ken sa harap ni Nathan! Hindi kita titigilan!"

Biglang dumapo ang kanyang galit na mga palad sa'king mga pisngi. Ilang beses niya akong sinampal hanggang sa puntong siya na mismo ang magsawa.

Ngunit nagmatigas ako, hinding-hindi ko iiyakan ang isang baliw at demonyitang kagaya niya.

"Ibigay niyo sa'ken ang gunting!" utos niya habang hindi inaalis ang mga tingin sa direksyon ko.

Agad namang kumilos ang kanyang mga goons. [Hindi naman sila importante sa pag-usad ng kwentong to kaya't tawagin nalang natin silang Goon A at B]

"Gunting! Boy asan yung gunting?" -Goon A.

"Aba malay ko! Wala ka namang sinabi na kilangan mo ng gunting!"- Goon B.

"Pusangina! Bumili ka ng gunting bilis!"- A.

"Bakit ako? Pareho naman tayong utusan dito ah!"- B

"IBIGAY NIYO SA'KEN ANG GUNTING! ANG TATANGA NIYO!" bulyaw ni Claire sa dalawa.

"Opo! Bibili na po kami!"

Bigla silang nagtatakbo palabas pero hindi paman lumilipas ang sampong segundo ay biglang bumalik si (Goon B).

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now