Twenty-seven. I'm not Alliah

66 4 0
                                    

Alliana's POV

"Natatandaan kita, isa ka sa mga taong nagpahirap sa'ken nuon. Isa ka sa mga taong sumira sa buhay ko. Isa ka sa kanila...Isa ka sa kanila...GINO!"

Nabalot ng pagtataka ang kanyang mukha. Hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin.

Tss. Ganun ba talaga kasama ang ugali ng lalaking 'to?

Talaga bang ganun kadali lang kalimutan para sa kanya ang mga masasakit na salitang kanyang binitawan sa'ken nuon?

"A-Alliah, hindi kita maintindihan. Alam kung may kasalanan ako sayo. Pero kailan man ay hindi ko magagawang sirain ang buhay mo."

"I said stop calling me Alliah! I am not Alliah! Hindi mo ba ako nakikilala?! Ako to! Si Allia-"

Biglang naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang puting pinto. Iniluwa nito ang dalawang babae na halos kasing edad ko lang, kasama nila ang isang may katandaang lalaki na sa tingin ko'y nasa mahigit sengkwenta na ang edad.

"Alliah anak! Salamat sa Diyos at gising ka na!" bungad nang lalaki saka tumakba palapit sa'ken.

Bigla niya akong niyakap na ipinagtaka ko.

Tch. Sino ang matandang ito? Hindi ko siya kilala kaya't bakit niya ako niyakap? Itutulak ko na sana siya nang bigla ring yumakap ang isa pang babae. Kulot ang kanyang hanggang balikat na buhok at may ilang pulang highlight sa gitna.

"Alliah! Thanks God your awake! Salamat sa Diyos at gising ka na!" umiiyak nitong turan.

"Te-Teka--" bigla nanamang naputol ang sasabihin ko nang magsalita yung isa pang babae.

"Alam mo bang alalang-alala kami sayo?! Lagi nga kaming nagdadasal eh, na sana magising ka na! We missed you soooo much!" gaya ng isang babae ay nakiyakap narin siya.

Halos hindi na ako makahinga sa yakap nila. Gusto ko silang itulak pero hindi ko alam kung pano!

"W-Wait, I think hindi na siya makahinga!" suway ni Gino sa kanila.

Gusto kong magpasalamat pero hindi ko kailan man gagawin iyon.

Duon sila agad kumalas.

Nakita ko ang basa nilang pisngi na lalong ikinagulo ng utak ko.

Hindi ko maintindihan! Bakit nila ako tinatawag na Alliah?!

At kung maka-asta sila, bakit parang matagal na nila akong kilala?!

"WHAT ON EARTH IS GOING ON?! HINDI AKO SI ALLIAH! SINO BA KAYO? NI HINDI KO NGA KAYO KILALA EH!" sigaw ko sa kanilang lahat.

Gumuhit ang pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Oh my God! Nagka-amnesia ba si Besprin? Gino anong nangyayari?!" hestirikal na tanong ng babaing may maiksing buhok at bangs na halos tumakip sa kanyang mga mata.

"Anong nangyayari Gino? What is happening? Hindi niya kami makilala! She can't recognize us! Magsalita ka! Please talk!" sabi naman ng babaing may kulot na buhok.

"I don't fucking know! Pero kanina niya pa tinatangging hindi siya si Alliah!"he said in disbelief.

"I think we need a doctor" suhestiyon ng matanda.

"Doktor? Hindi ko kailangan ng doktor! Alam niyo kung anong kilangan ko? SECURITY! Para ipadampot ko kayong lahat palabas!" sigaw ko sa kanila.

Pare-parehu silang nagulat sa sinabi ko. Hindi makapaniwala.

Marahil nang dahil sa mga nangyari sa akin nuon ay hindi ko na kayang magtiwala pa sa ibang tao ngayon. Lalo na sa kanila na hindi ko naman kilala.

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now