Twenty-one. Sumpa

72 6 0
                                    

"Huwag mong sabihing... ikaw? Ikaw yung..." hindi ko halos magawang bigkasin ang mga salitang nais sabihin ng isip ko.

Naduduwag akong harapin ang katutuhanang...

Maging ang taong itinuturing kong kaibigan ay trinaydor ako.

Hindi niya lang ako tinaga sa likod, bagkus ay para narin niya akong tinuklaw gamit ang makamandag niyang ngipin.

"ISA KANG AHAS! PAREHO LANG KAYO NI CLAIRE! MGA DEMONYO KAYO!" galit na galit kong sigaw kay Nathalie.

Hindi na natigil sa pagpatak itong mga pesting luha ko.

At hindi ko na rin alam kung paano pakakalmahin ang utak at puso ko. Para akong sasabog sa sobrang galit at sama ng luob.

I was betrayed for God's sake! Trinaydor lang naman ako ng dalawang taong natutuhan ko nang pagkatiwalaan.

"Surprised? Well, I couldn't blame you for being too naive and stupid at the same time Alliana," malamig niyang turan.

She looks so different, ibang-iba siya sa Nathalie na nakilala ko.

"Ano bang nagawa ko sayo Nathalie? Bakit pati ikaw? Bakit pinili mo akong saktan?"

Sandaling kumunot ang kanyang noo bago sagutin ang aking mga katanungan.

"Because your presence alone makes me sick! Paano pa kaya ang maging parti ka ng buhay ko?! Walang lugar ang isang kagaya mong LOWKIE sa pamilya namin Alliana!" she said na puno ng diin.

Samantalang ako nama'y hindi halos maibuka ang bibig. Tripling sakit at bigat ang nararamdaman ko ngayon.

Her words alone could kill me.

Para itong mga palaso na isa-isang bumabaon sa puso ko.

"Please tell m-me your b-bluffing Nathalie! Puno na ng sakit itong puso ko... please... wag mo nang dagdagan pa," pagsusumamo ko sa kanya na puno ng hikbi.

Sa mga oras nato'y hinihiling ko nang magising sa pesting bangungot na'to. Someone... please wake me up! Baka tuloyan ko na itong ikamatay!

"This is reality Alliana! There is no room for such kind of bluffs! Kaya't kung ako sayo... you should stop running. Dahil bukod sa mabagal ka, hinding-hindi mo kami kayang sabayan. You are just a NOBODY Alliana! Atleast you should learn how to accept this PATHETIC fate of yours! Anyway, saan ka ba nagmana? Sa mga walang kwenta mong magulang?" mapang-uyam niyang turan.

Para akong nagising sa kanyang mga sinabi. Hindi parin ako makapaniwalang nanggaling ito mismo sa kanyang bibig. Agad kong pinunas ang aking mga luha...

Marahil ay kaya kong tanggapin lahat ng panlalait at pananakit nila sa'ken. Pero pagdating sa mga magulang ko...

HINDI AKO PAPAYAG NA MAGPATALO!

Mas lalong kumulo sa matinding galit ang puso ko. Hinding-hindi ko kayang tanggapin na laitin ng kagaya niya ang mga taong tunay nagmamalasakit at nagmahal sa'ken.

"Bawiin mo yang sinabi mo Nathalie!"

"Ayuko nga!"

'You know what? Between you and my parents, WALA KA SA KALINGKINGAN NILA! Kung meron man ditong walang kwenta, ikaw yun Nathalie! WALANG KANG KWENTANG KAIBIGAN! Pare-pareho lang kayo! Buhay pa nga kayo, unti-unti nang sinusunog yang mga kaluluwa niyo sa impyerno!" nagnginginig sa sobrang galit ang mga tuhod ko.

Duon biglang nagdilim ang aking paningin, na siyang nagtulak sa'ken upang siya'y sugurin at sakalin. Wala naman siyang nagawa. Pilit siyang nagpumiglas ngunit sadyang kulang siya ng sustansiya sa katawan kaya't dihado siya sa lakas ko.

Ang Sumpa ni Miss PiggyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora