Nine. The Truth

73 7 0
                                    

"Oh no! Not with him...Not with the  COLD HEARTED PRINCE Nathalie!"

Tiningnan ako ni Nathali nang may nakapintang pagtataka sa kanyang mukha.

"Why not?" she ask while pouting, "Wait, don't tell me you like him too."

Bigla akong humagalpak ng tawa sa kanyang sinabi. Ngayon ko lang nalaman na mapagbiro pala itong si Nathalie.

"What's wrong? I wasn't bluffing," seryuso niyang sabi.

"Nagbibiro ka ba Nathalie? Imposibling magustuhan ko ang damuhong yon! Kahit siya nalang ang natitirang lalaki sa mundo, NEVER! As in NEVER akong magkakagusto sa kanya," halos isigaw ko na ang bawat salitang aking binigkas.

Tila isang musika ang kanyang narinig, hindi naikubli ng abot tenga niyang mga ngiti.

"Then let's go," ani niya saba'y tayo at higit sa kamay ko.

Pero nanatili akong nakaupo habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

"Samahan mo'ko please? Sundan natin siya!"

Pinanlakihan ko siya ng mata, sinipat ko ang kaninang kinaruruonan ni Gino at bigla nalang itong nawala. Akala ko pa naman, lalapit siya sa kinaruruonan namin.

Mabuti nalang at lumihis siya ng daan. Dahil nabubwesit ako sa pagmumukha niya.

"Sundan? Ayuko nga! Hindi ako stalker no!" pagtanggi ko sa kabaliwan niya.

"Pleeeeaaassse?" she beg while her eyes twinkling.

"Never! No! Hindi! Ayuko!"

"Ally, please sasamahan mo lang naman ako eh! Ako yung mang-i-stalk. NOT YOU! I just want to see him!" mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Hindi ko alam kung ano ang meron kay Gino at nagustuhan siya ni Nathalie! Bukod sa mayabang ay ang sama-sama pa ng ugali!

Marahil ay totoo nga ang sinabi nila; BULAG ANG PAG-IBIG.

"Bahala ka sa buhay mo! Hindi ako sasama kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lumuha ka pa ng isang baldi ng dugo!"

Duon na ako tuloyang nagwalk-out.

*.....*.....*.....*

"Oh-em-gee, ang gwapo niya! HIS SO PERFECT! Pointy nose, perfect jaw lines, kissable lips, adorable eyes, and... and smooth, silky brown hair!" kung isang anime lang ang lahat, malamang ay kanina pa naghugis puso ang kanyang mga mata.

Kasalukuyan kaming nasa isang ng canteen. Sinusundan si Gino na ngayon ay kumakain sa isang table kasama ang kaibigang hindi ko naman kilala.

Yes, you got it right! Nagwalk-out na ako at lahat-lahat, ngunit dito parin ako bumagsak. Hindi ko natanggihan si Nathalie dahil sa ginawa niyang paawa effect.

Lumuhod nga siya sa harap ko at pilit na lumuha ng dugo kahit wala namang nangyayari.

"Bakit ba ako nalagay sa ganitong sitwasyon?" tanong ko sa sarili habang nagkukubli ang mukha sa likod ng makapal na diksiyonaryo. Kunyaring nagbabasa.

"Mga bwesit sila! Kung inaakala nilang mapapansin sila ni Gino. Pwes isa iyong malaking panaginip!" sabi ng kasama ko habang nakasilip ang mata sa hinahangaang lalaki at nakatakip ang bibig ng isang magazine.

Sinilip ko ang kinaruruonan ng lalaki at nakita ang isang grupo ng kababaihan na sinusubukan itong kausapin. Pero deadma lang ang lalaki, at parang walang naririnig. Malamig itong nakatingin sa kanyang pagkain habang ngumunguya at sumusubo.

"Wow, kakaiba ka palang magbasa ng libro no?"

Agad kong tiningnan ang taong nagsalit at duon ko nakitang nakatayo sa harap ko ang pagmumukha ni Jonathan Aragon--- ang tinaguriang Perfect Boyfriend Material.

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now