Twenty-four. I'm Coming Back Soon

76 6 0
                                    

Nathalie's POV

"FUDGE! Bakit nandito tayo Claire?!" tanong ko kay Claire nang huminto kami sa tapat isang funeral home.

Hindi ko talaga mahulaan kung ano ang iniisip niya, ngunit base sa kanyang mga tingin ay hindi ito kaaya-aya.

"Ano ba sa tingin mo Nathalie?"

Kusang kumunot ang noo ko nang ibalik niya ang tanong sa'ken.

"You're making me nervous Claire, ano ba talagang binabalak mo?"

"Hindi ako matatahimik hanggat hindi nakikita ng dalawa kong mata ang bangkay ni Miss Piggy, Nathalie," sagot niya.

Duon ko nakompirma ang kanina ko pa hinala.

Naikwento niya kasing nakita niya sa labas ng kanilang bahay si Alliana. Ngunit masyadong mabilis ang mga pangyayari, dahil nang lumabas raw siya ng kotse para lapitan ito'y bigla nalang itong nawala.

"Don't tell me, this is Alliana's funeral? At papasok ka nang ganyan ang suot mo?" hindi makapaniwala kong tanong.

Biglang pumurma ang isang ngiti sa kanyang mga labi.

She's actually wearing an above the knee red dress paired with an alexander mcqueen six-inch heel strappy red sandal.

Masyadong litaw ang kanyang hitsura kung papasok siya sa isang lamay na gaya nito.

"Correct, kaya't halika na dahil hindi na ako makapaghintay na mapatunayang namamalikmata lang ako," she said saka lumabas ng kotse.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya, I also wanna make sure that Alliana's dead.

Dahil hindi magiging maganda kung mabubuhay pa ang babae.

She must be dead and keep her mouth shut forever.

...

"Hey, is that Claire? Bakit siya nandito?"

"Oonga no si Claire nga yan, diba't lagi niyang binubully si Alliana nang nabubuhah pa 'to?."

"Shunga ba siya? Bakit naman ganon ang suot niya? Hindi ba niya alam na lamay itong pinuntahan niya at hindi party?"

Ilan lang yan sa mga narinig naming bulong-bulongan na sumalubong sa'men.

"Nathalie, sino itong kasama mo?" bungad sa'men ng isang babaing sa tingin ko'y nasa mahigit kwarenta ang edad.

Dilaw ang buhok  nito at asul ang mugtong mga mata, para siyang paya't na version ni Miss Piggy; she's actually gorgeous.

Madalas ako nuon sa bahay nila Alliana kaya't kilala ako ng ginang.

"Siya po si Claire, classmate po ni Ally, and were here para makiramay," sagot ko nang mapansing tila natulala si Claire nang makita ang wangis ng ginang.

"C-Condolence po tita," Claire said.

Tiningnan siya ng ginang mula ulo hanggang paa. Marahil ay nabastusan ito sa kanyang suot.

"Pagpasensiyahan niyo na po siya tita, galing po kasi kami sa isang party kaya't ganun ang bihis niya," paliwanag ko.

"Di bale, sige umupo na kayo," ani nito.

"Pwedi ba naming makita si Alliana?" tanong ni Claire.

Ngunit biglang lumungkot ang mukha ng babae nang dumako ang tingin nito sa kabaong ng sariling anak.

"Halika't sasamahan ko kayo," turan nito.

Sumunod naman kami sa kanya, ngunit hindi ako mapakali dahil sa tingin ng mga taong narito.

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now