Five. Bulletin

84 9 0
                                    

"Honey, did you cry?" bungad sa'ken ni mama pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto.

"Po? Hi-Hindi po ma, puyat lang po ako. Marami po kasi akong ginawang homework last night," pagsisinungaling ko habang pilit na nakangiti.

Ngunit hindi naikubli ng mga ngiting 'yun ang lungkot at bigat ng aking dibdid. Alam kong alam ni mama na may pinagdadaanan ako, pero hindi ko pweding ipaalam sa kanya 'yun. Dahil sigurado akong uusisain niya lahat. Lahat maging ang pinakapuno  at kasuloksulokan  ng problemang 'yun.

Ayaw kong malaman niya na pinagbantaan ako ni Claire dahil hindi ko kakayaning mapahamak sila ni papa. Pero inaamin kong hindi ako pinatulog ng konsensya ko kagabi. Sana lang ay walang may nangyaring masama kay Nathan.

Ayaw ko ring malaman niya ang mga katangahan ko. Na umaasa ako sa isang fairy tale at muntik na akong masagasaan ng isang demonyong lalaki.

"It's okay Ally, I'm your mom," niyakap niya ako ng mahigpit, "just tell me when you're ready okay?"she said while patting my head.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, muli nanaman akong umiyak. Ina ko nga talaga siya, ramdam niya ang nasa luob ng puso ko. Alam niya kung masaya o malungkot ako, at alam niya kung may pinagdadaanan akong problema.

"Ally," bumitaw siya sa yakap namin at nagulat siya nang makita akong umiiyak, "shhhh... you're strong honey. Alam kong kaya mong lagpasan lahat ng 'to," pinunas ng kanyang mga daliri ang mga luha ko sa mata.

Pilit niya akong pinatatahan ngunit lalo lang akong umiyak at humikbi. Ang bigat kasi talaga ng dibdib ko, mas mabigat kisa sa mataba kong katawan...

Gaya ng mga nakaraang araw ay inihatid ako nila mama sa unibersidad na pinapasokan ko.  Nasa unang taon ako ngayon sa kursong BS in Entrepreneurship, at nasa kalagitnaan kami ngayon ng unang semester.

Late nanaman ako kaya't lakad-takbo ang ginawa ko habang papunta sa una naming subject. Ngunit hindi ko paman ito narataring ay napansin ko na ang masasamang tingin sa'ken ng ilang kababaihan. Para akong sinisilaban ng buhay.

Para silang mga bubuyog na nagbubulongan.

Pero lahat ng yun ay pilit kong isinawalang bahala.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang main building ng business courses.

Nang biglang..

"Oops, sorry," nakangising turan sa'ken ni Claire nang bigla niya akong salubongin sa isang pasilyo. Kasama niya ang tatlo niyang mga alipores na ngayon ay tawang-tawa sa hitsura ko.

Tinapunan niya lang naman ako ng kung anong likido. Napapikit pa ako nang dumapo ang maasim nitong amoy sa ilong ko. Pero pilit akong nagtimpi, hangga't maaari ay nais kong ilayo ang sarili sa bruhang babae.

Aalis na sana ako nang bigla nila akong harangin.

"Ano bang kailangan niyo sa'ken?" naiinis kong tanong.

Pero nagtawanan lang sila sa tanong ko.

"Alam mo, titigilan na sana kita eh. Kaso nalaman kong hindi kalang basta baboy, malandi at ambisyosa ka pa," mataray niyang turan habang mahigpit ang kapit sa braso ko.

"Anong pinagsasasabi mo?" nagtataka kong tanong.

"Wow ha! You make maang-maangan  pa! Eh kitang-kita na nga!" sabi naman ng conyong alipores ng bruhilda ; si Chiska.

"Kung isa nanaman to sa mga pakulo niyo para bwesitin ako. Pakiusap, nagmamadali ako, kailangan ko nang umalis," akmang aalis na sana ako nang bigla nanaman nila akong harangin.

Pinagtitinginan na kami ng mga dumaraang estudyante, pero lahat sila ay tila walang nakikita. Marahil gaya ko ay takot rin sila kay Claire.

"Girls! Hawakan niyo siya! Ipapakita natin sa kanya kung gaano siya kalandi," utos ni Claire sa kanyang mga alipin.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang malandi. Dahil kahit anong pilit kong intindihin, kusang bumabalik sa kanya ang salitang yun.

Nakaramdam ako ng kaba nang bigla nila akong hawakan sa magkabilang braso. Papalag pa sana ako ngunit pinagbantaan ako bigla ng bruhilda.

"Sige, pumalag ka. Nang makita mo kung paano magalit ang anak ng isang mafia," matigas niyang turan kaya't wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa mga nais nila.

Dinala ako nila sa lugar kung saan maraming nagkukumpulang estudyante.

Nagkakagulo ang mga ito at hindi naalis ang bulong-bulongan.

"Will you please gives us ways!" sigaw ni Lean sa mga nagkukumpulang estudyante.

Baluktot ang englis nito ngunit madali niya silang napasunod. Gumawa sila ng daan patungo sa malaking bulletin  board.

At doon ko nakita ang tinutukoy nina Claire. Hindi lang isa, kundi siyam na larawang gumulat sa'ken.

"Nakita mo na? Ngayon mo sabihin sa'men na hindi ka malandi!" galit na galit na turan ni Claire.

"Miss Piggy, pakiusap aminin mo na sa amin ang totoo, nais mo bang sulotin sina Nathan at Gino? Bakit mo sila kasama sa larawan?" malumanay ngunit puno ng pang-uuyam, ito ang lumabas sa bibig ng mapagkunwaring si Trina; isa ring alipores ni Claire.

Hindi ko alam kung ano ang tamang sabihin. Ngunit kitang-kita sa larawan ang mga mukha naming tatlo; si Nathan habang hawak ang kamay ko at si Gino habang nakayakap sa 'ken.
Muli kong naalala ang mga naganap kahapon.

"Hindi totoo to! Nagkakamali kayo!" sigaw ko at agad na pinunit lahat ng mga nakadikit na larawan.

Hindi ko alam kung sino ang may kagagawan nito. Ngunit sigurado akong may kinalaman ang pesting lalaking yun.

Humanda siya sa'ken pag nakita ko siya.

Tatakbo na sana ako paalis, ngunit bigla nalang akong napatigil nang may basang bagay ang tumama sa noo ko.

Hahawakan ko na sana ito ngunit muli nanamang tumama sa likod ko ang isa pa. Hanggang sa sunod-sunod na nila akong pinagbabato ng kung ano-anong pagkain. Halos lahat sila iyon ang ginawa, bawat pagbato nila sa'ken ay sinasabayan nila ng masasamang salita. At bawat salitang 'yun ay nagbibigay sa'ken ng matinding kirot.

Para akong pinatamaan ng napakaraming sibat, diretsu sa puso ko. Hindi na kinaya ng tuhod ko kaya't kusa na itong bumagsak.

"Bagay lang sayo yan! Malandi ka kasi!"

"Baboy ka na nga! Pokpok ka pa!"

"Mamatay ka na! Hindi mapapasayo si Nathan ko no!"

"Akin lang si Gino! Huwag kang hangal miss piggy!"

Nakakarindi ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.

Gusto kong tumayo at tumakbo palayo sa pang-iinsulto nila ngunit walang lakas ang mga paa ko. Tuluyan na akong naparalisa. Ayuko na, ang sakit-sakit na.

"TAMA NA!"

Isang sigaw ang nagpatigil sa lahat, ngunit sandali lang yun. Dahil muli nanaman nila akong pinagbabato.

"Fudge! Miss halika na! Tingnan mo nga oh, puno ka na ng pagkain sa katawan!" turan niya habang pilit akong tinatayo.

Ngunit hindi ako nagpatinag, iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam kung panu haharapin lahat ng 'to.

"Miss, don't worry. Sasamahan kita, halika na!" saad niya habang iniaabot ang kanyang kamay. Tiningnan ko siya sa mukha at hindi mahagilap ng isip ko kung sino ang babaing 'to. Napansin ko ring pinagbababato narin siya ng mga tao.

"Halika na, kailangan na nating umalis. Please?" duon ko tinanggap ang kanyang kamay.

Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Bigla akong nabalot ng katanungan.

Sino siya?

Bakit niya ako tinutulongan?

Hindi ba siya natatakot kay Claire?

At ano kaya ang magiging papel niya sa buhay ko?

...itutuloy.

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now