Twenty-nine. To Be Alliah

71 3 0
                                    

Alliana's POV

It's been two days simula nang makabalik ako sa mansyon na'to.

Sa tulong ng dad ni Alliah ay medyo marami narin akong nalaman tungkol sa buhay niya.

Isa siyang sikat na modelo ng isang sikat na magazine, isa siyang anak ng isang bilyonaryong negosyante,  at isang mabait na anak.

Ngunit hindi pa ito sapat upang makilala ko siya ng lubos. Marami pa akong kailangang malaman tungkol kay Alliah, lalo na sa mga kaaway niya. At isa na ron ang kanyang evil madrasta at bruhang step-sister.

"Look who's here, my sweet little sistah."

Napatingin ako sa babaing nagsalita. Tss, speaking of the devil. It was Arriana, she's holding a glass of wine habang nakadekwatrong nakaupo sa sofa ng sala at nanunuod ng telebisyon.

Binalewala ko ang kanyang sinabi at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa sofang katabi ng kanyang kinauupuan.

Ramdam ko ang pagsunod ng kanyang mga tingin sa'ken.

"A glass of water? That's weird," komento niya sa hawak kong baso ng tubig.

"What's weird with a glass of water?" walang gana kong tanong.

"Its evening Sis, usually isang baso ng wine or a cup of tea ang dala mo kapag ganitong oras," sagot niya.

Nanlaki ang mata ko. Pano niya naman nahalata ang ganuong bagay?

"Well, I don't remember," maikli kong sagot.

"Oh, sorry you have amnesia pala," she said.

Hindi ko alam pero hindi ko maramdaman ang sorry niya.

"Whatever," sagot ko.

I just don't like talking with her.

Pareho kaming natahimik at natuon ang atensiyon namin sa telebisyon.

"Wala ka ba talagang natatandaan Alliah bago ka naaksidente?" bigla niyang pagbasak sa katahimikang iyon.

Napatingin ako sa kanya at lihim na napangiti.

Mukhang gusto atang makipaglaro sa'ken ng bruhildang ito.

"Why? May kailangan ba akong matandaan Arianna?" tanong ko rin sa kanya.

Tumaas ang kanan niyang kilay.

"Well, that's exactly why I'm asking sis," dahilan niya.

Ngunit hindi nakalusot sa mga mata ko ang pawis sa kanyang noo.

"You look so tense," ani ko.

Nagsalubong bigla ang kanyang mga kilay.

"Tense? Bakit naman ako matitense?"

I shrugged then said, "I don't know Arianna, pero ito lang ang masasabi ko..."

Duon ko ininom ang tubig na nasa kamay ko saka tumayo.

"Alam kong hindi aksidente ang nangyari sa'ken Arianna. Kaya't kung kailangan kong maghukay para lang malaman ang totoo, 'yun ang gagawin ko," dun ako humakbang paalis, pero bigla siyang nagsalita kaya't agad rin akong napatigil.

"Good luck sa paghuhukay mo Sis, sana lang may mahanap ka."

Muli ko siyang hinarap.

"Salamat ha.Pero oras na may mahukay ako, ililibing ko lahat ng taong may kasalanan sa'ken sa hukay na ginawa ko."

***

"Dad, can we talk?" bungad ko sa dad ni Alliah nang makapasok ako sa luob ng kanyang opisina.

Ang Sumpa ni Miss PiggyWhere stories live. Discover now