Promise

172 28 1
                                    

PROMISE

A CAMBIO AU

6 YEARS AGO


"Nakakapagod mag med school, ang sarap nalang maging hotdog!" Bulong ko sa sarili ko pero sa kasamang palad ay narinig iyon ni Agnes.

"Alam mo Camila, nakakapagod naman kasi talaga ang pag-aaral medicine pero walang nagsabi sayo na tumakbo ka pang student council president. Edi ano ka ngayon, nagaaral at naghahandle ka ng student government ng school." Sagot naman niya sa akin.

"Biro lang naman kasi yang pagtakbo ko sa council, bakit ba ako nanalo?" Angal ko naman.

Inirapan nya ako bago siya sumagot.

"Minsan hindi ko alam kung matalino ka ba talaga or tanga ka. Malamang Dela Torre ka kasi, kahit hindi ka na nangampanya siguro noong campaign period eh malamang mananalo ka pa rin."

"Eh kung boyfriend nalang kasi ang hinahanap mo at hindi ka naghanap ng posisyon sa council edi malamang ngayon may katulong ka na sa acads mo." Asar niya pa sa akin.

"Anong boyfriend boyfriend? Ayoko ng boyfriend, sakit lang sa ulo yang mga yan." Sagot ko naman sa kanya at umirap.

"Come on naman Camila, last sem na natin as students pero wala ka paring boyfriend. Balak mo bang maging single rich tita ng mga Dela Torre ha?"

Bago pa ako makasagot sa mga birada niya ay bigla akong may naka banggaan dahilan para mahulog ang dala dala kong mga libro.

Panay hingi nang tawad yung nakabunggo sa akin habang tinutulungan niya akong pulutin yung mga nahulog ko na libro.

"Sorry, wasn't looking where I was going." Pag hingi niya ng tawad sa akin.

Mukhang kaedad lang siya namin ni Agnes pero hindi ko mamukhaan ang mukha niya. Parang ngayon ko lang siya nakita dito sa school.

"By the way, the name's Fabio, Fabio Serrano and you are?" Paglalahad niya ng kamay sa akin.

"Camila, Camila Dela Torre." Sagot ko naman at nakipagkamay sa kanya.

"And kaibigan ko nga pala si Agnes." Turo ng isa kong kamay kay Agnes para ipakilala kay Fabio.

"Nice to meet you, Fabio." Matamis na saad ni Agnes.

Don't tell me na type niya si Fabio?!

Napatingin muna si Fabio sa relo niya bago ulit tumingin sa amin.

"Mauuna na ako sa inyo, malelate na ako sa klase ko."

"See ya around dito sa campus." Saad ko ng medyo malakas para marinig niya dahil naglalakad na siya palayo sa akin.

Tumigil naman siya sa paglalakad at lumingon sa amin. Kumaway at ngumiti pa siya sa amin bago siya nagpatuloy sa pagpunta niya sa klase niya.

Ngumiti rin naman ako bilang tugon doon sa mga ngiti niya.

Paglingon ko kay Agnes ay nakangisi siya sa akin na parang tanga kaya naman napataas ako ng kilay sa kanya.

"What's the face for?" Tanong ko sa kanya.

"Mukhang type mo si Fabio ah."

Hindi pa rin nawala ang ngisi sa mukha niya at tumaas baba pa ang mga kilay tila nang-aasar pa siya sa akin.

"Hindi noh, I'm just being nice to him, malisyosa ka lang talaga Agnes." Sagot ko sa pang-aasar niya.

"Binabawi ko kanyang sinabi ko kanina na magiging single rich tita ka lang ng mga Dela Torre dahil mukhang ibang apelyido na ang dadalhin mo in the future." Pang-aasar niya sa akin layo kaya naman inirapan ko nalang siya at hindi pinansin.

ALTERNATE UNIVERSE ONE SHOTSWhere stories live. Discover now