Chapter Eleven: Subconsciously Planning the Plan

201 17 4
                                    

Dave's POV


Hindi ko na maintindihan ang nangyayari ngayon sa harapan ko.

Tila bumagal ang oras at naging mabigat ang paghinga ko dahil sa aking narinig mula sa bibig ng kaibigan ni Trish.

What's happening?

"Ano? Paki-ulit nga Stella? S-sinabi mo bang si A-angela ang may pakana kasama si Drake?" halata na sa tono ng pagtanong ni Trish na galit siya kung bakit kasama yung Angela daw.

Kaibigan niya din ba?

"Oo, at siguradong sigurado akong sila ang may pakana ng lahat ng ito lalo na ang kapatid mo!" Lahat kami napatahimik dahil sa lakas ng boses niyang sigaw kay Trish.

Wait- kung totoo ang sinasabi nila?

Bakit naman iyon gagawin ng dalawang taong nabanggit sa amin ni Stella na siyang may pakana sa issue namin bakit nagkalat?

Wala naman kaming atraso ata sa kanila at kapatid siya ni Trish?

May sama ba siyang loob sa kanya kaya ganun na lang ginawa niya?

Bakit? Anong ginawa ni Trish sa kanya bakit ganun na lang ang iginanti niya?

Nakita naman naming nabigla din si Angela na parang natulala sa mga pinagsasasabi ni Stella, na siyang nagsabi sa lahat na revelations na nalaman naming lahat ngayon.

"Oh? Bat hindi ka makapagsalita ngayon Angela? Natabasan na ba agad dila mo? Naputol ba?"

"Stella ano ba? Tama na yan!"

Lahat ay mas lalong nabigla nang pigilan na ni Trish ang pagsasatsat ni Stella patungkol sa nangyari.

"Oh hayan! At diyan ka nanaman Trish! Ang bait mo talaga no? Kaya sa sobrang bait mo pati, sarili mo ay napapabayaan na at mas nakikita at napoprotektahan mo yung umaapak pa sayo!" pagkatapos magsalita nung kaibigan niyang si Stella ay sabay na nagwalk-out ito.

Nagkaroon na ng awkwardness kaya umalis na din ang iba. Pero nandito pa din ako at napatulala lang sa nangyari. Like, why is this happening?

"What the freak just happened?" sinamaan ko naman ng tingin ang nagsalitang si Blake.

Boyfriend ba talaga or fianceè ito ni Trish? Bakit parang may masamang kutob ako sa kanya?

Should I make move or something?

"Anyways, hindi pa tayo tapos. Magtutuos pa tayo!" hindi ko na lang siya sinagot kase, ayoko ng gumawa ng issue kagaya ng nangyari kanina at baka madagdagan pa ang issue na nagawa namin. Ayoko ng may mahirapan pa.

Malakas na binangga niya ang balikat niya sa akin, at napapikit na lang ako sa inis na baka masuntok ko pa siya.

Pero, nauuna na ang awareness sa aking isip at pinapagawa ito sa katawan at sistema ko.

I don't know what to do anymore.

Kahit gusto ko man lapitan si Trish para, pakalmahin ay hindi ko na magawa dahil, napapansin kong bawat lapit ko sa kanya ay may nangyayaring masama.

May nasasaktan at may nasusugatan at si Trish ang napapasalo ng lahat na sakit na nagagawa ko o isa man sa amin. Tiningnan ko na lang ang mga kaibigan niyang pinapakalma na siya dahil, ang kapatid niya ay hindi makapagsalita sa harap niya.

Trish, I want to hold you.

I want to be with you every single time.

I want to comfort you with my words and warm hugs.

Dave & Trish & Blake [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon