Chapter Twenty: Maybe it was not for me?

159 6 0
                                    

Dave's POV


Napatingin ako sa babaeng hindi dapat makaranas ng mga naririnig niya ngayon at kailangan niya pang malaman. Hindi ko maintindihan bakit ganun ang naging trato nila kay Trish, yet she did it all.

I never thought that would not make sense after she just did everything for them.

"Trish..." I whispered softly in the air, habang naiiyak na ang nakatulalang si Trish. Pinapakinggan niya pa din ang nagsasalitang umaamin niyang kapatid.

"Angela, please tell me this is not true. Tell me this is not —"

"Ate naman oh? Sa tingin mo ba boba ako para, sabihing hindi totoo? Sinabi ko na nga diba na pagod na kase  akong gawan ka ng dahilan kay Mama at Papa makatakas lang sa mga pinapagawa nila. Lalo na nung nakilala mo si Dave ay dun ka mas naging agresibo sa mga desisyon mo! Halos hindi mo na maisip ang tama sa mali. Magawa lang ang dapat na gawin mo diba? Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na gawin ang dapat na gawin ko para manahimik ka na!"

"O para mas utusan pa ako nina Papa para, sa set-up marriage na ito? Huwag mo sabihin sa aking natuwa ka pa habang pinapanood mo akong pagalitan nila?"

"Hindi lang ako natuwa Ate. Naramdaman kong nakawala na ako sa thought na dapat ka talagang sabihan. Teka? Dapat nga diba na pumayag ka sa mga pinapagawa nila. Gawin mo talaga iyon para, mabayaran niyo ng Mama mo ang lahat na sakit sa ulo na binigay niyo sa Mama ko! So, naintindihan mo na ang lahat?"

"O baka ikaw ang may hindi pa naiintindihan Angela? Huwag kang magpadalos-dalos sa pagsalita mo kase, wala kang alam. Wala kang alam sa buhay ko..."

"Hindi ate. Dahil sa ganyan mong ugali mas lumalabas ang tunay na ikaw at baho mo!"

"Angela, sana ma-realize mo someday na kailanman ay wala akong nagawa ng masama sayo para, sa ikabubuti ko. Sana lunukin mo lang ang mga pinagsasasabi mo sa akin ngayon," mabilis na umalis si Trish sa eksena pagkatapos sumbatan ang kapatid.

I can't believe that this need to happen. A while ago was very heartbreaking and yet now?

The pain is now seeking around us.

"Trish!" nag-aalalang tawag ng mga kaibigan niya, habang ako ay gusto na din lamang siyang sundan.

Gusto ko siyang samahan na umalis na lamang dito, knowing that almost all of her friends betrayed her.

But, it's also my fault bakit naging ganito ang buhay niya.

Why they did something so horrible to her? Kung hindi ko sana hinalikan siya sa kumalat na video ay wala sanang nagtatalo ngayon.

Okay sana ang lahat sa amin.

Hindi ko natiis at hinabol ko ang lumalayong si Trish.

"Trish, stop!" I call her but she didn't stop. Hindi niya ako nilingon.

"Trish, tumigil ka!" mabilis na nakuha ko ang braso niya. Nang maiharap ko siya sa akin ay nakita ko agad ang mukha niya na puno na ng luha. Hindi ko agad malaman ang gagawin nung nakita ko iyon.

Umiiyak na siya ng mararamdaman mo ang sakit sa paghikbi niya ng mapayakap siya sa akin. Naawa naman ako bigla ng halos marinig ko na ang sakit sa pagtangis niya.

"Trish, taha na. Everything's gonna be alright..." tinapik-tapik ko ang balikat niya ng naiyak pa siya dahil sa pagpapataha ko.

Imbes na siya lang ang masaktan sa oras na iyon ay pati ako ay nasasaktan din dahil sa nararamdaman niya ngayon.

Hindi ko man alam ang gagawin pero, susubukan kong may magawa para sa kanya dahil kasalanan ko din naman ito.

"Shhh...don't cry. I know you can do this. I'll help you out with this one," tumulo na nga ang luha ko sa oras na iyon. Napakapit din siyang mahigpit sa akin, at mas napayakap pa dahil iyak pa din siyang iyak.

Hindi ko naman alam bakit nagawa ko ang susunod na nangyari.

Hinalikan ko ang kanyang noo habang, dumampi na ang malamig na hangin sa aming mga balat. Napatingala naman siya sa akin, pagkatapos kong gawin iyon. Kitang-kita ang pagkalito sa kanyang mga mata.

Sa tingin ko ay hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

"Dave, please n-no. Don't do this please..."

"Trish. Its not what you think. I'm just trying to calm you down. I'm just —"

"Tell me, is there a reason why you see something in our relationship? B-bakit...bakit kailangan ay ikaw ang nakita ko at hindi si Blake?" Hindi ko halos malaman ang sasabihin dahil sa sinabi niya.

Sinasabi niya na bakit hindi si Blake ang magawa niyang seryosohin at hindi ako?

Pang-una pa lamang ay alam ko ng may ka-set up marriage siya. Pero, hindi ko akalaing si Blake iyon na nakakalaban ko na sa tournaments.

"W-why are you asking that?"

"I'm asking this because, I had to. Now tell me why?" kahit may luha pa sa mga mata niya ay siyang buong tapang na hinarap niya akong tinatanong ang hindi ko inaasahan na maririnig ko ngayon mula mismo sa bibig niya. Aaminin kong nasaktan ang puso ko.

"Dave, answer me..."

"Paano ko iyan masasagutan, kung ikaw lamang mismo ang makakasagot sa tanong mong iyan? Trish, bakit nga ako? At ako kung tatanungin mo? Hindi ko kinuwestiyon kailanman kung bakit ikaw ang tinitibok ng puso ko ngayon. Halos isumpa ko through all this years na sana..." napalunok pa ako bago naipahayag sa kanya ang susunod na sasabihin.

"Sana, mahanap kita. S-sana ay mahanap pa kita, kase I'm willing to give up everything kahit, alam kong ikakasakit pa ng puso ko. Y-yun ang dahilan sa akin kung bakit — bakit ikaw ang nasa puso ko." hindi ko na halos mailunok ang sariling laway pagkatapos maamin ang mga salitang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.

Mga dahilan kung bakit ko siya mahal.

"Dave. Then me? It was you because I had to. My heart chose to love you yet it was..." mas nilapit pa niya ang sarili niya sa akin, habang blanko na ang mukha.

Hindi ko nagustuhan ang naging timpla ng mukha niya, kaya alam ko na agad ang susunod niyang sasabihin sa akin. "It turns out that it was my biggest mistake to love you. To be loved by you..." mariin na dinuro niya pa ang dibdib ko na simbolo na she mean it what she just confessed to me right now.

Nakatulala naman akong naiiyak habang tinitingnan siyang humakbang palayo. While she was walking away from me, I remember on how she also runaway from me.

That day wherein alam kong iniwan niya ako. 

That day wherein alam kong mas pinili niya ang nararapat niyang gawin.

That day wherein mas na-motivate ako sa paniniwala na if magkatagpo kami ulit, ay siyang gagawa ang tadhana ng paraan para mangyari iyon sa amin.

At nangyari nga ngayon pero...

That belief made her turn to think that it was her biggest mistake while for me...

It was my biggest moment through all my life.

At dahil sa nangyari sa gabing iyon, ay nandun ako at nakatayo lamang. Iniisip na baka hindi talaga siya para sa akin dahil sa kahit ano mang round ng lovelife ko sa buong buhay ko.

Maybe it was not for me?

I always get the zero point. I was made to love and not to be loved.

Dave & Trish & Blake [ON-GOING]Where stories live. Discover now