COD 1

299 14 4
                                    

Annika Louve Gonzales
•Active Now

MON AT 12:30 PM

Annika:
Yaman, may data pala si u?

Erich:
So bakit mo alam?

Annika:
Kasi nakapag-order kami ni bunch ko online hehe :)

You know, 3rd monthsary namin kaya there's a celebration🎉 kahit tayo-tayo lang naman, 'di ba?

Erich:
What again?

You mean nag-order kayo gamit ang account ko?

Talaga ba?

Annika:
Yes powz! Tingnan mo nga kung ilang minutes pa bago ma-deliver.

Pls naman hehe.

Erich:
Fifteen minutes raw.

Teka, nasaan ang bayad nito?

At bakit name at contact info ko ginamit ninyo, aber?

Annika:
Malapit na pala dumating.
Nakalimutan ko kasing e change tapos na place order na namin hehe.
Don't ya worry, 'di naman masyadong kamahalan 'yon dahil may ginamit kaming discount voucher.

Erich:
Ang talaga ba?!

Ako pa talaga ang pababayarin no'ng mga in-order niyo?

Annika:
Bayaran mo na muna kasi may nilakad pa kami ni bunch ko.

Tinawagan siya bigla ng Papa niya na mamili ng supplies para sa inaayos nilang bahay.

Erich:
Eh kung sinabay niyo na lang ang pagbili niyo at nang 'di na kayo nag-order online.

'Di ba?😕

Annika:
Pero hardware kasi pinuntahan namin, yaman.
Walang food do'n.

Erich:
Pake ko?

Nag-iwan sana kayo ng pambayad po.

Alam niyo namang nawalan na nga ako ng trabaho, it means wala akong pera as of now!! Namumulubi na po ang tao!

Annika:
HB ka, teh? Sorry na nga, nakalimutan kasi namin.
Saka 'wag kang mag-alala, babayaran ka namin pagkabalik namin d'yan, agad-agad! Sure talaga!

Lablab ka namin, yaman!😘 See ya later, teh!

Seen

Care of Destiny (Epistolary)Where stories live. Discover now