COD 58

87 3 0
                                    

Love💖
+639123567917

12/16/2019 Mon 3:47 AM

Isaac:
Good morning, love🥰

Papunta ka na ng church?

Erich:
Good morning😊 yes
Love, kita nalang tayo mamayang umaga

Isaac:
Di ba pwedeng now na?🥺

Erich:
Atat ka talagang makita ako no?🙄

Isaac:
Hehe syempre naman, ikaw na yan eh

Doon nalang din ako magsisimba

Erich:
But it would take time for you

Isaac:
Papunta na nga ako dyan sa inyo eh😓

Erich:
Ay advance ka talaga mag-isip no?

Isaac:
I just badly want to be with you😔

Erich:
Isaac naman eh, madaling araw pa pero gumaganyan ka na

Isaac:
Kinilig ka?😂
Sorry na, di ko matiis fiance ko
At ikaw yon Erich Joyce

Erich:
Luh, sino yon? Ibang babae mo?

Isaac:
Pst, bawal yan!
Bukod sa mga magulang at kapamilya, ikaw lang ang tanging babaeng minahal, minamahal at mamahalin ko

Erich:
Pa mahal-mahal ka pang nalalaman dyan ah😌
Pero, mahal din kita yie!

Isaac:
Wala na, tiklop na talaga ako
Ba't ba naman kasi nasa entrance palang kami

Erich:
Hala, ang bilis
Sasakyan dala mo pala?
Kaya ka nakakapag text sakin ngayon?

Isaac:
Yes, love kasi alam ko namang magagalit ka kapag mag gagadget ako while driving
I've already done that and know the lesson

Erich:
Opo, mabuti yan kasi baka gustuhin mo na namang muntik na masalpok sa poste?

Isaac:
Hindi na nga, sorry na
Medyo kumirot nga binti ko ngayon

Erich:
Ha? Bakit?
Yan ba yong na aksidente?
Di ba umiinom ka naman ng gamot nyan?

Isaac:
Joke lang, love
Dadrama sana ako para makahingi ng kisspirin at yakapsule mamaya pero grabe ka naman makareact
Sorry, my lovee🥺

Erich:
ISAAC!
HINDI MAGANDANG BIRO YON😡

Isaac:
Kaya nga sorry na, love
Nasa labas na ako, baka naman pwede kitang makita?

Erich:
Pasok

Isaac:
Hala
Galit ka? O nagtatampo?
Sorry na talaga, love
Erich Joyce😢
Sorry

Erich:
Sinong nang nasa baba?

Isaac:
Sina Tita at kapatid mo pa naman
Pero sorry talaga, love😟

Erich:
Usap tayo pagkababa ko😒
Mag-aayos muna ako saglit, pakisabi nalang din kay Mama

Isaac:
Okay,  love
Pero no need mo nang mag-ayos pa o magpaganda kasi you're already that gorgeous inside and out

Erich:
Mambobola talaga, hays

Isaac:
Love naman
Nagsasabi lang ako ng totoo

Erich:
Ah, kaya pala

Isaac:
I'm really sorry, love
Hindi ko talaga intensyon na pag-aalahanin ka

Erich:
Charot
HAHAHAHAHA
Asa ka naman😏🙄

Isaac:
What?
So okay na tayo?

Erich:
Ayaw mo ba?

Isaac:
Syempre naman gusto
Matagal ka pa daw, ipinapatanong ni Tita
Excited na rin ako hehe
Love you, Erich Joyce

Erich:
Sus!
Bababa na po
Nado saranghaeyo!😘

Care of Destiny (Epistolary)Where stories live. Discover now