COD 2

241 12 7
                                    

Incoming Call
Unknown Number
+639123567917

Caller:
Hello?

Erich:
Hello?


Caller:
Is this Miss Erich Joyce Marturillas?

Erich:
Yes, speaking.

Caller:
Miss, ako po ang food delivery rider n'yo.
Mga five minutes po, I'll be arriving at the pinned location.

Erich:
What? Five minutes?!
Teka lang ...

Caller:
Miss Erich? Tatawagan ko na lang kayo ulit kung malapit na talaga ako sa inyo.
Paki-prepare na lang po ng 475 pesos all in all. Sala-

Erich:
Teka! Wait! 'Wag mo munang ibababa, 475 ba kamo? Bakit ang mahal?

Caller:
Po? 'Yan po ang total amount ng orders mo.

Actually, 575 ang original total amount pero sa ginamit mong discount voucher worth of 100 kaya less 100 na.

May problema po ba?

Erich:
Eh, hindi naman ako ang nag-order n'yan! Ginamit lang 'tong account at info ko.

May problema nga ako!

Caller:
Ay, sorry po talaga pero kailangan ko nang ibaba ang call. Tatawag pa po ako ng ibang customer.

Erich:
'Wag nga munaaa! I mean, 'wag ka munang pumunta rito.

May malaking problema pa ako!

Caller:
Oh, okay. Buti na lang unli call 'to.

Ah, eh, hindi sa nangingialam ako pero ano ba ang problema mo na pinoproblema mo?

Erich:
Wala akong pera...

Caller:
Ha?

Erich:
Gwapo sana ang boses, bingi lang.

Caller:
Gwapo naman talaga ako Miss, 'di lang boses.

Pero anong sabi mo? Wala kang pera? Bakit?

Erich:
Oo nga, paulit-ulit?
Wala, as in I have nothing.


Caller:
Paano na 'yan? Eh, papunta na nga ako sa address na nilagay mo... I mean ng nag-order nito kung hindi naman pala ikaw.

Erich:
Ewan, 'wag ka na muna pumunta rito, sa ibang delivery mo na muna.
Please lang po.

Caller:
Pero medyo malayo pa ang susunod kong delivery kaya unahin na kita.

Humiram ka muna sa kakilala mo ng pambayad.

Erich:
Wala akong mahihiraman.

'Di ko close mga tao rito. 'Wag kana nga muna pumunta.

Caller:
Pero nasa terminal na ako. Out of way na ito sa next delivery ko.

Erich:
OMG! Malapit ka na nga! Saan ako kukuha ng pangbayad n'yan?

Singkwenta pesos lang pera ko.

Putspa naman oh, dinamay pa ako sa celebration-celebration nila. Nas-stress na tuloy ako.

Caller:
Miss, chill ka lang. Magagawan natin 'to ng paraan. Subukan mo lang tingnan ulit lahat ng pinaglalagyan mo ng pera mo. Sa purse o wallet mo, baka may nakasuksok lang.

Malay mo naman, 'di ba?

Erich:
Dami mong alam.

'Di ba nagd-drive ka? Bakit nagtatawag ka? Bawal kaya ang using gadgets while driving.

Caller:
Miss, nakalimutan mo na bang ikaw ang nagpipigil sa'kin na ibaba 'tong tawag? Sinusunod lang kita kasi "customers are always right daw."

Erich:
Ah, masunurin ka po pala.

Caller:
Saka stop pa naman ang traffic lights at naka-earphones ako.

Teka, bakit ba ako nag-e-explain sa 'yo?

Erich:
Sus, takot ka lang isumbong kita sa pulis.

Caller:
Pero parang nauuto mo na ako, Miss ah para lang matagalan ako r'yan.

Wala nang makakapigil sa'kin, malapit na talaga.

Erich:
Edi malapit.

Caller:
Nasa chapel na ako, Miss. Nasaan ka na?

Erich:
Ha? Chapel? Anong chapel?

Caller:
Sto. Niño Chapel.

Erich:
Gosh! Nasa apartment pa lang ako.

Wait lang. Wala nga akong pera pambayad n'yan eh.

Caller:
Taray, naka apartment. Sige, punta ka na lang dito, Miss.

Erich:
Ha? Bakit? Eh wala nga akong pambayad n'yan eh. Buti sana kung singkwenta pesos lang lahat ng iyan.

Caller:
Bahala na, basta kunin mo 'to. 'Wag mo kong takbuhan ha.

Erich:
Okay, sige. Papunta na ako.

Caller:
Miss, nasaan kana ba? Kanina pa ako rito, mainit na. Matagal ka pa ba? Basta 'wag na 'wag mo 'kong takbuhan o taguan. Remember, info mo ang naka-register dito.

Erich:
Oo na oo na, blackmailer!

Caller:
Excuse me lang, Miss. Ibaba ko muna 'to. Something come up urgent.

Call Ended

Care of Destiny (Epistolary)Where stories live. Discover now