COD 17

118 4 0
                                    

+639123567917

7/19/2019 Fri 8:21 AM

Unknown:
Na receive mo na ba ang load? Sorry if ngayon lang kita na loadan, may inasikaso lang kahapon kaya nawala sa isip ko. It's better to be late than never naman?

Erich:
SML?

Unknown:
Ayy, attitude ka ha! Akala mo ba nakalimutan ko na 'yong mga pinaggagagawa mo before?

Erich:
Wala akong ginawa noon 'no!

Unknown:
Oh, talaga?

Erich:
Talagang-talaga!

Unknown:
Ah, ano pala 'yung malakas na pagkakasabi mo sa harap ng mga schoolmates natin ng "Mr. Gleaming Smile si crush ko"?

Saka 'yung pagdaan mo kada umaga sa room namin kahit nasa kabilang side lang naman ang room nyo?

'Di ka halatang nagpapapansin ka sa'kin :)

Erich:
Ginawa ko 'yon?

Really?

Lakas mo rin mambintang no? Baka napagkamalan mo lang na ako 'yon. Kailan ko ginawa?

Masama ang mambintang sa kapwa.

Unknown:
Lakas mo rin magdeny, EJ!

Aminin mo na kasi na may gusto ka sa'kin before at baka hanggang ngayon.

Erich:
I don't even like you.

Unknown:
Weh? In-accept mo nga agad ang friend request ko sa fb, halatang gusto mo akong maging more than friend.

Erich:
Ah, edi unfriend na lang kita. 'Yun ba gusto mo? I'm just being considerate lang naman kasi nag-add ka. Assuming mo naman pala masyado.

Unknown:
Hoy, seryoso ka pala sa pag-unfriend sa'kin?

Sorry na, EJ. Confirm mo na ulit. Please

'Di pa kasi ako tapos sa pagtingin tingin sa posts at photos mo.

Erich:
Ew, stalker.

And you're even revealing your true self!

Unknown:
Hindi kaya, tinitignan ko lang ganap mo for the past 6 years.

Ang tagal na rin pala nating 'di nag-usap at nagkita 'no?

Pero I saw you last Monday, wala pa ring nagbago sayo. Maybe?

Ang cute mo pa rin.

Erich:
Of course.

Unknown:
Ng height mo.

'Di pa ako tapos sa sentence ko

Ulitin ko lang to clarify.

Ang cute pa rin ng height mo, EJ😂 Buhok mo lang ang tumaas, infairness.

Erich:
Kahit 'di kita nakita, alam kong wala ring nagbago sayo.

Unknown:
Alin do'n? Kagwapohan ko, syempre!

Kahit nga boses ko sinabihan mong gwapo. Tatanggi pa ba ako?

Patay na patay ka pa rin sa'kin 'no?

Erich:
Assuming ka rin.

'Di mo ba alam ang existence ng sarcasm? Duh.

Assuming mo talaga😂

Unknown:
Hala 'yang iconic duh mo, alam kong may kasamang irap 'yan malamang.

'Wag kang masyadong umirap, Miss baka lumuwa eyeballs mo.

Sayang ang pagka hawk-eyed mo.

Erich:
Sinasabi na nga eh, 'yang ugali mo 'di pa rin nagbabago.

Mapang-asar ka! Bully ka pa rin, sako!

Unknown:
Waw, 'di mo pa rin pala nakakalimutan tawag mo sa'kin? Just like those memorable days.

E, kung ikaw kaya isako ko?

Erich:
Kung kaya mo!

Isusumbong kita sa Gabriella, women's discrimination 'yon.

Unknown:
Women ka pala?

Pero joke lang naman, baka kasi totohanin mo. Hindi ko alam na sobrang seryoso mo na pala mag-isip sa buhay.

Huwag EJ, ples.

Erich:
Takot ka pala eh.

Unknown:
Ikaw din kaya, takot lang mahulog sa'kin noon.

Pero ako, nahulog.

Este hulog na hulog na sayo pero 'di mo sinalo.

#pighati:(

Care of Destiny (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon