COD 16

148 5 0
                                    

Ellysa Melle Fuentebella
•Active Now

THUR AT 10:41 PM

Ellysa, nag-iisa:
Hey there, Erich Joyce!

Here's my promise earlier about how will you remember Ms. Hawk Eyed and Mr. Gleaming Smile.

Aren't you excited?

Where should I start ba?

Joyce, my Joy:
Hoy, Ellysa, anong pinaplano mo?

'Wag ka nang mag-abala pang alalahanin ang nakaraan.

Past is past. Let bygones be bygones.


Ellysa, nag-iisa:
Bygone katol?

Joyce, my Joy:
Gagiii HAHAHAHA BAYGON 'yong katol.

Ellysa, nag-iisa:
Hahahahaha, ikr.

Okay, I'll start no'ng third year highschool intrams na lang since do'n naman talaga nagsimula ng exciting moments.

Joyce, my Joy:
No way, lays :(

Ellysa is typing..

Ellysa is typing...

Ellysa is typing...

Joyce, my Joy:
Hoy lays, kanina pa 'yang typing mo.

Gaano ba kahaba tina-type mo?

Ellysa, nag-iisa:
It was on the month of August since that was the month of intramurals celebration ng school. Sumali tayo no'n sa badminton try-out for the sake of additional points kasi nangamote tayo sa isang quiz no'n tapos pambawi natin ang plus points para 'di mababa ang grades natin if ever.

I already know how to play the game pero ikaw, nagpursigi ka talagang matuto hanggang sa umabot tayo sa event mismo during intrams. That was my proudest moment of you, para akong stage mom mo no'n. Kahit olats team natin, they still congratulated us lalo na ang mga ka year level natin and isa sa kanila si Isaac, right? He's on the basketball team together with my dearest pinsan na si Joshua na may crush sayo, SANA ALL lang naman masasabi ko sa'yo, fren.

Noong nanood tayo ng game nila sa coliseum, sabi mo may nakita kang gwapong naglalaro. Kaya syempre ako na partner mo sa handsome looking guys hunting, inalam ko agad lahat ng team members ng basketball sa year natin. Nahirapan nga akong makahingi ng info kay Joshua kasi mautak din 'yon, nanghihingi ng kapalit related sa'yo.

You know, I'll confess na rin to ngayon since tapos na naman hahahahahha. Kapalit ng infos ng bplayers, pinasahan ko ng mga selfies mo si pinsan. Hehe sorry talaga, Joys. 'Yun lang paraan ko para mapapayag ang timang eh.

Then 'yun na nga, alam na natin name at sections nila pero si Isaac lang pala ang ibig mong sabihin. Kung tinuro mo sana mismo siya no'ng intrams, edi masasali ko sana kayo sa marriage booth. Kasal na sana kayo HAHAHAHAHAHA.

Palagi ka rin dumadaan sa room nila kahit sa kabila lang naman 'yung atin. Ganoon lang ang effort mo no'n, gurl at nagde-detour ka pa talaga para makita mo lang siya. May pasabi ka pang 'buo na ang araw ko, makita ko lang siya lalo na kung nakangiti'.

Then the prom night has come. It was on March 15, 2012, unforgettable day 'yon, lalo na sayo kasi birthday mo 'yon, sis. Sabi mo pa nga na parang cinelebrate ng lahat ng schoolmates natin ang kaarawan mo in a grand way. Kaya naka blue gown ka no'n at ako naka yellow, para tayong si Cinderella at Belle. Fairytale princesses lang ang peg na kulang ng prince charming.

Then the night ends with the announcement of awards. 'Di syempre mawawala ang Mr. & Ms. Prom King and Queen ng batch natin. Nagbotohan na no'n, alam mo bang nagrecruit ako ng kung sino-sino para lang mabigyan ka ng chance para sa pagpipiliang Ms. Prom Queen? Para naman makapartner mo si Prince Isaac mo sa special day mo pero unfortunately, hanggang third place lang ng voting inabot mo gurl huhu.

But may special awards no'n and unexpecteded 'yon. Lakas ng head, may pasabog pala. Halos napaluha ka nga no'n kasi nasali tayong dalawa. Yiee pero congrats Ms. Charming Lady😍 So, pinapunta na nga tayo in front lahat nang may awards for the picture taking kemerot. Halos hakot na ni Isaac at ibang ka team mates niya ang special awards kasi naman, pinaghandaan talaga nila at ginalingan. Last award ay ang Mr. Genuine Smile na kay Isaac napunta.

Pero ikaw na si medyo mahina ang pandinig na dahil sa loud music sabi mo nga, Mr. Gleaming ang dinig mo. Napalakas ang pag voice out mo teh at sa kasamaang palad, nag-stop ang music. Boses mo rin kasi eh, parang naka megaphone lagi kaya narinig ng halos marami. Narinig nga mismo ni Isaac at tumitig siya sa'yo, then that started your love story like a fairytale.💞

Joyce, my Joy:
Hala, ang effort mo naman sa pa-type na 'yan.

Pero tama na, Ellyysa! Di ko kayang balikan ang kahihiyang 'yon.

Ellysa, nag-iisa:
Syempre, basta para sa'yo.

Joyce, my Joy:
Ang laban na 'to.

Ellysa, nag-iisa:
Ay sira HAHAHAHAHA

Pero na enjoy ko rin ang pag-reminisce ko sa inyo before.

Joyce, my Joy:
Walang about samin kasi walang kami. Kaya awat na 'yang pagbabalik-tanaw.


Char, ang lalim naman ng salita ko.

Ellysa, nag-iisa:
Makata ka girl?

Pero ikaw nga ang nag-open up sa inyong dalawa eh.

Tinutulungan lang kitang makaalala sa mga masasayang araw ng kabataan.


Joyce, my Joy:
'Di ko na kailangang e reminisce pa. Ang gaga ko pala talaga since then😑


Ellysa, nag-iisa:
Here comes the nega Erich Joy😠Chupi ka nga, ibalik mo ang joy ni Joyce.


Joyce, my Joy:
'Yan na naman ang line na 'yan.

'Di mo pa rin pala nakakalimutan?

Ellysa, nag-iisa:
Hindi, kasi alam kong 'di mo rin makalimutan kasi si ano palaging nagsasabi ng line na 'yan. Number one fan kaya ako ninyong dalawa.


Joyce, my joy:
Huhu kalimutan mo na sabi. Mabuti pa matulog ka na, ays.
M

ay pasok ka pa bukas.


Ellysa, nag-iisa:
Gusto ko pa nga sana dugtungan 'yung narration ko kaso inaantok na rin ako.

Joyce, my Joy:
Kaya nga matulog at magpahinga kana. Ilang oras na lang din ang itutulog mo.


Good night, my Ellysa😘 Sweet dreams


Seen

Care of Destiny (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon