COD 9

159 7 0
                                    

+639123567917
7/18/2019 Thu 12:11 PM

Unknown:
Miss Erich!

Erich:
Ikaw ba 'to?

Unknown:
Oo, ako nga 'to. Ang future husband mo!

Erich:

Ha? Baka wrong send ka po.

Unknown:
Hindi 'no HAHAHAHA.
Pero ako nga 'to 'yong inutangan mo no'ng Monday, Miss.
'Yung ka noontime talk mo rin.

Erich:
Anong noontime talk?
You're weird, tho😑

Unknown:
Tanghaling tapat kaya tayo nag-usap on call no'n kaya noontime. Saka, 'di ko 'yon makakalimutan, tingnan mo pa sa call history mo. Please don't deny.

Erich:
Oo na, bakit ba?
Sisingilin mo na ako sa 475? Ipapadala ko na lang mamaya, gawin ko nang 500.

Unknown:
Wow, galante mo naman Miss. Rebisco ka ba?

Erich:
Ha?

Unknown:
May pasobra ka kasing nalalaman. Pero halata naman sa pangalan mo eRICH, eMayaman.

Erich:
Ha? Ha ha ha

Funny ka na n'yan?

Unknown:
Tumatawa ka? Wala naman 'tong support. Nakakasama ka naman ng sense of humor ko.

Erich:
'Di ba halata? Kasi yung joke mo hindi pero tinawanan ko na, pang moral support lang sayo ba!

Unknown:
Ay, ang supportive mo naman pala, Missis.
Miss*

Erich:
Saan ko ba ipapadala? Sa Palawan, Cebuana, MLhullier?


Unknown:
Sa bahay namin, pwede ba?

Erich:
Sira ka ba? Bahala ka nga kung ayaw mo. You're creepy.

Unknown:
Anong ayaw? Wala akong sinabing ayaw ah. Sa bahay nga namin mo ipadala. Send ko sayo address.

Saka hindi ako creepy, ah! I'm just trying to be a good friend here.

Erich:
Seryoso ka ba?

Friend ka diyan?

Unknown:
55 B- Lopez St.,Brgy. Sto. Niño.

Erich:
Teka, parang familiar ang address.

Unknown:
Talaga? Hmm baka coincidence?

Erich:
Wait, 'yan ang address dito sa apartment.

Unknown:
Oo nga, e bahay ko rin yan kasi riyan ka nakatira.

Erich:
Loko ka pala eh.

Gusto mo ba magka-record ng online harrassment?

Unknown:
Loko sayo hahahahaha
Pero d'yan lang 'yan, dadaanan na lang kita mamaya.

I mean 'yung bayad.

Malinis po ang intensyon ko, Miss Erich.

Erich:
Ayoko nga, niloloko mo lang ako. Pasalamat ka at may utang ako sa inyo kung hindi, kanina pa kita pina- pulis.

Unknown:
Bakit mo naman ako ipapa-pulis? Dahil ba ninakaw ko ang puso mo? Hehe

Erich:
😒 Ihuhulog ko na lang nga ito sa Palawan dahil 'yan lang malapit dito sa'min, 500 pesos ipapadala ko. Keep the change.

Salamat pala sa pagpapautang!

Care of Destiny (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon