COD 31

79 4 0
                                    

Isaac Tian Lopez
•Active Now

FRI AT 7:26 AM

Erich:
Salamat ulit!

Isaac:
Pang ilang ulit ka na bang nagpapasalamat? Para namang ako ang nagbigay ng buhay sa'yo niyan

Pero pwede rin, bagong buhay nating dalawa😯

Erich:
Ilang beses mo na rin kasi akong hinahatid-sundo with foods pa

Bagong buhay as FRIENDS 😊

Isaac:
Aray, bakit emphasized yung salitang friends? Pwede namang 'di mo e all caps eh😥

Erich:
Yung keyboard ko gumawa n'yan 😏

Isaac:
Sus, palusot ka lang

Erich:
Pero madadaanan mo lang ba talaga ang apartment or sinasadya mo talagang dumaan don? Tell me, sako

Isaac:
Gusto mo ba talagang malaman? Pwede kitang dalhin samin.

I mean sa shop, malapit lang din bahay namin don eh😅

Pwede ka ba bukas?

Erich:
May trabaho po ako, haler

Isaac:
Haler, 9 pa naman in mo 'di ba? Susunduin nalang kita ng madaling araw

Erich:
Hoy grabe ang aga naman, mga 7 nalang

Isaac:
Sige para ma treat naman kita ng breakfast

Erich:
Okay I'm in. Nakakaumay na kasi ang palaging egg recipes ko tuwing agahan HAHAHA

Isaac:
Sige, I'll personally prepare the food for you

Erich:
Naks naman, thank you Chef😊

Isaac:
Always for you, EJ😉

12:29 PM

Erich:
Hoooy, nagustuhan nila ang ipinadala mo😳

Isaac:
Talaga? Sorry, di sapat para sa inyo

Cancelled order kasi yon kaya 'di talaga sakto sa number ng kasama mo

Erich:
Ano ka ba, salamat at nakalibre raw

Oorder raw sila some other time, good ba 'yon?

Isaac:
Talaga? Good na good naman

Erich:
Nabusog at natakam sila sa pa free taste

Ikaw na daw kokotakin nila pag gusto nila ng pagkain

Isaac:
Sige ba, sabihin mo salamat ka mo

Thanks rin EJ ha! Kahit pakipot ka, nagiging casual na ang pakikitungo mo sa'kin. Feel ko comfortable ka na with me, 'di ba? Hehe😅

Erich:
What are friends for? And comfortable ka naman talaga kasama eh😉

Isaac:
Oo nga no, friends haha🙊

Erich:
Basta binigay ko sa kanila ang website niyo at number mo

Isaac:
Hala, baka ma famous ako d'yan😅

Erich:
Magiging famous kana kahit saan hahaha pati na rin ang foods n'yo😮

Isaac:
Sana pagkain nalang din ako

Erich:
Huh?

Isaac:
Para magustuhan mo rin ako😶

Erich:
HAHAHAHAHAHAHA gutom lang yan, sako

Kain ka na

Isaac:
Wag ka namang pa fall, EJ😲

Erich:
Ano bang nakakafall pag inaya o sinabihan na kumain?

Gawain din naman yan ng mga magulang natin, bakit ngayon keleg na keleg sila?

Isaac:
Kasi parang nakakakilig na may nag care sa eating habit mo

Erich:
Pati rin ikaw kinikilig don?

Isaac:
Sayo lang ako kinikilig😱

Hahaha mais

Erich:
🌽y

Isaac:
Sorry na

Kain nalang tayo 🌽

Care of Destiny (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon