COD 8

160 6 0
                                    

Mader Teresa
+639645315796
7/16/2019 Tue 10:15 AM

Erich:
Maa! Mader ko! Balik trabaho na ulit ako after 1 month na walang gawa!

Mader Teresa:
Buti naman 'yan, nak! 'Yung bayarin mo ba riyan nabayaran mo na ba?

Erich:
Yes po, ma. Huwag mo na 'yon alalahanin. Nagawan ko na naman po ng paraan.

Mader Teresa:
Basta kung may kailangan ka man lalo na kung pinansyal, sabihin mo lang sa 'min kay Papa mo. Wala nang hiya-hiya, ah.

Erich:
May pinagkakaabalahan naman ako last few weeks na kumikita rin ako kahit papaano.

Mader Teresa:
Anong pinagkakakitaan 'yan, Joyce? Baka illegal 'yan, ha?

Erich:
Ma naman, hindi 'no! Nag-part time tutor ako sa anak ng may-ari rito. Ang hirap nga turuan, parang si PJ lang noon.


Mader Teresa:
Ilang taon ba ang tinuturan mo?

Erich:
9 po ata 'yon, basta grade two na siya ngayon. Pero ngayon ay nagkakasundo na kaming dalawa. Sumusunod na siya sa mga tinuturo ko.


Mader Teresa
Mabuti naman 'yan, nak. Sabi ko naman sayo 'di ba na ituloy mo na ang natapos mong kurso. Mag-review ka na para sa susunod na board exam. Total nakaipon ka na rin naman para sa sarili mo.

Erich:
Ayaw ko pa, ma. Baka 'di lang ulit ako makapasa. Sayang ulit 'yung pinang-review ko.

Mader Teresa:
Joyce, kalimutan mo na ang kabiguan mong 'yon. Tapos at matagal na ang pangyayaring iyon.

Alam mo namang may dahilan ang lahat, 'di ba?

Erich:
Pero kasi po, ma, ang disappointment at discouragement, mahirap mawala  para sa akin. Baka siguro hindi para sa 'kin ang pagtuturo. Ang bobo ko lang talaga.

Mader Teresa:
Nak, 'yan kana naman. Dina-down mo na naman ang sarili mo.

Walang ginawang nilalang ang Maylikha na bobo. Iba-iba lang ng kakayahan at kapasidad ang bawat isa. Siguro, hindi mo pa no'n time to shine sa larangan ng pagtuturo. Not before or now, but maybe in the tomorrow, sooner or later. Just don't lose hope, Joyce anak. Kung hindi man nakatadhana sa iyo ang pagtuturo, baka parating ka na sa nais Niya para sa butihin kong anak.

Erich:
Thank you, ma.

Mader Teresa:
Just tell me or us when you're ready ulit. We are here to support you always and be proud of you, our unica hija.

Care of Destiny (Epistolary)Where stories live. Discover now