COD 4

218 9 4
                                    

Kulisaps

MON AT 1:26 PM

Erich the Rich:
You sent a photo.
😕😠😡😤

Bunch ni Jenniefer:
Hoy ano 'yan? Bakit ganyan emojis mo?

Erich the Rich:
Mga gagi kayo! Bwesit!😤

Anong gusto niyo? Maging masaya ako ha?!

Bunch ni Jenniefer:
Why oh why??

'Di ba sabi ko sayo bayaran mo muna.  Para naman tayong walang pinagsamahan.

Erich the Rich:
'Yun na nga eh, ako pinabayad niyo pero singkwenta pesos na lang pala ang pera ko rito.

'Di man lang kayo nahiya na ang mahal pala no'ng orders ninyo.

'Di pa pala ako nakapag-withdraw ng pera tapos COD 'yon.

Bunch ni Jenniefer:
Hala, pa'no na, beh?
-Jen dis.

Sorry, okay? Sorry.

Erich the Rich:
Pwe!

Buti na lang pinautang ako.

Bunch ni Jenniefer:
Ano ka mo?

Pinautang ka?

Erich:
Oo, no'ng nag-deliver. Ewan ko sa kaniya pero mabuti na rin 'yon. Nag-notify na rin ang app na completed na ang order.

Buti na lang sinalba niya ako at 'di ako naging bogus buyer... pero may utang kayo sa ilalim ng pangalan ko!

Mga bwesit kayo!

Bunch ni Jenniefer:
Labyou, beh😘
-Jen dis again hehe.

Erich the Rich:
Mag-chat ka nga sa account mo, Jen.

Pinapamukha niyo naman sa'kin na wala akong ka- bf using na 'yan!

Bunch ni Jenniefer:
Okay, beh! Basta labyu at tenkyu talaga so muchy!

Erich the Rich:
Walang thank you kasi babayaran n'yo pa ako. Mag-ambagan nga kayong dalawa.

Baka singilin ako ng lalaking 'yon anumang oras.

O baka pina-blotter na niya pala ako.

Bunch ni Jenniefer:
Rich, paki-add naman si Bunch ko rito.

'Yung new account niya sana, pleeees!

Erich the Rich:
Bakit 'di ikaw gumawa? Jowa mo 'yon, 'di ba?

You added Jenniefer Flores to the group. 

Jenniefer:
Hi, beeh! I'm back here😂

Erich the Rich:
Basta ang bayad n'yong 475 pagkabalik ninyo.

May pa-order pa kayo ng cake.

Sweet ba kayo ha?

Bunch ni Jenniefer:
Syempree💖

'Di ba, bunch @Jenniefer?

Jenniefer:
May nakasulat ba, beh?

Erich the Rich:
Ewan, 'di ko naman pinakialaman.

Nilagay ko na rin sa ref, nahihiya ako sa inyo eh kung kakainin ninyong hindi chilled.

Bunch ni Jenniefer:
Yeey, lablab mo talaga kami💖

Alam mo, ayos lang naman sa 'min maging third wheel ka namin Rich!

Erich the Rich:
'Di okay sa akin, period. Please, 'wag n'yo nang ipamukha ang pagiging blessed single ko.

Jenniefer:
Hindi rin okay sa 'kin na third wheel ka lang, beh.

Dapat may sarili ka nang ka "in a relationship" para happy ka na rin. Iba ang feeling talaga.

Erich the Rich:
Kaya ayaw kong kasama kayong dalawa kasi ginagawa n'yo kong taga...

Jenniefer:
Anong taga beh? Baka daga.

Erich the Rich:
Daga mo mukha mo!

Taga niyo, taga-sama, taga-luto, taga-kuha ng magagandang pictures n'yo at ngayon taga-claim ng order niyong walang bayad!!

Bunch ni Jenniefer:
Hala bunch, galit na si beh mo😲

Jenniefer:
Oo nga bunch, hala tayoo😵

'Wag kana kasi magalit, beh.  Nakakapanget 'yan, alam mo ba?

Pasakay na kami pabalik d'yan.

Erich the Rich:
Siguraduhin n'yo lang dalawa!

Kung hindi e rereto ko ang isa sa inyo sa katrabaho kong biyudo!

Seen by everyone

Care of Destiny (Epistolary)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum