Prologue

3.6K 37 2
                                        


Tigre Hembra

"Cayene! Kakain na tayo!" Tawag ni Mama.

"Opo! Saglit lang!" Sigaw ko pabalik.

"Bye, Audette! Kakain muna kami, tara na Liam!" Sabi ko at hinila na ang pinsan ko papunta sa bahay.

"Sige, bye, Yen! Bye, Liam!" Pagkatapos ay umuwi na rin siya para kumain.

"Magpalit ka muna ng damit mo, Yen. Naku, amoy araw ka na," sabi ni Mama.

"Ikaw Liam, tawagin mo ang Mama mo at sabihin mong kakain na tayo," utos ni Mama kay Liam.

"Sige na, Cayene, para hindi na magalit ang mama mo," sabi ni Tito. Kaya umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Araw-araw kaming naglalaro at umuuwi na lang para kumain o 'di kaya'y para matulog.

"Cayene, dalian mo na!" Sigaw ni Mama.

"Opo baba na ako!" Sabi ko at dali-daling bumaba para iaayos ang lamesa dahil kakain na kami. Pagbaba ko ay kumuha na ako ng mga plato at kubyertos at inilagay sa lamesa sa labas ng bahay. Doon kasi naming napagpasyahang kumain dahil masarap ang hangin sa labas.

"Nariyan na ba si Liam? Aba'y inutusan ko lang tawagin ang Mama niya hindi pa rin nakakarating," ani Mama.

"Ayan na sila, Mama. Huminahon ka muna," Sabay turo ko kina Liam at Tita na naglalakad papunta rito. Mabilis mainip ang nanay ko kaya ganito siya umasta. It's not new though.

"Hay naku, bilisan niyo ng dalawa at malamig na ang pagkain," ani Mama.

"Heto na, ate," natatawang sabi ni Tita, Mama ni Liam. Inilapag ni Tita ang binili niyang ice cream sa lamesa na kaagad ko namang nilapitan.

"Mamaya na 'yan," Saway sa akin ni Liam.

"Aray!" Hinampas ko rin siya bilang ganti sa pagsaway niya na may kasamang hampas.

"Respetuhin mo ako, Cayene. Tawagin mo akong kuya, wala ka ng galang sa kuya mo," aniya.

"Why would I? Isang taon lang ang tanda mo sa akin 'no. 'Wag mo nga akong dramahan," Giit ko at inirapan siya. Liam is my cousin, third cousin to be specific. My mom and his are second cousins that's why.

"Tsk," naupo na kami sa hapag at nagsimula ng mananghalian. Tumabi ako kay Liam para kumain kahit naiinis akong katabi siya. Habang kumakain naman kami ay pumunta si Audette.

"Kain tayo," Alok namin sa kaniya.

"Salamat po, tapos na po kaming kumain. Gusto ko lang pong sabihin na may groupings daw po kami bukas nina Cayene at Liam," pagbalita ni Audette sa amin.

"Ganoon ba? Salamat, Det," Sabi ko bago sumubo muli ng pagkain.

"Walang anuman, sige po, Cayene, Liam," paalam niya sabay ngiti at umalis. Tiningnan ko naman ang pinsan ko at namumula na ang pisngi.

"Sige, ang landi," bulong ko sabay siko sa tagiliran niya. Kinagabihan ay naghanda na ako dahil pasukan na namin sa eskwelahan. Nasa elementary pa lamang din kaming tatlo. Ako ang bunso sa aming tatlo dahil mas matanda sila sa akin ng isang taon. They are ahead of me so sometimes, they use their "I'm-older-than-you" card.

"Tara na," aya ko sa kanila at sumakay na kami sa tricycle papasok. Pagbaba mula sa sasakyan ay nag-ambagan kami sa pambayad.

"Saan daw magkikita?" Tanong ko matapos iabot ang bayad sa trayber.

"Dito daw— 'yon na sila," Turo ni Audette sa mga nagkukumpulang estudyante.

"Good morning," bati ni CJ nang makalapit kami.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Where stories live. Discover now