Chapter 21

430 8 2
                                        


Chapter 21

He called


"Putcha!" Nagpanic ako nang sumunod sa akin ang aso na kulay brown.

"Bakit may aso rito sa kwarto ko?!" Galit na tanong ko.

"That's KitKat, Papa gave it to me, ate," konyo na sagot ng kapatid ko.

"Alisin mo iyang si KitKat dito! You know that I don't like dogs!" Kung bulkan lang ako, kanina pa ako pumutok.

"He's nice ate," paniniguro pa ni Charles at binuhat ang aso niyang nakaupo sa harapan nitong upuang tinutung-tungan ko.

"I don't care. Bring him out! Now! Kapag 'yan hindi mo pa nilabas pagkabilang ko ng lima, ihahagis ko 'yan," pagbabanta ko.

"Chill, 'eto na," sabi niya at mabilis na inilabas ang aso. Mabilis ang tibok ng puso ko nang makita ang aso niya. Sino ba kasing nagsabi ng ipasok niya rito ang aso niya? Hindi ko nga alam kung naligo ba 'yon, kung kumpleto ang bakuna, o ano.

Nagpahupa lamang ako sandali ng mabilis na tibok ng puso ko bago ako pumasok sa banyo. Mainit ang ulo kong naligo at bumaba para mag-almusal.

"Good morning, 'nak," bati ng mga magulang ko.

"Morning," wala sa mood na bati ko pabalik.

"Ang aga-aga mukhang badtrip 'yang anak mo, Dion," ani Mama.

"Por qué?" Tanong ni Papa sa akin.

"Perro," alam na nila kapag sinabi kong aso ang dahilan. Alam nilang hindi ko gusto ang mga aso at ayaw ko rito. Makakita pa lang ako nito ay agad na akong umiiwas.

"Palibhasa'y pusa ang gusto mo, inaaway mo na itong si KitKat ko," sinamaan ko ng tingin si Charles. Pero tama siya, mas gusto ko ang mga pusa dahil mas mukha pa itong maamo kaysa sa ibang mga hayop. Mas tahimik at mas malambing.

"Kitkat come here," tawag niya sa aso at agad akong umiwas. Ngunit ang magaling kong kapatid ay lumapit sa akin karga-karga na naman ang aso.

Really? KitKat talaga ang pangalan? Ano 'yan tsokolate? Magpapangalan na nga lang, 'yong hindi pa natatangi.

"Ilayo mo iyan sa akin kung hindi sisipain talaga kita," tumingin lamang si Charles kina Mama at Papa na mukhang nanghihingi ng tulong sa kanila. Pinandilatan ko silang lahat ng mata dahil hindi talaga ako nakikipagbiruan.

"Huwag kang mag-alala, Yen. Hindi lang si Charles ang may bagong alaga. Iyong pusa mo nasa labas," agad na nagningning ang mga mata ko at napalitan ng pagkatuwa ang kaninang nag-aalab ko ng galit.

"May pusa ako?" Pag-uulit ko at tumango sila kaya dali-dali akong tumayo para lumabas. Naabutan ko ang isang Maine Coon na nakalagay sa kulungan. Lumuhod ako para mabuksan ang kulungan niya at agad ko iyong kinuha para mabuhat.

"OMG! OMG!" Nagtititili pa ako habang buhat-buhat ang maamong pusang ito. Alam ko'y lumalaki pa ito ng higit kaysa sa mga ordinaryong pusa.

"Nagustuhan mo ba?" Sabat ni Papa.

"Opo, pero mas magugustuhan ko kung lion o tigre ang ibinigay niyo. Pero ayos na ito, mini version nila," nakangiting sagot ko't binigyan ng halik sa noo ang aking pusa.

"Gusto mo pa talaga ng leon at tigre kung ikaw na mismo iyon?" Sarkastikong wika niya.

"Sinasabi mo bang alaskador ako, Pa?" Kunwaring galit na tanong ko sa kaniya.

"Wala naman akong sinasabing ganiyan, Cayene Varene," 'eto na naman tayo. Ayos lang naman kahit tawagin akong Varene pero minsan ay ayaw ko. Mas maganda kasing pakinggan ang Cayene. Isa pa, hindi niya na kailangang pahirapan ang sarili niyang bigkasin ang Cayene Varene. Napakadali lang ng Cayene, o 'di kaya'y Varene. Ewan ko ba't gusto niya pang pahirapan ang sarili niya.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Where stories live. Discover now