Chapter 28

438 8 2
                                        


Chapter 28

Birthday No More

I don't know what to do anymore. Wala na akong gana sa lahat. Para bang ayaw ko ng gumising at gusto ko na lang mamatay.

"Couz," tumakbo si Vera papunta sa gawi ko kahit na nahihirapan para yumakap sa akin.

"Should I kill myself now? Should I die right now?" I asked her. She didn't reply, she just hugged me and tried her best to comfort me.

Narinig kong dumating na ang ambulansya at ilang tauhan namin para linisin ang naging kalat. Dumating din sina President Luis at Dorothy, kasama rin sina Papa at Abuelo.

"Bakit ako? Bakit iniwan ako ni Mama? Bakit ako iniwan ni Charles? Bakit ako? Vera ang sakit-sakit na, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisang bumangon," nahihirapang bulong ko.

Hindi ko hiniling na mangyari 'to. Hindi ko inisip na darating sa punto ng buhay ko na makararanas ako ng ganito katinding sakit. Ang gusto ko lang naman simula noon, hanggang ngayon ay sumaya. Anong nangyari? Bakit ganito? Masiyado na ba akong masama kaya ako pinaparusahan? Ginawa ko lang naman kung anong alam kong tama, ah? Deserve ko ba lahat ng 'to?

"Tama na, Cayene. We'll get through these, we'll help each other," pag-alu niya sa akin habang umiiyak.

"Ayaw ko na, pagod na ako. I don't want to live anymore," iyon lamang ang nasabi ko bago tuluyang nagdilim ang lahat.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatili sa kadiliman at nagising na lang nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Ate! Ate Cayene!" tawag ni Charles sa akin at kaagad akong napamulat.

"Charles? Charles!" Tumayo ako sa pagkakahiga at niyakap siya nang mahigpit para kumpirmahin kung totoo nga ito.

"Ate, halika na," aya niya sa akin.

"Saan? Saan tayo pupunta?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Naghihintay na sila sa atin, kakain na tayo, ate," napangiti ako at sumama sa kaniya. Pagdating namin sa hapag-kainan ay nakaayos na ang lahat. Napakaraming pagkain na nakahanda roon na para bang may piyesta.

"O, hija, bakit hindi ka pa nakabihis?" Ani abuelo.

"Anong meron, abuelo?" 

"Nakalimutan mo na ba? It's your birthday, apo!" Masayang sabad ni Lolo Davinci.

"Cayene! Happy birthday!" Tili ni Vera tsaka tumakbo palapit sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit at ganoon din siya.

"Thanks," sinserong sabi ko.

"Halika na kayo! Kakain na!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Mama.

"Mama? Mama!" Bumagsak ang mga luha ko at kaagad na tumakbo palapit sa kaniya upang yakapin siya nang mahigpit.

"Happy birthday, anak. Huwag mong kalilimutan na mahal na mahal ka namin," napangiti ako habang umiiyak.

"Lo sé, lo sé. Te quiero mucho, Mama," she wiped my tears and pinched my cheek.

"Halika na kayo! Tama na ang drama!" Singit ni Papa dahilan para kurutin siya ni Mama sa tagiliran.

"Happy birthday, my niece," ani ni Tita Giselle mula sa likuran.

"Salamat po 'ta— I mean tita. Salamat po, tita," agad ko nang maisip ko na may mali sa sinabi ko. Mahirap na at iba pa ang maging dating ng mensahe.

"Christmas Eve na!" Lolo Davinci and Abuelo said with full of excitement. Para silang mga batang ngayon lang nakaranas magpasko.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Where stories live. Discover now