Chapter 12Special Performance
Gago talaga, sira na ang ulo niya. Aba't kasalanan ko ba na hindi siya nakasama sa 18 roses ko? Eh si Mama naman ang naglista ng mga pangalan doon. Ako pa ang may parusa. Letse.
"Cayene, dinner!" tawag ni Mama sa akin.
"Opo, bababa na," tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa kama ko para bumaba dahil hapunan na. Adobo ang ulam namin, as usual, si Mama ang nagluto. Hindi naman kasi ako marunong magluto. Ultimo pagprito nakakasunog pa ako. Paano naman kasi ako matututo ng simpleng pagluluto kung laging sinasabi ni Mama na, "ako na", "umalis ka na riyan", "hindi ganiyan", "hindi ka marunong," of course hindi nga ako marunong kaya ako nagpapaturo. May nagpapaturo bang marunong na? Gosh!
"Charles, lead the prayer," sabi ko at nagsign of the cross muna bilang paggalang.
"Bless us, oh Lord, for this thy gift which we are about to receive, from thy bounty, through Christ, our Lord. Amen," nakaugalian na kasi naming magdasal bago at pagkatapos kumain. Bago matulog at pagkagising sa umaga. Turan 'yan sa amin simula noon na 'wag makakalimot sa nasa itaas.
Kumain na kami at pagkatapos ay ako ang nagligpit. Kinaumagahan ay nagkayayaan kami ni Audette na magpunta naman sa gym.
"Jogging kaya muna tayo," saad ko.
"Gaga, para sa'n pa ang treadmill doon," sarkastikong aniya. We're both wearing our sports wear when we headed to the gym. Nagpupunta kami rito, dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Depende pa iyon kung abala kami o hindi. Pagdating doon ay inilagay namin ang gamit namin sa locker at nagsimulang mag-ehersisyo.
"Cayene," tawag sa akin ni coach. Lumapit agad ako at kinuha ang boxing gloves at pumasok sa ring. Nag-aaral kasi akong mag-boxing, sa aming dalawa ni Audette ay ako lamang ang nag-aaral ng ganito. Bukod sa matagal na akong nag-aaral nito— nang palihim, hindi pinapayagan si Audette dahil sa kaniyang hika.
"Ya!" Sigaw ko habang sumusuntok.
"Left hand, right, upper cut, side punch!" Sunod-sunod na sabi ni coach at iyon ang ginawa ko. Aanhin ko pa ang pagka-war freak ko kung 'di naman ako marunong lumaban.
Pagkatapos naming magpahinga at magpatuyo ng pawis ay dumiretso na kami sa shower para makaligo. Suot ko ang maong shorts ko at halter top na pinatungan ko lang ng jacket.
"Breakfast?" Audette asked while putting her things in her bag.
"Tara," tugon ko. Malapit lang naman iyong paborito naming pancake house rito kaya roon na kami pumunta.
"Two Cappuccino and banana pancake with chocolate syrup," pagkasabi ko ng order ay binayaran ko na agad iyon. Tsaka ko hinanap si Audette at naupo sa katapat niyang upuan. Kasalukuyan kaming naghihintay ng inorder ko nang mahagip ng tingin ko ang taong pumasok mula sa pintuan.
"Oh my God! Lucas!" Sabi ko sabay kaway para makita niya ako. Nang lingunin niya ako ay agad akong tumayo upang siya'y yakapin.
"Long time no see," he greeted and hugged me back.
"Long time no see. Namiss kita grabe! Ang tagal nating hindi nagkita," hindi ko na kasi sila nakikita magmula noong magkolehiyo na sila.
"You still look the same," amusement was plastered on his face.
"Same what?" I crossed my arms as Iook at him.
"Beautiful, sexy... pandak pa rin," my smile instantly faded.
"How dare you? Matangkad ka lang naman sa akin ng ilang pulgada, kung makapagsalita ka, Lucas," sikmat ko. Totoo namang matangkad siya, player din ng basketball kaya matangkad talaga, ngunit hindi ako pandak. Hindi ko matatanggap 'yon!

DU LIEST GERADE
Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2)
RomantikChua Boys Series Second Installment Cayene Varene has a very dark secret that she's unwilling to reveal. Living her life just like what an ordinary woman does. Only to find out that she's been lied to by her boyfriend, Damon Chua. The truth cloaked...