Chapter 32

502 8 0
                                        


Chapter 32

CD

"Oy! Baks!" Napatingin agad ako kay CJ na mukhang kanina pa tumatawag sa akin.

"Huh?" Taka ko siyang tiningnan.

"Halika na roon, sino bang tinitingnan mo?" Tumingin din siya sa kung saan ako nakatingin kanina. Nang tumingin kaming dalawa ni CJ sa lugar na iyon ay hindi ko na siya nakita. Namalikmata lang yata ako kanina. Kamukha niya lang siguro.

"Wala, tara na," nauna na akong maglakad at lumapit kila EJ.

"Yow! Shawarawt!" Bati niya.

"Hey," bati ko pabalik. Naupo ako sa tabi ni Audette dahil puro magkapares ang magkakatabi.

"Anong ganap diyan?" Pabulong na tanong ko kay Audette sabay sulyap kina DJ at Achille na magkatabi ngunit tila malayo sa isa't isa kung umakto. Ewan ko ba, nakakaramdam ako ng tensyon sa dalawang ito.

"Malay ko sa dalawang 'yan. Minsan sweet, minsan parang multo kung ituring 'yong isa't isa. Ayoko ng problemahin 'yang lovelife nila dahil mas mai-stress lang ako," asik niya.

Kung hindi ako nagkakamali ay naging sila rin noon, ngunit kagaya ng nangyari sa mga kapatid nila, ganoon din ang nangyari sa kanila. Nagpasa-pasa na ang kamalasan nila sa lovelife nang magsimula iyon kay Kuya AJ. Mukhang naipasa sa mga kapatid kaya ganoon din ang nangyari noon.

Maayos na sila ngayon, maliban na lang dito kina DJ at Achille na hindi ko mawari kung nagkakapalagayan na ba ulit ng loob o wala na talagang pag-asa.

"Simulan na ang walwalan!" Excited na hiyaw ate BJ tsaka isa-isa kaming inabutan ng beer.

"Really? Ate? Beer talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ni Elle.

"Hoy lukaring, 'wag ka ng magreklamo. E, ikaw nga lagi ang nauunang pumalakda," sabad ni EJ at binatukan siya ng kasintahan.

"Tangina ka, 'wag kang magpapabili sa akin ng PS5, ha. Kanina ka pa, namumuro ka na sa akin," pagbabanta ni Elle.

"Joke lang, 'eto naman, sorry na mahal ko," paglalambing ni EJ kay Elle.

"Ewan sa 'yo!"

"Sorry na, o, aking mahal. Lalakarin ko ang malumbak na daan. Lalanguyin ko ang malawak na katubigan. Liliparin ko ang matayog na kalangitan, ako'y mapatawad mo lamang. O aking sinta, binibining Elle, mapapatawad mo pa ba ako?" Lahat siguro ako ay humagalpak ng tawa nang biglang naging makata si EJ.

"Oo na," naiiling na sagot ni Elle.

"Okay na tayo?"

"Oo nga."

"Talaga?"

"Oo, pero tangina ka pa ring ugok ka," magsasalita pa sana si EJ ngunit nauwi na lamang iyon sa buntong-hininga.

"Soulmates nga talaga kayo, pareho kayong may saltik," panunudyo ni Kuya AJ na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Hope lahat may jowa!" Parinig ni Audette.

"Ok lang 'yan, may anak ka naman. 'Di mo kailangan ng lalaki," asar ko sa kaniya at hinampas niya ako sa braso. Sunod-sunod na rin ang inom namin at tila tubig lang kung ituring ng iba ang iniinom namin.

"Elle? Don't puke!" Sita ni Ate Taylor nang sumandal sa kaniya ang kapatid na para bang wala na sa sarili.

"EJ, ihatid mo na si Elle," utos ni Kuya AJ sa kapatid.

"Mamaya na, kuya. Hayaan mo muna siya riyan," agap niya at nagtalo silang dalawa.

"Tumigil kayong dalawa at nab-bwisit na ako baka pag-umpugin ko kayong dalawa riyan. EJ, ihatid mo na si Elle," seryosong ani DJ at natahimik ang dalawa.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Where stories live. Discover now