Chapter 26Betrayal
Nakahanda na ako't lahat tsaka bumaba na para umalis. Nahinto ako nang makitang aligaga si Tita Giselle at panay naman ang pagkontak ng asawa niya sa telepono.
"Where's Vera?" Iyon kaagad ang tanong ko nang mapansing wala siya rito.
"Nakuha siya ng mga Toro," sagot ni abuelo.
"Anong nakuha? Paano? Narito lang siya kanina, ah?" Sunod-sunod kong tanong.
"Lumabas kasi siya kanina para sana kunin ang gamit niya sa sasakyan pero hindi siya agad nakabalik. Nagulat na lang ako nang may tumawag sa abuelo mo at sinabing hawak na nila si Vera," ani Lolo.
"Mierda! Dang it!" Malakas kong sigaw.
"C-Cayene, please. Kuhanin mo ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya s-sa amin, please... I'm begging you," umiiyak na sabi ni Tita Giselle.
"Alam ko," iyon lang at lumabas na ako sa bahay. Kumulo ang dugo ko nang mapagtantong wala roon ang motorsiklo ko. Mawawala pa kung kailan ko kailangan! Punyeta naman!
"Here," abot ni abuelo sa isang susi ng sasakyan.
"Motor ang kailangan ko, abuelo. Hindi 'yong may apat na gulong," natawa siya sa aking sinabi.
"Alam ko, kaya nga kuhanin mo ito. Pumasok ka roon sa sasakyan at pindutin mo lang iyong buton sa kanan. Iluluwa na ng 'yon 'yong motor mo kaya sige na," kinuha ko na ang susi at sumakay sa kotse kaso lang ay may naalala ako kaya agad akong tumakbo pabalik sa aking kwarto.
Kinuha ko iyong kahon ng regalo ni abuelo na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuksan. Isinuot ko ang singsing na may nakaukit na babaeng tigre. Matapos kong maisuot ay bumaba na ako.
"Cayene Varene, mag-iingat ka, bumalik kayo rito ng buhay," mariing paalala ni Lolo kahit alam kong labis ang pag-aalala niya sa akin.
"Anak, kill but please don't die," si Papa.
"Cayene, please be safe. Ipagdarasal ko na makabalik kayo rito nila Vera nang ligtas."
"Hija mía, mag-iingat ka," tanging tango lang ang naisagot ko sa kanila. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ang tauhan ko.
"Yes, Miss Tigress?" Sagot ng boses mula sa kabilang linya.
"Magpadala kayo ng tao sa kuta ng mga Toro, siguraduhin niyo na walang malalagas at makikilala ni isa sa inyo. Ang matitira ay ipapadala rito sa bahay ngayon din. Narito ang abuelo, at isa pa, ipahack mo kay L.A lahat ng system doon," maawtoridad na utos ko.
"Masusunod, Miss Tigress."
Si L.A na siyang kaibigan ni DJ ay tauhan ko. Tumutulong siya sa mga Rivera ngunit hihingiin muna niya ang pahintulot ko dahil nasa batas iyon. He's our member. He works for us, for me. Ngunit kung kailangan siya ng ibang miyembro ng organisasyon, lalo na ng head ay pinahihintulutan ni abuelo iyon.
"Good, prepare for war," iyon lang at pinatay ko na ang tawag. Isinalpak ko ang airpod sa isa kong tainga samantalang iyong micro earpiece ay nasa kabila.
Habang nagmamaneho ay napagdiskitahan kong pindutin ang mga buton. Iyong una ay naglabas ng mga ilaw at nag-iba ang kulay ng sasakyan ko. Pinindot ko ang pangalawa at biglaan umangat iyong upuan sa likuran at iniluwa ang mga armas doon dahilan upang mamangha ako. Iyong pangatlo ay biglang umangat iyong mismong sasakyan ko at mayamaya pa ay nakita ko na ang motor ko na may larawan ng tigress.
"Nice, shala," bulong ko sa sarili ko. Pipindutin ko nasa ang isa kaso ay biglang may sumabog sa harapan ko ngunit hindi man lang nagasgasan ang sasakyan ko. May iilang nagpaulan din ng baril pero walang nangyari. Tumalbog iyong mga pinakawalan nilang bala at bumalik sa kanila.

YOU ARE READING
Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2)
RomanceChua Boys Series Second Installment Cayene Varene has a very dark secret that she's unwilling to reveal. Living her life just like what an ordinary woman does. Only to find out that she's been lied to by her boyfriend, Damon Chua. The truth cloaked...