Chapter 14Promises
Tulala akong tumingin sa kaniya at nabalik sa huwisyo nang umihip ang napakalakas na hangin. Totoo ba 'to?
"Seryoso ka ba talaga?" Tanong ko.
"I am, I'll court you whether you like me or not," may pinal sa kaniyang boses.
"May magagawa pa ba ako?" He then shrugged with a ghost smile plastered on his face. We stayed there for a couple of hours before we decided to go home.
"I'll take you home," malapit na ring mag-umaga at pareho kaming walang tulog kaya pumayag na rin akong umuwi. Gusto ko pa sanang manalagi roon kaso nga lang ay alam kong pagod din siya.
"Wait, picture muna tayo," sabi ko at kinuha ang telepono ko para kumuha ng litrato namin. Kinuhanan niya rin ako at kinuhanan ko rin siya ng litrato. Matapos iyon ay tumulak na kami pauwi. Masuwerte ako dahil pagdating ko sa aming bahay ay mahimbing ang tulog nina mama at Charles.
Unknown number:
Good night.
Me:
Thank you for tonight, take care. Good night ♡
Sino ba naman kasing maniniwala na may manliligaw ako 'di ba? Tapos isa pang Chua! At sino rin ang mag-aakalang papayagan ko siyang manligaw? Sigurado akong aasarin na naman ako ni Kuya AJ nang walang hinto.
Pagod na pagod ako ngunit hirap namang makatulog dahil sa nangyari. Tumitig lamang ako sa kisame at hindi ko na namalayang nilamon na pala ako ng kadiliman.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa pag-ring ng telepono ko.
"Hello," nakapikit pang sabi ko at tamad na tamad pang bumangon. Ang sakit ng ulo ko, kulang pa ang oras ng aking pagtulog.
"Good morning, did I wake you up?" napadilat agad ako nang marinig ko kung kaninong boses iyon.
"Ah, ano, kanina pa ako gising," pagsisinungaling ko sa kaniya.
"Okay, I'll fetch you—"
"Ha? Ngayon na?!" Naguguluhang tanong ko sa kaniya na mukhang napalakas pa.
"We're having our first date, so better prepare," napatianod naman kaagad ako.
"Date?!" Napalakas na pagtatanong ko ulit.
"Yup, I'll be there, and stop yelling at me," he said before ending the call. Agad akong pumasok sa banyo para maligo.
"Tangina, alin ba rito ang isusuot ko?" Kanina pa ako namimili ng damit at hanggang ngayon ay wala pa rin akong napipili. Kinuha ko na ang isang puting off shoulder na dress at itim na blazer. A stylist once said that choose colors that are easy to pair with other. White and black looks good together, at 'yon ang go-to outfits na madalas kong suot. Naglalaro sa shade ng itim, puti, at brown ang suot ko magmula noon. Mabilis kasing maipares at malinis tingnan.
Nagsusuot pa lamang ako ng sapatos ko nang pumasok si Mama sa aking kwarto. Hindi na rin siya nag-abala pang kumatok pa.
"Cayene, bakit may sumusundo sa iyo rito?" Bungad niya pagkapasok niya sa kwarto ko.
"He's here?!" Mas binilisan ko pa ang kilos ko. Bakit parang ang bilis ng oras? Kagabi ay sinabi niya na gusto niya akong ligawan. Kanina ay inanunsyo niya na ito ang una naming date.
"Oo, aber, bakit ba—" bumeso lang ako agad sa kaniya pagkatapos ay nagmamadali akong bumaba. Kamuntikan pa akong gumulong sa hagdanan kung hindi lang ako napahawak nang mahigpit sa hawakan.

YOU ARE READING
Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2)
RomanceChua Boys Series Second Installment Cayene Varene has a very dark secret that she's unwilling to reveal. Living her life just like what an ordinary woman does. Only to find out that she's been lied to by her boyfriend, Damon Chua. The truth cloaked...