Chapter 3

964 15 2
                                        


DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Chapter 3

Tripped


Narito ako sa likuran ng school at walang tao rito bukod sa akin. Kinuha ko ang telepono ko at itinext si Audette. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa akin.

Me:

Det, narito ako sa likod ng school.

Audette:

Bakit ka ba nariyan? Wait lang, pupunta ako.

Habang naghihintay sa kaniya ay pinunasan ko ang mga mata ko.

"Bakit ang tagal mo, Det?" Tanong ko nang marinig na may naglalakad papunta rito.

"Det, tuleg ka ba at hindi nagsasalita? I'm not in the mood to joke this time. Audette—" paglingon ko ay hindi naman pala siya iyon. Isang pamilyar na lalaki ang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin na lang kung saan-saan.

"About what happened—" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"It's okay," sabi ko.

"I'm sorry, I didn't mean it."

"Stop saying sorry, hindi ikaw ang may kasalanan," hindi maiwasan ang pagpait ng boses ko.

"I'm sorry, but can you please tell me what happened?" He asked.

"I was falling in line when your girlfriend confronted me. Bago niya pa maitapon sa akin ang juice, inunahan ko na," pagkukwento ko.

"I'm really sorry, tell me what do you need in return," I chuckled. Tingnan mo 'tong isang 'to.

"Hiwalayan mo, 'yon ay kung uto-uto ka," hamon ko.

"Okay," seryoso niyang sabi. Gusto ko mang bawiin ang sinabi ko ay tsaka naman dumating si Audette. Talaga bang gagawin niya? Hibang na 'tong isang 'to kung ganoon.

"Ano bang nangyari at bakit iniwan mo ako roon sa loob, ha?" Inis niyang tanong at kinuwento ko naman sa kaniya ang nangyari.

"Tara, aabangan ko iyon bukas, leche pala 'yon," Itinaas niya pa ang manggas ng damit niya kaya nagmukha siyang siga.

"Gaga, okay pa naman ako tsaka kaya kong ipagtanggol 'yong sarili ko. Isa pa, sabi ng crush ko, okay daw," pabirong bigkas ko sa salitang "crush."

"Okay?" Takang tanong niya.

"Oo, okay, tinanong niya kasi ako kung anong gagawin niya tapos sabi ko, hiwalayan niya iyong jowa niya. Tapos sabi niya okay," as if he would do that though. Umarte akong kinikilig kunwari dahilan para tuksuhin niya ako.

"Asus! 'Wag kang kiligin, 'di niyo deserve ang isa't isa," Panunukso niya. Kahit hindi niya sabihin, alam ko naman. I am setting my standards high as I should but still reachable.

"Anong kinikilig? Bakit naman ako kikiligin do'n?"

"Nangangamatis 'yang mga pisngi mo, oh. Magdadahilan ka pa," humagalpak siya sa tawa at malakas ko siyang binatukan kaya nauntog siya sa pader. Pabiro lang dapat iyon kaso napalakas yata ang pagkakabatok ko sa kaniya.

"Aray, ha, Cayene!" Reklamo niya habang hinihimas ang ulong nauntog sa pader.

"Well-deserved," I fired back. Matapos 'yon ay umuwi na kami. Pagdating ko sa bahay ay wala akong nadatnan na tao. Nasagot lamang iyon nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Mama. I deeply sighed and changed my clothes. I am alone which is fun yet it affects me. Nevertheless, I tried to understand them and decided to enjoy this short moment for myself. Not until Audette came in and invited me to go to their house.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Where stories live. Discover now