Chapter 24

399 7 1
                                        


Chapter 24

Necklace


"Cayene, gumising ka na!" Sigaw ni Mama at bumangon na agad ako kahit nakakaramdam pa ako ng antok. Dumiretso na rin ako sa banyo para makaligo at nag-ayos na para makakain.

"Saan ka galing kagabi?" Akala ko pa naman ay tapos na ang usapan pero mukhang nagkamali pala ako. Hindi pa rin tapos si Mama na mag-usisa kung saan ako nagpunta kagabi.

"Diyan lang," sana huwag na siyang magtanong. Geez. Wala naman akong balak magkwento, sana kung anong sinabi ko, nakuntento na siya.

"Anong diyan lang? Saan ka nga nanggaling kagabi?" Hindi pa rin siya kumbinsido sa isinagot ko sa kaniya.

"Sa tabi-tabi."

"Saan ka galing, Cayene Varene?" Seryosong tanong ni Papa sa akin.

"May trinabaho lang po," pasukong sagot ko.

"Bakit?" Tiningnan ko muna si Charles at sinenyasan ko na umakyat muna siya sa kwarto niya sandali.

"Kasi may atraso sila sa akin?"

"Ano naman 'yon?"

"Sumugod sila rito sa bahay? Kasi may ginawa sila kay Audette? Kasi muntikan na nilang gahasain ang kaibigan ko?" Sarkastikong tanong ko pabalik kay Mama.

"Umayos ka ng sagot mo, Cayene," sita ni Papa.

"What? This is how I talk, full of sarcasm," I scoffed.

"Saan? May kasama ka ba? May resbak? Nasaktan ka ba? Iyong motor mo? Ilan ba ang napatay mo?" Sunod-sunod na tanong ni Mama pero kalmado pa rin.

"Sa kuta nila, ako lang mag-isa. Ayos pa naman 'yong motor ko. Wala ngang gasgas eh. Nagkotse kasi kami," mayabang na sagot ko.

"Kami?"

"Wag niyo ng usisain, ang mahalaga, nagawa ko na 'yong kailangan ko," kapag sinabi kong si Donny ang kasama ko, baka kung ano-ano na namang itanong nila.

"Ilan ang napatay mo?"

"Tatlo sa may entrance, lima 'yong nagtangkang gumahasa kay Audette, may apat na back-up sila... Bale dose lahat," binilang ko pa kung ilan ang nalagas ko kagabi.

"Iyon ba talaga lahat?" Mukhang hindi naniniwala si Papa sa akin kaya bumuntong-hininga ako at umamin na lang.

"Plus tatlong may baseball bats at isang humarang sa may gate. Sweet sixteen lahat," nakangising dagdag ko pa.

"Naks! Anak ko talaga 'to! Manang-mana ka sa akin! Akalain mo iyon! Napulbos mo sila nang mag-isa ka lang! Nice-nice!" Proud na sabi ni Papa at napasuntok pa sa ere.

"Sa akin nagmana 'yan, mas magaling ako sa 'yon, Dion," ayaw magpatalo ni Mama kaya naman nauwi sa pagpapataasan kung sino ang pinagmanahan ko. As if namang kasinggaling nila ako.

"Hindi naman talaga ako nagmana sa inyo, pareho kayong weak. Mas magaling ako sa inyo, you trained me very well," panunudyo ko at tumingin sila nang matalim sa akin. Akmang magsasalita pa sana si Mama kaso ay bumaba na si Charles. Tiningnan ko ang orasan sa pader at inaya ko na silang umalis dahil malapit na akong mahuli sa klase ko.

Habang nasa sasakyan kami ay tumunog ang telepono ko. Sinagot ko kaagad 'yon nang makita ko ang pangalan ng tumatawag.

"Ano?" Kaswal na sagot ko.

"How are you?"

"I'm fine, ni hindi man lang ako nasugatan kahapon. Ako na nga ang bumuhat, wala ka man lang ambag. Anyway, did she ask you? Did you tell her what I did?"

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon