Chapter 36

588 9 3
                                        

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song: Lambingin Mo Naman Ako by Soulmate

Chapter 36

Terrace


Napakaganda ni Audette habang naglalakad sa altar at halos lahat ng naroon ay nagsisituluan ang mga luha, kabilang na 'ko, dahil sa sobrang tuwa.

"Take a good care of my daughter," ani Tita Yazmin nang maihatid na niya si Audette kay Donny.

"I promise," tugon ni Donny.

"Thank you, Tito Dion, for everything," maluhang pagpapasalamat ni Audette kay Papa. Si Papa ang nagsilbing ama niya sa araw ng kaniyang kasal.

Nang maiharap na sila sa pari ay nagsimula na ang seremonya ng kasal.

"Donny Chua, do you take Audette Santisismo to be your beloved wife?" Anang pari.

"I do," sagot bi Donny habang nakahawak sa kamay ng kaniyang magiging katipan.

"Audette Santisismo, do you take Donny Chua to be your husband?"

"I do, father," nagsumpaan na ang dalawa at lahat kami ay tutok doon. Ako at ang best man ang lumalapit sa kanila kapag kinakailangan sa seremonya.

"You may now kiss the bride," inangat ni Donny ang belo ni Audette at nilapat ang labi nito sa aking kaibigan.

"Amaya, cover your eyes, baby" utos ko at agad naman siyang sumunod. Natawa pa ako sa reaksyon niya nang marinig ang sinabi na 'yon ng pari.

"I now pronounce you, as husband and wife! Congratulations, Mr. and Mrs. Chua!" Nagpalakpakan kami at nagsimula ng kumuha ng litrato ang mga photographer.

"Baks! Halika kayo rito," Pagyaya ni Audette at nagpunta kami roon ni CJ. Sila munang dalawa, sunod kami ng bride, at huli ay kaming tatlo na.

"Iyong best man tsaka maid of honor naman po," sabi ng photographer at tumaas ang kilay ko nang senyasan ako ng groom na lumapit doon. Aangal na sana ako pero wala naman na akong nagawa. Ayaw kong sirain ang mood ng bagong kasal, pinagbigyan ko na lamang at nakisunod sa gusto ng photographer.

"Bagay kayo," rinig kong bulong ni Donny habang naglalakad ako palapit sa pwesto na tinuturo nila.

"Tao kami," asik ko.

"Bakit kasi may paganito pa?" Inis kong bulong nang makarating na kinatatayuan ni Damon.

"Badtrip 'di ba?" Bulong niya pabalik.

"Oo nga, ta's ikaw pa kasama ko," iritadong sagot ko at pinilit na lang na ngumiti sa harap ng kamera. May paakbay-akbay pa ang kupal, kaya ang ginawa ko matapos makuhanan 'yon ay pumunta sa likuran niya at ginamit ang mga daliri ko para maging sungay niya.

"Ang cute-cute niyo, ma'am, sir. Couple po kayo?" Tanong ng isa sa mga bisita nina Audette at Donny.

"Nope," mabilis kong sagot.

"Sayang, bagay pa naman sila, 'no?" Tukso ni Audette at nagtawanan silang dalawa ng kaniyang asawa.

"Sayang, bagay pa naman sila, 'no," panggagaya ko.

"Mama!" Pagtawag ni Amaya sa kaniyang ina. Nagpaalam si Audette na pupuntahan niya lang muna si Amaya, samantalang si Damon ay lumabas ng simbahan para bumili ng tubig.

"Bagay kayo ni Damon, Mr. Kalmado meets Ms. Malala ang anger issues," napairap na lang ako sa pang-aasar ni Donny.

"Tumigil ka na, Donny. Baka hindi ka na umabot sa reception niyo," pagbabanta ko.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Where stories live. Discover now