Chapter 7

574 13 0
                                        


Chapter 7

Friends


Pagpasok ni Audette ay parang walang nangyari. Sandali lang kaming nakapag-usap dahil dumating na rin ang susunod na subject teacher namin at tsaka malayo siya sa akin. Sadyang makulit lang ako at nakikipagpalit ako ng pwesto para makipagdaldalan sa kaniya.

"Punta tayong CR," aya ko sa kaniya. Sa pintuan pa lang ay may naririnig na akong umiiyak, hindi ko lang alam kung ako lang ang nakakarinig o pati si Audette. Hindi naman nagkamali ang kutob ko nang pumasok kami sa loob. Pumasok ako sa cubicle habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Siniguro kong doon ako nakapwesto sa tabi ng cubicle ng umiiyak para marinig ko nang malinaw iyon sinasabi niya. Nang matunugan niya sigurong may pumasok ay hinian niya sng kaniyang boses, ngunit naririnig pa rin ang kaniyang pagsinghot.

"Oo, salamat, Donny" bahagya ko siyang sinilip at nakita kong may katext siya sa telepono. Kumulo ang dugo ko nang malamang inutusan siya ng lider ng Voltes V para gawin iyon kay Audette. Kunwari akong nagflush at lumabas. Inilock ko ang pinto ng banyo at sinigurong walang papasok dito.

"Sino ang nag-utos sa iyo?" Seryosong tanong ni Audette. Marahil ay narinig niya rin ang sinabi ng babae sa telepono kanina.

"Sumagot ka!" Sigaw ko at hindi inalintana kung mas matanda siya sa amin. Kinalabog ko ang pinto ng cubicle kung saan siya naroon. Natakot siguro kaya lumabas na siya nang dahan-dahan.

"Sabihin mo kung ayaw mong basagin ko ito sa pagmumukha mo!" Pati ako ay kinalabutan kay Audette nang akma niyang ihahampas sa mukha ng babae ang sarili nitong telepono.

"Don't you dare lie," Banta ko habang nakataas ang telepono ko. Simula kanina ay inirecord ko na ang lahat para kahit anong pagtatanggi niya ay hawak ko ang katotohanan.

"Si Donny ang nag-utos sa akin," that freaking guy! Hayop siya! Papatayin niya pa yata ang kaibigan ko. Kapag nalaman kong kasabwat ang mga alipores niya humanda sila sa akin.

"Tangina niya! Hindi ba siya nag-iisip?!" Gigil na sigaw ko bago binuksan ang pintuan. Kinausap siya ni Audette at nagpasalamat naman ito. Wala akong pakialam kung inutusan man siya o hindi. Donny is so stupid for doing this instead of working quietly. He's so fucking dumb!

"Gago talaga 'yon! Kapag nakita ko iyon ilalampaso ko ang mukha niya. Sinasabi ko sa iyo, Audette!" Kung tingin niya ay tama ang ginagawa niya, pwes sa akin ay hindi. Hindi ko man alam ang puno't dulo, o pinakadetalye ng lahat, hindi pa rin ito tama.

"Parang sa iyo pa may atraso, ah," aniya sa nagbibirong tono pero hindi naman mababakasan ng kahit anong tuwa. Alam kong may binabalak na naman ito. Isa rin itong hindi nagpapatalo, hindi ito papayag na malamangan o 'di makapaghiganti.

"Anong plano mo?" Tanong ko.

"Wala," simpleng sagot niya.

"Anong wala?" Hindi na lang ba siya gaganti? For sure, gaganti siya. Pero ano na naman kaya ang gagawin nito? Gaya nga ng naisip ko ay gumanti talaga siya. Marami-rami rin ang nangyari, halos lahat ay sagupaan nilang dalawa.

"Yen, birthday ni Mommy, pupunta kami sa Laguna kasama kayo," nanlaki ang mga mata ko sa anunsyo ni Audette.

"Talaga?" Excited kong tanong.

"Yup," she giggled.

"Talagang-talaga?" Pag-ulit ko.

"Oo."

"Talagang, talagang, talaga?"

"Oo nga."

"Talagang, talagang---"

"Tangina mo! Huwag ka ng sumama," Inis na singhal niya. Masaya akong nagtititili at nagtatatalon.

"O my gosh! Excited na ako! Kailan ba 'yan?" Excited na ako kahit 'di ko pa naman alam kung kailan.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Where stories live. Discover now