16: Reminiscing

136 44 0
                                    

Chapter 16: Reminiscing

Elodea's POV,

*12 years ago...*

"Anak,pasensya ka na talaga kung kailangan mong gawin ito. Kung sana ay may kaya tayo--"pinutol ko na ang sinasabi ni inay dahil alam ko naman na kung saan iyon patungo.

Alam ko namang sisisihin niya nanaman ang sarili niya dahil mahirap kami ngayon.

"Inay naman,'wag niyo na pong isipin iyon. Alam niyo naman pong tutulong ako hanggang sa abot ng aking makakaya di po ba?"sabi ko kay inay tsaka kinuha ang bilao na nakapatong sa mesa na puno na ng suman na ginawa namin ni inay kanina.

Ngumiti naman si inay saka lumapit sakin at inayos ang aking uniporme.

"Napakaswerte ko sa'yo anak. Nagpapasalamat ako sa Diyos na ibinigay ka niya sa akin,"sabi ni inay tsaka hinaplos ang mukha ko.

Napangiti din ako. Kahit mahirap kami,masaya padin ako at kasama ko si inay. Kahit dalawa nalang kami sa buhay,basta kasama ko siya para na din kaming kumpletong pamilya.

Siguro dahil 'yun sa hindi ko naman naranasan magkaroon ng ama kaya kuntento na ako sa buhay namin. Hindi ko kasi siya nakilala kahit minsan. Umalis daw kasi siya nang nagbubuntis pa lamang si inay. Isang beses lang akong nagtanong at ayoko nang ulitin dahil nasasaktan lang si inay.

Pero hindi ako kuntento sa pagiging mahirap namin. Ayoko kasing naghihirap si inay ng sobra. Gusto kong tulungan siya kaya nag-aaral akong mabuti para pagdating ng araw masuklian ko ang lahat ng paghihirap niya.

Pinangako ko sa sarili ko na bibigyan ko si inay ng napakadaming bahay na magaganda,mga magagarang sasakyan at napakaraming pera. Bibigyan ko siya ng maraming katulong para hindi na siya kumilos pa.

Balang araw inay,pinapangako ko.

"Inay,papasok na po ako,"sabi ko kaya tumango na siya. Agad naman akong nagmano at aalis na sana nang pigilan niya ako.

"Sandali anak. May,sasabihin sana ako."sabi ni inay kaya napalingon ako sa kanya at nakita ko ang kanyang pagyuko.

"May problema po ba?"nag-aalala kong tanong. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni inay.

"Anak kasi,patawarin mo sana ako,"sabi niya kaya lumapit na ako. Marahang inangat ko ang mukha ni inay at nakita ko ang mumunting butil ng luha na tumutulo ngayon sa kanyang mata.

"Inay...ano po ba 'yon?Hindi naman po 'yan masamang balita 'di ba?"kinakabahang sabi ko.

Bumuntong hininga muli si inay."Ang totoo niyan anak...hinahanap tayo ng ama mo. Natatakot lang ako na baka agawin ka niya sa 'kin dahil sa kalagayan natin ngayon kaya nagtatago tayo,"sabi ni inay kaya tuluyan na siyang umiyak.

Nagulat ako sa sinabi ni inay. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Matagal ko din naman kasing gustong maranasan ang magkaroon ng ama. 'Yung bang feeling ng may tatay kang kasama sa bahay. Pero naiinis din ako kasi iniwan niya kami ni inay tapos paglipas ng napakatagal na panahon kukunin niya ako?

"Inay...bakit niyo sinasabi ito?"naguguluhang sabi ko pero mas lalong humagulhol si inay.

"Sa tingin ko,tama siya sa sinabi niya noon. Na kakailanganin natin siya pagdating ng panahon. Anak,akala ko kaya kitang buhayin ngunit tingnan mo naman ang kalagayan natin. Pareho tayong nahihirapan kaya napagdesisyunan ko na ibigay ka nalang sa tatay mo,"sabi ni inay kaya napaiyak na din ako.

"Ayoko 'nay!Wala naman akong pake kung mahirap tayo ngayon kaysa naman magpakasasa tayo sa kayamanang hindi naman natin pinaghirapan. Tsaka inay,ako ang nangako,ako ang nangakong aahon sa 'tin kaya 'nay,huwag mo naman ako ipamigay na parang laruan na pinagsawaan lang,"pagmamakaawa ko kay inay habang umiiyak.

"Anak,'wag kang mag-alala dahil kasama mo akong maninirahan. Hindi ako papayag na masira ulit ang pinapangarap mong buong pamilya. Pasensya ka na anak kung pinagkait ko yun sayo..."

*Dela Torre's Mansion*

"Wow...nasa palasyo na ba ako?"manghang saad ko ng makarating ang sasakyan na aming sinakyan. Sinundo kami nito sa bahay namin kaya naman inggit na inggit ang mga kapitbahay natin.

Bumaba na kami sa sasakyan kaya mas natanaw ko ang bahay. Sumakit na nga ang batok ko kakatingala at kakaikot ng paningin ko sa bahay. Napakayaman siguro ni tatay.

Nakakatawa lang isipin,kami ni inay isang kahig,isang tuka samantalang si tatay lumalangoy na sa ginto sa yaman.

"Let's go,Ms. Elodea?"tanong nung driver kaya tumango na ako at sumunod kami ni inay sa kanya. Ibinukas ng mga kasambahay ang napakalaking pinto na gawa pa sa mamahaling kahoy. Maging ang sahig ay gawa sa mamahaling marmol.

Sa labas,parang isang garden ang iyong matatanaw. Napakaraming bulaklak at ang mga vines ay nakapulupot sa mga poste ngunit kaaya aya paring tingnan.

Halata rin na inaalagaan itong mabuti dahil napakaberde ng mga dahon na namumukadkad ang mga bulaklak.

Pumasok na kami sa loob at nakita ko kung gaano kalawak ang loob ng bahay. Sa gilid ay maraming mga antique na gamit ang naka-display gaya ng mga figurines. Nakadikit naman sa pader ang ibat ibang paintings na mukhang ginto rin ang presyo. Sa pinakagitna ng kisame nakakabit ang isang napakalaki at napakagarang chandelier. May hagdan rin na paikot papunta sa mga kwarto sa taas. Sa bandang kanan naman ay may daan rin na marahil ay papuntang kusina o kainan.

Grabe,parang labinlimang bahay to sa tinitirhan sa amin sa may squatter na pinagdikit-dikit. Ganon kalaki.

"Grabe,you look so beautiful and elegant Elodea. Lumaki kang napakagandang bata,"napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng pormal na kasuotan at nasa mid-30s na ang hitsura. Halata din na naalagaan ang kanyang balat ng maayos dahil napakagwapo niya pa rin. Siya na siguro ang tatay ko.

Bumaba siya ng hagdan para salubungin ako.

"Brenda,salamat at sa wakas tinupad mo rin ang hiling ko. I can't wait to meet my only daughter,"sabi ni tatay ng makababa siya.

"Pasensya na Darwin at pinagkait ko ang karapatan mo kay Elodea,"malungkot na sabi ni inay.

"Ayos lang. Ang mahalaga nandito na siya. Ito ang tatandaan mo anak ha,ieenroll kita sa pinakamayamang eskwelahan at simula ngayon,matututo ka na ng proper etiquette namin. Sayong-sayo ang lahat ng nandito. Sa inyo ng nanay mo."sabi ni tatay kaya napangiti ako. Sa amin to lahat?Nakakatuwa naman!

"Salamat po tatay..."sabi ko.

"At hindi tatay ang itatawag mo sakin kundi daddy,okay?"sabi pa ni ta--ibig kong sabihin,daddy kaya tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Opo,daddy,"sabi ko kaya ngumiti na siya.

"Please yourself,my daughter. Mula ngayon,gagamitin mo na ang apilyedo ko at kikilalanin ka ng mga kasosyo ko bilang tagapagmana ko,"sabi pa ni daddy.

----

"Dea!Dea!Umaga naaa!!!Babangon ka o hahambalusin kita ng kawali?!"napabalikwas ako ng bangon nang tawagin ako ni Euca. Ugh,dakilang panggising talaga ang kumag na to ih.

"My god!Im awake na nga!Aish,"inis na sabi ko tsaka padabog na tumayo sa higaan.

"Let's go. Di ko akalaing may gustong tumalo kay Spiraea as the pinakamatagal gumising,"sabi ni Crys habang kumakain ng sandwich.

I just rolled my eyes."Sorry na nga e. Maliligo na nga ako!"

Im so happy to be friends with Spiraea and the gang kahit na may pagka tuliling sila. Naging totoong kaibigan sila sakin. Alam kong masamang maglihin kaso hindi ko lang alam kung tatanggapin padin nila ako once malaman nila kung ano ako noon. Wala sa sarili akong ngumiti kaso nawala agad yun.

I sighed then get the towel. Yan pa ba ang poproblemahin ko ngayon? Kailangan,makaalis muna kami sa impyernong ito bago ako mamroblema sa mga bagay-bagay.

"Dea,maligo ka na nga!"

"Oo na nga e!"
----

Kiras' Academy[UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon